PAMAMAALAM

14 0 0
                                    


PAMAMAALAM

PAMAMAALAM, Salitang napakahirap bigkasin, bitawan, sabihin, lalo na sa isang taong matagal mong nakapiling. Yung taong sa simula palang, ay inalayan mo na, nang lihim mong pagtingin at pagsinta.

Ngunit paano nga ba, tayo ay humantong sa ganito, na tanging pamamaalam ang sulusyon na nakikita ko. Samantalng sa simpleng salita lamang nagsimula ang lahat ng ito sa salitang "KAIBIGAN MO LANG PALA AKO!"

Naaalala ko at hindi nakakalimutan, kung paano nagsimula ang aking lihim na pagmamahal.

Batang mosmos, ako sa iyong paningin, ngunit ang hindi mo alam, ang batang ito sayo ay mayron nang pagtingin. Nagsimula sa pagiging magkaibigan,hanggang sa paglalim nang nararamdaman.

Araw-araw magkasama kahit hanggang sa umulan pa. Kahit sa pagkain tayo ang laging magkasabay. Natutulog ng magkatabi na para bang ako ay iyong kapamilya.

Ikaw ang nagsilbing guro at inspirasyon sa akin, ikaw ang nagsilbing alalay habang tinatahak natin ang mga malakas na alon ng pagsubok sa napili nating larangan. Sabay na nilalabanan ang mga malalakas na hampas ng mga problema.

Lumipas ang maraming panahon, ngunit walang nagbago, tanging ang pagmamahal ko lang sayo na lumalim na ng husto. Umaasa ako na iyo ding makikita ang aking pagmamahal na kay tagal nang nakakubli sa kadiliman.

Kadiliman na dulot ng lahat ng kirot at sakit na aking nadarama sa tuwing ikaw ay nakikita, nakikitang maligaya sa piling ng iba.

Ilang litro, Ilang galon, ilang drum na ba ang aking nailuha, hanggang sa punto na wala nang mailuha, ngunit bakit ang sakit, ay tila hindi humuhupa. Habang tumatagal, lalong lumalalalim, bawat paglalaim ng sakit, ay paglalim din ng pagmamahal.

Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kong sumuko, pilit na umaasa na iyong mapansin, ang lihim na pagtingin na matagal ko nang itinatago sa dilim.

At dumating ang mga araw na aking hinihintay, marami ang nagsasabi, nakakapansin at nagpapatunay na ikaw daw ay mayroon na ding pagtingin.Sa tuwing naiisip ang mga bagay na yan, bakit tila may kuryenteng bultabultahe ang aking nararamdaman.

Saya, Kilig, pagmamahal yan ang aking nararamdaman sa tuwing tayo ay magkasama, hanggang sa dumating na tinawag mo akong aking asawa, wala na nga atang mapagsisidlan pa ng aking umaapaw na kaligayahan nang dahil saiyo sinta.

Nginit ang kaligayahang ito ay biglang napawi, nang aking malaman na ikaw ay may iba nang napili, kapirasong papel ang aking naging kalaban, Hindi ko noon alam kung anong aking dapat gawin, sa sobrang sakit para na akong namamanhid!

Gusto kong tumakas,lumayo,magtago sa pagaakalang lahat nang itoy mawawala at maglalaho, na parang isang panaginip na paggising ko ay ako na ang iyong iniibig.

Isang araw, muli tayong nagkita, Sobrang sakit parin, lalo na nung nalaman ko na minahal mo rin pala ako, Gusto kong ibalik ang mga oras, ibalik kung saan pwede akong maging malakas, malaks na kaya kang ipaglaban, upang ang pagibig natin ay hindi nalang nasayang.

Ngunit wala na...huli na ang lahat, nais ko nalamang ay Makita kang Masaya, Masaya kahit sa piling pa man ng iba. Sana ay baunin mo ang ating mga alaala, alaala nang aking tunay na pagmamahal sayo sinta.

At ngayon, dumating na tayo sa dulo, kung saan mamamaalam na ako, hanggang sa muli nating pagkikita, PAALAM SAYO mahal kong KUYA!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PamamaalamWhere stories live. Discover now