Pababa pa lang ako ay naaamoy ko na ang fried kaya siguradong nagluluto na si Thorn ng brunch namin. Saktong-sakto, gutom na gutom na ako. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko s'yang nakatalikod sa gawi ko at nakatukod ang dalawang kamay sa sink.

Nakita kong nakahanda na ang mga ulam sa mesa. Kanin nalang ang kulang.
"Wow! Ang sipag ha? Talagang bumawi ka." Nakangiting sabi ko at naglakad palapit sa kanya. Lumingon s'ya sa akin at agad na kumunot ang noo matapos akong pasadahan ng tingin.

"Nasaan ang tsinelas mo?" Seryosong tanong n'ya. Napanguso ako at saglit na niyuko ang mga paa kong nakayapak lang. "Hindi ko mahanap, eh. Ewan kung saan napunta." Balewalang sabi ko. Napabuga s'ya ng hangin bago naglakad palapit sa akin.

Isinabit n'ya sa magkabilang tainga ko ang mga buhok kong nakatakip sa mukha. Hilaw akong napangisi. Nakalimutan ko nga pala pati ang magsuklay. "Kababae mong tao baka habulin kana ng suklay."

Napatitig ako sa masungit na mukha ni Thorn. Sinuklay n'ya ang magulo kong buhok gamit ang mga daliri n'ya. Bigla akong napalunok ng mapatitig din s'ya sa mga mata ko. There it is. My whole being is in chaos again. Bumibilis ang tibok ng puso ko at parang kinakapos ako sa hangin.

Napasinghap ako ng hawakan n'ya ako sa magkabilang bewang at inangat paupo sa high stool. Para bang kung buhatin n'ya ako ay wala akong kabigat-bigat. "Uminom ka muna ng gatas habang hinihintay natin na maluto ang kanin." Ani Thorn at lumayo sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko ng tumalikod s'ya at lumapit sa cup board.

Kumuha s'ya ng baso saka tumungo sa ref at kinuha ang cartoon ng fresh ng milk. Nagsalin s'ya sa baso at bumalik sa akin. "Here."

Tahimik na tinanggap ko ang basong naglalaman ng gatas. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko yata kakayanin kapag palaging ganito ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi..


Hindi na kami nakapag-usap pa ng maayos ni Thorn hanggang sa matapos kaming kumain. Sa akin kasi ang may mali at kakaiba. Pakiramdam ko pati s'ya ay nawe-weirduhan na rin sa mga kilos ko.

Ako ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin pero hindi pumayag si Thorn. Inutusan n'ya nalang ako na maligo dahil s'ya kanina pa nakaligo bago bumaba. Hindi na rin ako kumontra pa dahil medyo pinagpapawisan na ako sa init.

Kasalukuyan kong tinutuyo ang basang buhok ko ng blower, nang bumukas ang pintuan ng silid ko. Tinaasan ko ng kilay si Thorn mula sa malaking salamin na nasa harapan ko. "Bakit?"

Humalukipkip s'ya at sumandal sa hamba ng pintuan. Kumurba ng sarkastikong ngisi ang labi n'ya. "Saktong-sakto, ah. May bisita ka sa baba."

Kumunot ang noo ko at hinarap s'ya. "Sino naman? Si Grace? Si Lilith?" Takang tanong ko. Hindi naman sila nagsabi sa akin na babalik sila dito ngayong araw sa bahay. Ini-off ko ang blower at tinanggal sa saksakan. "Sana pinaakyat mo nalang dito." Ani ko at naglakad papuntang pintuan. Pero bago pa man ako makalabas ay pinigilan ako ni Thorn sa braso.

Salubong ang kilay n'ya at naka-igting ang panga. Medyo naguluhan ako sa inasal n'ya. "B-bakit?" Alanganing tanong ko. Huminga s'ya ng malalim at binitawan ako. "Magbihis ka muna. Si Kane ang bisita mo." Malamig n'yang sabi at naunang lumabas sa pintuan.

Bumaba ang paningin ko sa suot ko at doon ko lang napagtanto na tanging manipis na camisole at sobrang ikli na shorts lang pala ang suot ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at nagmadaling lumapit sa closet. Buti nalang at napigilan ako ni Thorn, paano nalang kung bumaba akong nakaganito? Tapos humarap pa ako kay Kane?

Binatukan ko ang sarili ko. Next time kasi, 'wag kang lutang Gemini!


Nang bumaba ako ay naabutan ko silang dalawa na nag-uusap sa sala. Tumayo si Kane at nginitian ako. "Hi." He greeted at inabot sa akin ang bouquet ng fresh flowers.

Malawak ang ngiti ko na inabot ito. Hindi ko alam na nakaka-speechless pala ang tumanggap ng bulaklak mula sa taong gusto mo. Umupo ako sa tabi ni Kane, samantalang nasa kaharap naman naming couch nakaupo si Thorn.

"Napadalaw ka ah, hindi ka manlang nagsabi." Nakangiting sabi ko. Base sa nakikita kong ayos ni Kane ay paniguradong hindi lang dito sa bahay ang punta n'ya.

Napahawak s'ya sa sariling batok bago ako tiningnan ng deritso. "Actually, gusto talaga kitang yayain ngayon na lumabas. Wala ka namang gagawin 'di ba?"

Napasulyap ako kay Thorn na ngayon ay nakamasid lang din sa amin. Hindi ko alam pero parang naiilang ako. Tumikhim ako bago sumagot. "Wala naman, saan mo ba balak na pumunta?"

"Nag-enroll kasi ako sa isang special art class. Isasama sana kita. Gusto kong matutunan ang mga bagay na hilig mo." Parang nahihiyang sagot ni Kane. Mas lalo akong napangiti. Mukhang mas nag-eeffort na talaga s'ya ngayon.

"Labas lang ako." Nalipat ang atensyon namin kay Thorn ng bigla nalang s'yang tumayo at naglakad palabas ng bahay. Problema nun?

"Gem? Sasamahan mo ba ako?" Napatingin ako ulit kay Kane na halatang kanina pa naghihintay sa sagot ko. Kanina pa ba ako nakatunganga sa pinto? Aish.

"Sure, wala naman akong gagawin. Magbibihis lang ako." Nakangiting sagot ko at tumayo. "Thank you, hintayin lang kita dito." Ani Kane na tinanguan ko lang.

Umakyat ako ulit sa silid ko at nilagay muna sa isang flower base ang bulaklak na bigay ni Kane. Simpleng white floral dress lang ang napili kong isuot at flat shoes. Pinanatili ko lang din na nakalugay ang buhok ko.

Bahagyang nag-init ang magkabilang pisngi ko ng sinalubong ako ni Kane pababa ng hagdan at inalalayan. "It's just me or sobrang ganda mo talaga today?" Ani Kane habang titig na titig sa akin. Damn. Paniguradong namula ng sobra ang mga pisngi ko.

Umiwas ako ng tingin at hinampas s'ya sa braso. "Wag ako, Kane. Ang bolero mo." Inirapan ko s'ya at naunang naglakad palabas ng bahay.

"Hey, i was just saying the truth." Natatawang habol n'ya sa akin. Tiningnan ko s'ya para malaman kong pinagloloko n'ya lang ba ako pero mukhang sincere naman s'ya.

"Mauna kana sa labas, Kane. Magpapaalam lang ako kay Thorn." Sabi ko kay Kane at nilibot ang paningin sa garden. Saan na naman kaya 'yon?

"Sige, sa kotse nalang kita hihintayin." Tumango lang ako at nauna na s'yang naglakad palabas ng gate.

Umikot ako sa kabilang bahagi ng hardin. May malaking puno ng mangga kasi sa backyard ng bahay namin. Doon kami madalas tumambay noon ni Thorn. Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko s'yang nakasandal sa puno no'n at nakapikit.

Tumikhim ako ng makalapit na ako sa tabi n'ya. "Lalabas muna kami ni Kane, Thorn. Baka mamayang hapon na ako makabalik. Ikaw nalang muna ang bahala dito sa bahay ha?" Paalam ko sa kanya. Pero hindi s'ya sumagot o dumilat manlang. Ano nanaman ang problema nito? Sinusumpong ng tupak?

"Thorn, hey. May problema ba?" Tanong ko ulit at mas lumapit pa sa kanya.

"Leave now, Precious. Baka pigilan pa kita." He mumbled. "What?" Hindi ko kasi masyadong narinig ang sinabi n'ya.  Bigla s'yang dumilat at deritso akong tinitigan sa mga mata. Wala akong mabasa na kahit anong emosyon doon. "I told you to go now. Enjoy your date." Malamig n'yang sabi at padabog na naglakad pabalik ng bahay.

Napaawang ang bibig ko sa inasal n'ya. Ang laki ng problema n'ya, huh? Masama ko s'yang sinundan ng tingin.

"Tang-inang 'yan! Bakit ang sakit?!" Narinig ko pang reklamo ni Thorn hanggang sa tuluyan na s'yang nawala sa paningin ko.



May tupak nga!

Kahit Kunwari LangWhere stories live. Discover now