CLICKKK!!!

CLICKKK!!!

CLICKKK!!!

Hindi maalis ang mga ngiti ni kuya sa mukha. Mas masaya pa siya sa akin. Iwinagayway pa nito ang hawak na diploma. Para siyang nanalo sa lotto.

"Salamat kuya." Bihira akong magpasalamat sa kanya. Alam kong alam niya kung gaano akong nagpapasalamat na siya ang kuya ko.

Nangilid ang luha niya sa mata. Niyakap niya ako pagkatapos ay muling iwinagayway ang diploma.

Hindi ako makapaniwala na graduate na ako sa high school. Masayang masaya ako.

"Riz!!!" Si Bea. Kasama nito ang lola niya. Halos mapuno ang leeg niya ng mga medalya samantalang ako ay ribbon na may nakalagay lang ng 'graduate' at kwintas na sampaguitang tinuhog.

"Congrats, Bea! Ang dami niyan ah. Hindi ka ba nabibigatan?" Biro ko.

"Thank you, congrats din! Okay lang na mabigat, worth it naman."

Worth it. Oo nga. Ang saya-saya ng lola niya. Sana napasaya ko din ng ganyan si kuya. Huminga ako ng malalim. Ang pasaway ko kasi. Pero promise ko, sa susunod kong graduation sisiguraduhin kong mas madami pa diyan ang makukuha ko. Ngumiti ako. Marami pang pagkakataon para bumawi.

"Tara picture tayo." Aya ko sa kanya.

Lumapit naman agad si ate Anika.

"Sandali! Isali niyo naman ako!" Kunyaring nagtatampo na sabi ni Lianne. Lumapit siya sa aming dalawa ni Bea saka sumiksik sa gitna. Inakbayan niya kaming dalawa.

CLICKKK!!!

CLICKKK!!!

CLICKKK!!!

Hindi ko malilimutan ang high school life. Marami akong naranasan. Masasaya at malulungkot na pangyayari. Mga kaaway na naging kaibigan. Mga kalokohan at kabaliwang hinding hindi ko malilimutan.

Gabi na ng makauwi kami sa mansyon. Pagdating namin ay may maliit na salu-salong inihanda para sa akin ang pamilya Ho.

Lahat sila ay masaya akong binati. Nag-abot din sila ng mga regalo.

Talagang napakasaya ko. Hindi ko akalaing magiging maayos ang pagtanggap nila sa amin ni kuya. Pakiramdam ko ay parte na kami ng pamilya.

Pagkatapos ng handaan ay maagang nagpahinga sina kuya. Ako man ay napagod din ng husto kaya umakyat na din ako sa kwarto para magpahinga.

Mabilis akong naligo at nagsipilyo. Habang tinutuyo ko ang aking buhok ay naalala ko ang malaking paperbag na puno ng regalo ng pamilya Ho. Hindi ko iyon tinignan kanina, paano ay nahihiya ako. Unang beses kong makatanggap ng ganun kadaming regalo.

Agad kong binalot ng twalya ang basa kong buhok. Binuhat ko ang may kabigatang paperbag na iyon at ibinuhos sa ibabaw ng kama ang lahat ng laman pagkatapos ay inihagis ko iyon ng patalikod.

Tinignan ko isa-isa ang mga regalong iyon. Laking gulat ko ng makita ko na may regalo ang mag-asawang Ho sa akin. Inalug-alog ko pa iyon. Inilapag ko ang mga iyon at tinignan ang iba pa.

"To my dearest sister! Happy graduation. Love, kuya." Napangiti ako. Agad ko iyong binuksan.

Isang itim na pambabaeng relo. Mukhang mamahalin. Level up na si kuya!

Isinuot ko agad iyon. "Ang ganda!"

Maya-maya ay dinampot ko naman ang isa pang kahon. Medyo mabigat.

WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon