TRESPASSERS [FALLEN HEROES]

35 0 0
                                    

Insert song: Ignorance [Paramore]

——

VAN

[Wesleyan University Philippines gymnasium]

ILANG ARAW matapos ang iskandalong ginawa nina Misa sa amin, nasa gymnasium na kami ng Wesleyan. Wala talaga akong balak na gumising ng maaga ngayon. Ewan ko ba at kailangan nila akong isama sa lakad nila ngayon. Base kay Chancellor, may surprise raw hinanda kina Papa, pero sana, hindi na related ito sa nangyari noong Monday.

Sa school namin, nabago ang plano. Natapos na ang extraction ng cellphones ng mga kaklase ko sa campus, at inumpisahan na nila ang replacement ng mga ID noong Miyerkules. Nagkabunutan muna bago umpisahan ang replacement. Nauna ang Laboratory High School, sumunod ang College of Arts and Letters, College of Information and Communications Technology at ang College of Business Administration and Entrepreneurship. Sumabay na sa Laboratory High School ang Faculty at staffs, pati na rin ang student council. Kasama na rin ang mga guild mates ni Papa at kuya Loutch, kami at si Allein ng College of Arts and Letters.

Dumadami na ang mga tao dito, kasabay no,n, naiilang na ako. Sina Papa, ayon, nakatahimik sa isang tabi. Hindi alam ng ilan sa mga kaibigan namin ang tungkol dito dahil kami lang ang sinabihan ni Chancellor.

"O, Jin! Anong ginagawa n'yo dito?" Nabigla ako sa pagdating ng grupo nila. Dapat, nagbabantay na sila sa stage ngayon. Anong ginagawa nila sa backstage?

Galing ni Akito. Siya lang pala 'yong nagsalita.

"Kuya Akito! Ayon, nagbabantay. Lalong dumami ang haters nina Ate Van kaya nagbabantay kami. Order ni Chancellor na bantayan 'kayo'." Saad ng grupo nina Jin kay Akito.

Mini-reunion ang peg. Gusto ko sanang makausap si Jin kasi hindi pumasok sa ulo ko ang mga sinabi ni Kuya Gray na sanction ng grupo nina Misa. Hayaan ko na muna sila.

Bahagya kong inilabas ang ulo ko sa backstage. Puno na nga ng tao sa gym. Swerte ko lang at hindi nila ako nakikita.

Pamaya-maya, matapos ang mini-intro ng emcee, tinatawag na sina Papa sa stage. Kasabay no'n, nawala na sina Jin dito sa backstage, at sa palagay ko, magbabantay na sila sa labas.

"My dear students, please take your seats. I'd like to introduce, our fallen heroes!" Intro ni Dean Maureen. Ano?! Fallen Heroes ba kamo?! SAF 44 lang ang peg?! Dean Maureen!!!

"Ano raw?"

"Patay na ba tayo?"

"Ate Maureen!"

Si Kuya Gray, natatawa na lang sa intro ni Dean sa grupo nina Papa. Fallen Heroes daw. Hindi nakakatawa.

Nagpaiwan na lang kami ni Kuya Gray sa backstage matapos nilang lumabas. Si Akito? Kasama nina Papa sa stage. Hindi ko lang alam kung anong mukhang meron ang mga moron sa gym ngayon.

Hindi ko na napansin na tinatawag na pala kami ni Kuya sa stage. Nakakainis na dito.

"Tara na, Bunso. 'Wag kang mag-alala, akong bahala sa' yo. Kahit maraming acrylic paint ang ibato nila, sasaluhin ko, 'wag ka lang matamaan. Kung nagawa ng grupo ninyong protektahan si Papa noon, ako naman. Ako at sina Akito ang poprotekta sa 'yo." Pagsisiguro ni Kuya Gray sa akin. 'Yung tapik niya sa balikat ko, siya ring tapik ni Papa sa akin. Alam kong nag-aalala siya sa akin. Iniisip niyang pati siya ay iniintindi ko. Paano ba naman, pati siya, nadamay sa galit ng mga estudyante sa akin.

Lumabas kami ni kuya sa backstage. Nakikita kong masasama ang tingin nila sa akin, mabuti na lang at nakadisguise ako. Ang sama mo lang, sa mukha ni Kuya, ibig na niyang ipatanggal 'yon sa akin. Geez. Alam naman niya siguro na ayaw ko ng ganito kaya disguise mode muna ako. As expected, puro bulungan ang naririnig ko.

Code GRAY : Part ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon