Paghahanap sa Edel

26 4 0
                                    

"Edel? Saan iyon?"

"Pasensya na pero hindi ko alam kung saan ang tinutukoy ninyo."

"Paumanhin sapagkat ngayon ko lamang narinig ang lugar na iyon."





"Ilang araw na tayong nagtatanong tanong ngunit walang may alam kung nasaan ang Edel."


Napanghihinaan na ako ng loob. Ano ba kasing ginawa ko at napadpad ako sa lugar na ito? Sigurado akong hinahanap na ako nila ina ngayon. Malamang ay nag aalala na sila sa akin. Nais ko nang makabalik sa kanila. Hindi dapat sila iniiwan ng sila-sila lang.


"Wag ka ngang ganyan. Makakahanap din tayo ng taong may alam kung saan ang daan pauwi sa inyo. Mag isip ka lang ng mga positibong bagay. Malay mo may makukuha tayong impormasyon sa aklatan" Huminga ako nang malalim sa sinabi ni Elora. Tama siya. Hindi ako dapat nag-iisip ng ganito. Walang mangyayari kung agad akong panghihinaan ng loob.

"Salamat," Nakangiti kong sabi sa kanya. Tinapik niya ang balikat ko bilang sagot at gumaan bigla ang loob ko. Napakabuti talaga niya.


Patuloy kaming naglalakad papunta sa aklatan nang tinawag ako ni Elora.


"Sebastian?"

"Ano 'yun?"

"Bakit gusto mong makauwi sa inyo sa lalong madaling panahon?"


Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Alam ko naman na darating din ang araw na kung saan, tatanungin niya ako kung bakit nga ba ako desperado makauwi sa amin. May karapatan din naman siya dahil siya na 'tong lumapit sa'kin at nag-abot ng tulong. Nakakahiya naman kung ipagkakait ko sa kaniya ang katotohanan.


"May...Sakit kasi ang aking ina at kapatid. Kailangan nila ako dahil hindi nila kayang alagaan ang sarili nila" Mariin kong kinagat ang labi ko. Nag aalala nanaman ako sa kanila.

"Pag hindi ako nakauwi agad, baka hindi ko na sila m-maabutan" Bumigat bigla ang pakiramdam ko. Ano ba 'yan, akala ko ba mga positibong bagay lang ang iniisip ko?

"Kaya naman kailangan ko nang makauwi. Kailangan ko silang alagaan. Baka hindi ko kayanin kapag ako nalang 'yung natira..."

"K-kaya naman pala..." May lungkot sa boses ni Elora. Nang mapansin ko ang mga mata niya, para siyang maiiyak ng wala sa oras.

"A-ayos ka lang ba? May nasabi ba akong mali? P-pasensya na-" 

"Hindi, ayos lang ako. May naalala lang ako sa sinabi mo." Umiling siya bago magpatuloy, 

"Napakabuti mong tao, Sebastian"


Nakaramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Sobrang nagulat ako sa mga binitawan niyang mga salita. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya


"S-salamat,"

"Ayan! Ngumiti ka na rin ulit sa wakas! Wag na muna natin pansinin 'yung napag usapan natin kanina. Basta ang mahalaga, may ginagawa na tayng hakbang para makabalik ka na sa inyo at iyon ang importante" Nakakahanga siya. Saan niya nahuhugot ang lakas ng loob niya? Sobrang gaan ng mga salita niya. Parang may nararamdaman akong kakaiba sa may aking tiyan.


Kakaiba siya.


"Iba namang tanong, maari mo bang ilarawan sa akin ang Edel?"

AmarilyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon