2nd Chapter: Bestfriends

Magsimula sa umpisa
                                    

Nag-iwas ng tingin ang binata, saka tumayo. "Excuse me. I'll just make a phone call," paalam nito nang hindi tumitingin sa kanya, saka lumabas ng kanyang silid.

Nagtaka si Genna sa iginawi ni Seigo. Hindi niya maintindihan kung bakit tila bigla na lang itong nagalit. Ngayon lang niya ito nakitang nagkaganoon.

Ah! Baka nagalit siya dahil ngayon ko lang nabanggit sa kanya ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Melvin.

Pero wala naman siyang dapat ikagalit dahil hindi ko pa rin naman nasasabi 'yon kay Charly.

Nasa kalagitnaan siya ng pakikipagdebate sa sarili nang may marinig siyang katok sa bintana ng silid. Nang bumaling siya roon, nagulat pa siya nang makita ang nakangising si Melvin sa likod ng salaming bintana.

Agad siyang tumayo at binuksan ang bintana. "Melvin! Ano'ng ginagawa mo dito?" Sinilip niya kung saan nakatuntong ang binata—sa isang steel ladder! "Alam mo bang puwede kang mapahamak diyan sa ginagawa mo? At puwede ka namang pumasok nang normal sa bahay namin!"

Ngumisi si Melvin. "Mas exciting kasi kapag ganito. Pinahiram pa nga ako ni Tita Reina ng hagdan," tuwang-tuwang kuwento nito na ang tinutukoy ay ang kanyang ina. "At saka ayokong makita ako ni Seigo. Magagalit 'yon."

"Bakit ka kasi nagpunta rito? Hindi ba dapat nasa perya ka kasama nina Charly?"

Ipinatong nito ang mga braso sa pasamano ng bintana. "Oo nga. Nasa perya na 'ko kasama sila. Pero kasi, parang may kulang. Hindi ako makapag-enjoy. And I realized it was because you weren't there. Kaya sinusundo na kita ngayon."

"S-sinusundo mo 'ko?"

He gave her his best puppy dog expression. "Samahan mo 'ko sa perya. Please?"

Natigilan si Genna habang nakatitig sa mukha ni Melvin. Nandoon na ang lahat ng kaibigan nila, pero sinundo pa rin siya ni Melvin dahil gusto siya nitong makasama. Gusto sana niya... "Pero paano si Seigo?"

"Hindi mo naman siya kailangang sundin parati, 'di ba? You're not his puppet. Ikaw dapat ang nagdedesisyon para sa sarili mo, hindi siya."

Sa unang pagkakataon sa buhay niya, kinuwestiyon niya ang sarili kung bakit nga ba sinusunod niya si Seigo. Totoong malambot ang puso niya kay Seigo kaya hindi niya ito matanggihan, pero tama si Melvin. Siya pa rin dapat ang nagdedesisyon para sa sarili.

At nakapagdesisyon na ang kanyang puso.

Nakangiting tumango siya. "Hintayin mo 'ko sa 'baba."

Gumuhit ang napakagandang ngiti sa mga labi ni Melvin. "Roger!"

Pagbaba ni Melvin ng hagdan ay isinara ni Genna ang bintana. Hinablot niya ang jacket na nakasampay sa likod ng silya, saka siya tahimik na lumabas ng kuwarto.

Nakatalikod si Seigo paglabas niya at mukhang may kaaway sa cell phone kaya hindi siya napapansin. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan. Subalit nang nasa dulong baitang na siya, narinig niya itong sumigaw.

"Genna, where are you going?!"

Nakagat niya ang ibabang labi. Subalit imbes na huminto sa paglalakad ay tumakbo pa siya palabas ng bahay. Sa tapat ng gate ay nakita niya si Melvin na nakaupo sa bisikleta. Napangiti siya kasabay ng pagwawala ng kanyang puso. And when he smiled at her, she screamed "I love you, Melvin!" in her head.

"Good evening, Gen!"

Natawa lang siya, saka mabilis na umangkas sa likod ng bisikleta. "Let's go, Melvin! Nandiyan na si Seigo!"

"Genna!" sigaw ni Seigo.

Nilingon niya si Seigo na tumatakbo papunta sa kanila. She gave him an apologetic smile. "Sorry, Seigo!"

Bumakas ang galit sa mukha ni Seigo nang dumako ang tingin kay Melvin. "I'm going to kill you, Melvin!"

Natawa lang si Melvin. He loved adventure, and maybe escaping from Seigo gave him a thrill. "Hold on tight, Gen. We're gonna fly!"

Napatili na lang siya nang magpedal nang mabilis si Melvin.

"Genna! Melvin! Come back here!" sigaw ni Seigo.

She did not dare turn to Seigo again. Malakas ang hanging tumatama sa kanyang mukha dahil sa bilis ng pagpepedal ni Melvin. Tumatabing na rin ang buhok niya sa mukha. The wind was cold, her hair was now messy, and she felt guilty. Pero wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyayari.

Iginala niya ang tingin sa paligid paglabas nila ng Luna Ville. Madilim na, at tanging ang mga ilaw sa nadaraanan nilang mga establisimyento ang buhay na buhay. It was scary, indeed. Pero dahil kasama niya si Melvin, kampante siya dahil alam niyang ligtas siya sa piling nito.

Natagpuan na lang niya ang sarili na tumatawa.

"It's fun, isn't it?" malakas na tanong ni Melvin.

"Yes!"

For the first time in her life, she felt so free.

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon