"Pero kasi mahihirapan ka sa-"

"You care for me?" ngumisi siya nang itanong niya yun. Napakurap kurap naman ako at sinamaan siya ng tingin. Bago pa ako makapagsalita ay hinatak na niya ako pahiga at mabilisan na hinalikan sa noo. Natahimik ako at napatingin sa kaniya.

"Go to sleep now."

   Kinabukasan ay lalamya-lamya kaming lahat na kumilos. Tinatamad at kulang sa tulog. Bangag na bangag ako habang nagsusulat sa papel. Exempted nga kami sa klase ngayon pero 'yung mga hahabulin kong quizzes at paper works ay tambak!

   Halos maiyak na ako habang nagbabasa ng aklat. Hindi naman ako matulungan nina Genessa dahil may pinagawa sa kanila si Master Asuna. Kaya eto ako ngayon at nalulunod na sa mga papel. Hindi naman ako nag iisang nandito.

    Marami kami kaya dapat, spread the feels.

"I cannot do this anymore!!!"  narinig ko ang pagsigaw ni Marga na hindi kalayuan sa akin. Naglipana ang mga libro at mga bondpaper. Inis na pinatid niya ang mesa at umalis. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ivronnezeir at napailing.

     Sa tingin ko ay si Ivronnezeir lang ang pinakachill sa amin habang nagtatrabaho. Akala mo ay sanay na sanay nang nag gaganito dahil nagsosoundtrip pa.

    Ako naman ay sumunod nalang din palabas para makapagpahangin at kumain sa cafeteria. Sumasakit ang sentido ko sa kakabasa ng mga letrang iyon. Lalo na ang Calculus na panay X ang nakikita ko pilit na pinapahanap ang value. Ano bang importante sa value ng x? 'Di naman noon naisasalba ang ekonomiya ng Pilipinas.

   Anong magandang naidulot ng pagbebeach namin? Akala ko ba reward?Ba't naging punishment?

   Pagbalik ko uli sa library ay nagtaka ako kung bakit medyo maingay na. Nakita ko nalang ang grupo ni McGregor na pinapakialaman ang mga gamit ko. Mga gunggong!

"Hala, ang bilis! Nakakalahati na siya sa paper works niya," namamanghang wika ni Amelynx habang binubuklat pa ang mga papel.

"Matalino eh. Ikaw? May laman ba ulo mo?" balik tanong naman ni Montenegro.

"Tangina ka! Mas matalino ako sayo."

"Kung 'yang mga utak nyo lang naman ang pag uusapan, paano na ang katalinuhan ko?" natahimik sila sa pagsabad ni Fujiwara. Napailing nalang ako at hinablot sa kanila ang mga papeles ko.

    Nakita ko ang pagkataranta sa mata ni Amelynx. Ngumisi siya nang hilaw sa akin pero sinamaan ko siya ng tingin. Nang mapatingin ako kay Iverson ay nakaupo na ito habang binubuklat ang mga sinasagutan ko sa Math.

   Bwisit. Ni hindi ko inayos ang mga formula ko sa pagsosolve ng solution.

   Mabilis na hinablot ko ang answer sheet na iyon dahil sigurado akong walang tama doon! Muntik na akong masubsob sa mesa nang itaas niya iyon.

"I-ibigay mo 'yan, ano ba!" medyo natataranta kong sabi.

"Bakit? Ano ba 'yan, Iverson?" nagtatakang tanong ni Amelynx at sinubukang lumapit din pero hinarangan ko siya at itinulak.

" 'Wag kayong lumapit! Isang maling galaw niyo at papasabugin ko ang bungo niyo!"

   Parang nanghohostage lang.

"Chill. Ano kaba. Titingin lang!"

"Sabi nang-ang kulit mo rin 'no? Layas!"

     Tinapunan ko sila ng matatalim na tingin at saka mahinang umaabante. Napaatras naman sila sa inakto ko.

"Nemesis."

"Ano?!"

"Come over here."

"Bakit na naman? Umalis nga kayo!Nangugulo kayo! Bwisit."

"Hey! If all of you will keep shouting you better get out of here!" napatingin kami kay Ivronnezeir.

  Napalabi nalang ako at bumalik na sa puwesto ko. Pinatid ko ang upuan sa malapit at padabog na umupo sa tabi ni Iverson. Nakataas ang kilay nito nang tignan ko at namamangha pang nakatingin sa akin. Nilalaro niya ang labi niya habang hawak ang papel ko sa kabilang kamay.

"Mainit ulo, huh?"

"Wala kang paki. Umalis ka rin," masungit na saad ko. Narinig ko ang paghalakhak niya. Napaatras agad ako nang ilapit niya ang mukha sa akin.

"Because of your Mathematics, right?"

   Hindi ako sumagot at bagkus ay kinuha uli ang ballpen at tinitigan ang reviewer sa Math. Punyeta. Ano ba kasing mayroon sa subject na 'to?

"I'll teach you and in return you'll also teach me in Chemistry?"

      Napatingin ako nang sabihin niya iyon.

"Sagutan mo nalang 'yan. 'Wag mo nang ituro. Masakit ulo ko," reklamo ko pa. Muli kong narinig ang pagtawa niya. Oh?Ang saya naman yata nito? Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh. My baby's pissed today. What can I do, huh?"




----
A/N: Hindi ako nakapag update. Sorry. Tinamad ako at walang maisulat. Haha.

 

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon