"Noong nakilala ko si Anghel, nagkaroon ako ng panibagong dahilan para ipagpatuloy ang buhay ko. He became one of my reason for living. Lalo na noong mga panahon na nasa tabi ko siya noong walang-wala ako. Sobrang nagpapasalamat ako dahil ibinigay siya saakin. Mahal na mahal ko siya at hindi ko na makita ang buhay ko na hindi siya parte nito." Nginitian ako ni Mommy at Daddy. Pinunasan ni Daddy ang luha sa pisngi ko.
"Sadly," Napatigil silang dalawa tsaka napatitig saakin. "I would have to leave you any time soon." Pinakiramdaman ko silang dalawa. Wala na rin gaanong luha ang natulo sa mga mata ko. Parang naubos na sa sobrang pag-iyak ko gabi-gabi.
"W-what do you mean, S-sab?" Nakakunot ang noo ni Mommy at halatang naguguluhan siya.
"Tapos na ang mission ko dito sa mundo." Sinubukan ko ngumiti. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na ayaw ko silang maging malungkot kapag sinabi ko ito sa kanila.
"Bago yung gabi na nagising ako after ako kantahan ni Anghel, umaga pa lang nun ay nagkamalay na ako. Kaso wala akong inabutan, kaya tumawag ako ng nurse. Pumasok din kaagad ang doktor ko. At doon niya sinabi ang totoong kalagayan ko. Hiniling ko sa kanya na huwag muna sabihin sainyo ang totoo. Malakas daw ang tama ko sa ulo, Mommy't Daddy. Nagkaroon daw ng blood clot at posible daw na lumala ito ng lumala kaya kailangan operahan as soon as possible. Miracle na daw na maituturing na nagising pa ako ngayon. At mirakulo na rin ang hihilingin kung sakaling ipapaopera ako." Nakatulala pa rin silang dalawa saakin. Para bang hindi nila lubos maisip lahat ng sinasabi ko.
"Hindi ko sinabi sainyo dahil ayaw kong masira yung saya sa mga mata niyo, lalo na nang marinig ko yung mga pinagsasabi ni Anghel saakin bago at pagkatapos niya akong kantahan. I don't want to leave him, Mom and Dad. Wala siyang ibang ginawa kung hindi intindihin, mahalin, at pasayahin ako. Ayaw kong saktan siya, he doesn't deserve that." Niyakap ako ni Daddy kaya mas lalo akong napahagulgol. Ito ang unang pagkakataon na nabalot ako sa bisig niya, at ang gaan sa pakiramdam. Parang dahil sa yakap niya ay nagiging maayos ang lahat.
"Sab, you should have told us." Napahilot si Mommy sa sentido niya habang patuloy sa pag-iyak. "Baby, I'm so sorry. Alam ko na napakarami naming pagkukulang ng Daddy mo sayo. Ang daming bagay na hindi mo nagawa at naramdaman dahil sa pagiging makasarili namin, and we're really sorry, anak. Mahal na mahal ka namin. Believe it or not, mahal ka talaga namin. Noong unang beses ka naming nakita ng Daddy mo, noong ipinanganak ka, kakaibang saya ang naramdaman namin. It was ineffable. Kasunod ng saya na iyon ay ang pag-aalala dahil baka hindi lang kami ang pagsabihan ng masama ng mga tao, ayaw namin na pati ikaw ay madamay." Nag-iiyakan na kaming tatlo dito sa loob.
"Sa sobrang nilalayo ka namin sa masamang sasabihin ng mga tao ay hindi namin namalayan na nailalayo na namin ang loob mo saamin." Kumalas ako sa pagkakayakap kay Daddy at si Mommy naman ang niyakap ko.
"Sorry, baby, kung puro work kami ng Daddy mo. Sorry kung wala kami sa important events ng buhay mo, sorry dahil wala si Mommy noong may sakit ka, sorry dahil napagsabihan kita ng masasakit na salita. I'm really really sorry, Sab." Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Mommy tsaka pinunasan ang luha niya.
"It's okay, Mommy. Hindi naman ako nagkaroon ng galit sainyo. I love you no matter what, okay? Mahal na mahal ko kayo na kaya ko kayong patawarin kahit na hindi pa kayo manghingi ng tawad saakin. And if ever I die today, I want you to know na gusto ko maging masaya kayo parati. Siguro nga naging guardian angel niyo ako saglit dito at binabawi na ako ni G ngayon. I want you to be happy, Mom and Dad." Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mommy. Nakayuko na siya habang umiiling. Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Dad sa kamay ko habang nakayuko na rin.
Napangiti ako saglit. "I will always be here, still fangirling over you in heaven. Ngingitian ko pa rin kayo, the difference is, ako na ang malayo at hindi na kayo. I love you forever, Mom and Dad. Huwag niyo pababayaan ang sarili niyo ha? Lalo na yung mga magiging kapatid ko." Marahan akong natawa at kaagad naman nila akong niyakap ng mahigpit.
"Please don't say that. Ipapaopera ka namin sa magagaling na doktor sa US. We will do everything para gumaling ka, anak." Pagsusumamo ni Daddy tsaka inayos ang nagulo ko ng buhok. "Hinding-hindi na ako papayag na mawala ka pa saamin ng Mommy mo. Mula ngayon, parati ng nasa tabi mo si Daddy kailangan mo man ako o hindi. Fight for us, Sab. Gusto ka pa namin makasamang lahat. Mahal na mahal ka namin, anak." Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy at ramdam ko ng sobrang basa na ang hospital gown na suot ko dahil sa luha naming tatlo.
"Yes, Dad, I will try to fight, para sainyong lahat." Tinapik-tapik ko ang likod niya. Humalik siya sa noo at pisngi ko tsaka pinunasan ang uhog at luha na nagsama-sama na sa buong mukha ko.
"Anong sinabi mo, Inna?" Napalingon kaming tatlo nang marinig ko ang boses ni Anghel sa may bukana ng pinto.
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanfictionI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18
Chapter 26: i have a confession
Magsimula sa umpisa