"Aba. Malay ko ba kung may iba ka pang babaeng pagbibigyan nito atsaka malay ko ba kung katulad ka din ng kuya mo" inis kong wika.
Naging seryoso ang itsura niya sa sinabi ko. "Tell me is there someone else here who have the name Ribrianne Egorov aside from you? Tell me at papapalitan ko para di ka na magduda sa binibigay ko sayo" iritadong sambit nito.
OmyG! Pinapakilig ba ako nito. Well atleast may pagbabago sa sistema ko hindi na lang puro Nikolov ang laman nito.
"W-wala na"
Napasinghap muna ito bago nagsalita muli. " And please don't you compare me again to my brother. We are not the same he is an asshole and me ... It depends on you how you describe me just... Just don't compare us again" wika nito.
Bakas sa pananalita nito na ayaw niya talagang maihalintulad sa kapatid niya. Well, siguro naman kung may kapatid din akong ganun malamang pagsasabihan ko din ang iba na wag akong ikumpara sa kanila.
"Sorry" tanging iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.
Lumapit ito hanggang sa isang dangkal na lang ang layo namin at hinawi sa likod ng tenga ko ang hibla ng buhok ko. "It's okay yanyan. Wag mo na lang ulit uulitin" sambit nito sabay tumingin sa mga labi ko.
Oh my! Bakit ba ang hilig ng magkapatid na 'to tingnan ang labi ko. Feeling ko tuloy good kisser ako. Nah! Feelingera!
Unti - unti niyang ibinaba ang muka niya para halikan ako. May parte ng katawan ko na gustong itulak siya para hindi matuloy ang binabalak niya.
Pero ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa office ni Nikolov ay agad kong ipinikit ang mga mata ko para tanggapin ang halik ni Nicolai.
Gusto kong makita niya na hindi lang siya ang kayang makalimot sa nangyari sa amin. At malaman niya na hindi ako apektado sa kanya.
Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sakin. Akala ko noon simpleng lalaki lang si Nicolai na wala ibang alam kundi trabaho lang. Pero may ibubuga rin pala siya sa paghalik at magaling din siya katulad ng kuya niya.
We feel the moment and kiss passionately .... Until his brother open the door in my office and I think he saw what we are doing. Oh yes!
Naramdaman kong titigil na si Nicolai sa paghalik kaya agad kong pinulupot ang dalawang kong kamay sa leeg niya. Mas diniinan ko pa ang halik kahit mukang mawawalan na ako ng hininga.
"Fuck!" rinig kong sigaw ni Nikolov.
Sa bilis ng pangyayari nakita ko na lang si Nicolai na nasa sahig at may dugo sa labi. Shit! This is not what I want!
Habang si Nikolov nakatayo at nakatingin ng masama sakin at madilim ang muka. Halatang galit na galit sakin.
Tinulungan ko si Nicolai na makatayo mula sa sahig dahil sa pagsuntok sa kanya ng kuya niya. "What the hell are you doing?!" bulyaw ko kay Nikolov.
Ngumisi muna ito. "What am I doing?" tumawa ito na napagkapait.
Bakit niya ba kasi gagawin yun samantalang wala naman siyang paki alam sakin.
"Fucking yes Nikilov! Kapatid mo sinaktan mo. Anong klaseng tao ka!" wika ko.
Naramdaman kong pinisil ni Nicolai ang kamay ko na kanina niya pa hawak. Alam kong gusto niya akong pigilan sa pagsigaw sa kuya niya pero wala akong balak tumigil dahil sumusobra na ang kapatid niya.
Lumapit ito sa kinatatayuan namin at hinawakan ang wrist ko sabay hila sakin mula kay Nicolai kaya nasubsob ako sa matitipunong dibdib nito.
"Binabakuran ko lang kung ano ang sakin" sambit nito sabay tingin kay Nicolai.
YOU ARE READING
Dark Side
General FictionRibrianne Egorov is a badass half blood russian girl but she grew up in Philippines so she's not spoken in dollar. She already graduated in a University with a course of BSBA major in Management. After her graduation she and her friend find for a jo...
CHAPTER TWELVE
Start from the beginning