¤ Billionaire 4 ¤

977 18 1
                                    


  ======== > ¤¤¤¤  Billionaire 4  ¤¤¤¤ < =======

SUMAKAY NA AKO sa sasakyan na nakalaan sa akin at pasalampak na naupo dahil sa haba ng biyahe at pagod na rin. Kinuha ko ang cellphone ko at headset at inilagay iyon sa tenga ko pumikit dahil gusto ko na talagang mag-relax maybe dahil sa stress at pagod. Nagmamasid lamang ako sa dinaraanan namin ng biglang may nalanghap akong amoy mula sa sasakyan at ang tapang ng amoy kaya agad kong nilingon ang driver at nagtaka dahil naka-mask na ito. Magtatanong sana ako kung bakit naka-mask siya pero huli na dahil agad akong nakaramdam ng sobrang antok, parang pinu-puwersa ang mga talukap ng mata ko para makatulog pero sinusubukan kong labanan iyon pero hindi ko talaga kaya, nagdilim na ang paningin ko't agad na nakatulog..

NAGISING NA LAMANG AKO dahil sa sobrang bigat ng ulo ko at ang sakit pa. Kinakapa ko pa ang ulo ko tapos ay sinuyod ang paligid at ganun na lamang ang pagkagulat ko ng makitang nasa isa na akong kuwarto, nakahiga sa malambot na higaan at may posas ang isa kong paa. Pilit ko iyong tinanggal pero hindi siya matanggal. Hanggang sa bigla na lamang bumukas ang pinto kaya tiningnan ko iyon, nakita ko ang isang may katandaan ng ginang na may dala-dalang palangganita at umupo ito sa ibaba ng hinihigaan ko.

"Gising ka na pala iha, halika pupunasan kita."Anito at akmang lalapit pero pinigilan ko siya.

"Nay, wag po. Paalisin niyo lang po ako please po. Nasaan po ba ako? Nay please po, palabasin niyo po ako. Maawa na kayo, ano po bang kailangan ninyo sa akin? Hindi naman po ako mayaman eh."pagmamakaawa ko pero ngumiti lamang ang huli.

"Naku iha, patawarin mo ako pero utos po ito ng senyorito na wag ko raw po kayong pakakawalan sa pagkakatali. Patawarin niyo ako senyorita pero hindi talaga maaari, baka kasi ako ang mapagalitan."hingin paumanhin nito. Huminga ako ng malalim, pilit na tinatanggal ang kaba't takot na nararamdaman.

"Nanay sige na po.. Kung ganun po, paki-usapan niyo naman po ang senyorito ninyo na palayain na ako dahil baka nagkakamali lang siya. Oh baka naman po hindi naman po talaga ako ang kailangang kunin, b-b-aka hindi po ako iyon at n-napagkamalan lang ako. Dahil hindi naman po ako mayaman eh."pilit kong huwag umiyak pero hindi ko napigilan. At tumulo ang luha ko, kaagad naman akong dinaluhan ng huli at pinunasan ang luha ko.

Pinupunasan niya ang mga paa kong madumi, pagkatapos ay kinuha na ang palangganita at lumapit ito sa may pintuan nag-aambang aalis na ito pero saglit na pinagtuunan ako ng pansin.

"Iha patawad pero kahit tanggalin kita sa pagkakatali mo ay hindi ka pa rin makakalabas ng bahay. At saka hindi pa dumadating ang senyorito, nasa Manila pa ito't maya-maya'y darating iyon. Sya na lamang ang kausapin niyo senyorita."Anito at tumayo na para umalis..

"S-sandali!!"pero nakaalis na ito sa kuwato kaya napahilamos nalang ako sa mukha ko. Umiiyak ng palihim, humihikbi at pilit na pinapatahan ang sarili.

"Sa-sandali.. Gusto ko lang makaalis, hindi naman yata ako yung pinapakuha eh. Ba-baka nag-nagkamali lang at hindi talaga ako iyon."pilit na pangungumbinsi ko pero ano bang pinagloloko ko? Eh tinanong pa nga noong lalaki ang pangalan ko.

Sana pala hindi na lamang ako sumakay, peste! Mapapahamak pa tuloy ako. I'm so helpless right now. Ni hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Baka, baka may balak silang masama sa akin, sa isiping iyon ay napa akap ako sa dalawa kong tuhod at palihim na nagdarasal na sana mali ang hinala ko, na hindi iyon totoo na gawa lang ng isip ko ang mga iyon.

Nasa ganoong kondisyon ako hanggang sa nakatulugan ko na ang umiyak. Nagising ako matapos makarinig ng kalabog mula sa labas ng kuwarto kung saan ako naka-kulong.

"Fuck! Did you get her?! Did you get her!!"Anang isang boses mula sa labas, nahintatakutan naman ako dahil kilala ko ang boses na iyon. Kahit pa isang beses ko lamang itong nakausap, kilala ko ang boses na iyon.

The Billionaire's Little Obsession (Unedited)- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon