May pagkakataon na natapalan ng nararamdaman ko sa kanya yung para kay Timothy.

Kasi yung totoong pagmamahal hindi naman nawawala yun, nandoon lang yun palagi, yun yung nangyari sa nararamdaman ko kay Timothy dati.

Lake was there for me, always. 

And before spending time with Timothy again, I was so sure that I'll say yes to Lake right away, if only he had asked me.

Pero mabuti na rin sigurong hindi niya ako tinanong, kasi kung umoo ako, siguro hindi mabibigyan ng isa pang pagkakataon yung kami ni Timothy

"Can you care to tell us what happened at the ball? Bakit bigla ka nalang nawala?Kayo ni Timothy?" Steph asked me

"That was the time when Timothy stirred what I've been feeling for him. Tinanong niya ako, doon niya ginulo ulit ng sobra yung utak ko at puso ko. He wanted to pursue me again, and I don't want to, I still can't, kaya umalis ako kasi he wanted us to talk about what happened"

"Bakit kayo nawala ng lagpas isang linggo? Tapos biglang lumabas itong issue? You know I'm on your side pero kaibigan ko rin si Lake, and he didn't take this lightly, kasi wala siyang alam, hindi niya alam na nagkaroon kayo ng relasyon ni Timothy. We didn't know that you did not tell him" sa unang pagkakataon ay nagsalita si Maize

Damn!

Dun lang pumasok sa utak ko na hindi ko pa nga pala nasasabi kay Lake. Alam kong nagulat siya at alam kong nasasaktan siya ngayon. I know that I need to talk to him

"Where's Lake?" I hurriedly asked them

Alam kong sinabi ni Timothy na wag akong lalabas pero this is important

Huminga ng malalim si Shane, bago sumagot

"Nasa condo ni Eros, nandoon siya simula ng lumabas yung issue, hinanap ka niya agad nung nalaman niya yung tungkol dun pero you're nowhere to be found, and when he learned that Timothy's also not around, he had a conclusion right away" halatang nahihirapan siyang sabihin to sa akin ngayon

Tumingin sa kanya si Maize at Steph na parang pinapagalitan siya kung bakit niya sinabi pero she looked at them like she's saying that I need to know this

Alam kong naiipit siya dito dahil bestfriend ni Eros si Lake, at best friend ko naman siya. I don't want to cause any trouble for them anymore so I need to fix this once and for all

"Pupuntahan ko siya" determinado kong sabi

Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko sa aparador na nilalagyan nito

Tumayo rin silang tatlo

"Sigurado ka? May press con ngayon si Timothy kaya umalis ang ibang media sa harap pero marami pa ring naiwan" nag aalalang sabi sa akin ni Maize

Sumulip ako sa bintana at nakitang tama nga siya

"Will you help me?" alanganin kong tanong sa kanila

" I thought you'll never ask" Nakasmirk na sabi ni Steph bago ako hinila papunta sa poolside namin

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nagpatangay nalang ako. Nagulat ako ng biglang nasa kalsada na kami

"How?" di makapaniwala kong tanong

"Hindi rin kami makadaan sa harap kaya tinuro ni Leander tong daan na ito sa amin" sagot ni Maize bago kami pumasok sa kotse na nakaparada

Sumakay kami dun habang di pa rin ako makapaniwalang may daan pala palabas galing sa bakuran namin

Hindi ko alam kung bakit hindi ko alam ang tungkol dun pero saka ko na yun aalalahanin

Labyrinth of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon