Naluluha na si Mindy nang matapos ako. Pinunasan niya ang luha sa mga mata. "I've waited all my life, for someone to say that to me." Dahil sa katahimikan ng lugar ay narinig naming lahat iyon.
"Keith," bumaling ako sa lalaki. "I admire you. Kasi nagsisi ka. Kasi natuto ka. At ngayon, kahit alam mong masasaktan ka pa rin, pipiliin mong bumalik para i-enjoy uli ang buhay na nagkaroon ka. I hope na kapag nakabalik ka, you will heal. Physically and emotionally. I hope all the scars would fade away. Kung may lugar na tulad ng Pico Mundo, then you have to realize that you have a chance for a miracle right? I hope you would have that miracle, because you are a miracle yourself."
Tumango si Keith, then mouthed "Thank you." His eyes brimming with tears.
Muli kong iginala ang tingin sa paligid. "They say suicide does not end the pain. It just spreads it to the people we had left." I took another deep breath. "Give me a chance to sing a song for you. I guess we can all relate to it. Cause we all once lived in a mad mad world."
Mukhang wala namang nagpo-protesta kaya itinuloy ko ang plano kong pagkanta.
"All around me are familiar faces, worn out places, worn out faces... And their tears are filling up their glasses. No expression, no expression. Hide my head I wanna drown my sorrow. No tomorrow, no tomorrow."
Everyone listened. Some cried. Some tried their best not to cry.
"And I find it kinda funny, I find it kinda sad... the dreams on which I'm dying are the best I've ever had."
I think that song spoke to us all. I think the song was made for tortured, misled souls.
"I find it hard to tell you, I find it hard to take. When people run in circles it's a very very mad world. Mad world..."
Halos lahat ay luhaan na nang matapos ko ang kanta.
Cause it was true, right? We live in a mad world. May kahirapan, may karahasan, may nangyayaring masasama sa buhay ng mabubuting tao. But there are beautiful things about that mad world na hindi namin nakita, 'di ba? O hindi namin piniling makita. Friendship. Selflessness. Hope. Love in all its flawed yet wonderful forms.
Everyone took a moment to cry and calm themselves. Pagkatapos ay nakarinig ako ng mabagal na palakpak. Tumingin ako sa pinangalingan niyon. Kay Jeffrey, titig na titig sa 'kin, may ngiti sa mga labi, may mga luha pang umaaagos sa magkabilang pisngi. Patuloy siya sa ginawa niyang pagpalakpak.
Napatingin si Keith doon, at sunod ay pumalakpak din siya. Pagkatapos ay pumalakpak din si Wanda. At si Mindy. Pati ang mga anghel nila ay pumalakpak na din. Kasunod niyon ay tila nagbubunyi na ang lahat, ang gusaling napakatahimik kanina ay napuno ng tunog ng palakpakan.
Napangiti ako, nagsimula na ring maluha. Tiningnan ang mga nakangiti nilang mukha. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Jeffrey, it seemed that he was fading. Pumikit ako, pinunasan ang mga luha at nang dumilat ako ay normal na ang nakikita ko. He was still clapping, as if he was really proud. He mouthed, "I love you." And I mouthed that I love him, too.
Why is it that when you're in love, the world that you live in will just get madder?
NAKABALIK na kami ni Jeffrey sa bahay namin, nagtatawanan, pinagkukuwentuhan ang nangyari sa court house. Pansamantala naming kinalimutan ang gulong kinasusuungan naming dalawa.
Masayang masaya ako, nasa sala kami, magkatabi, nakayakap siya sa 'kin. Nakapulupot din naman ang mga braso ko sa kanya.
"First time ko 'yon," sabi ko.
"Huh?" he said.
"Sabi ko first time ko 'yon." I sighed, sabay titig sa mga mata niya. "'Yong mapalakpakan ng gano'n."
BINABASA MO ANG
Mad World (Complete)
RomanceMy name is Herminia. I became so depressed pagkatapos pakasalan ng lalaking mahal ko ang kaibigan ko. I thought maybe suicide would end it all. So I did it. I killed myself. Only to discover na mapupunta ako sa isang dimensiyon na tinatawag na Pico...
Mad World
Magsimula sa umpisa