Chapter 16: "A-arken? Hey.."

Magsimula sa umpisa
                                    

May magagawa ba ako para mabawasan ang sakit na dinaramdam ni Arken?

Nagsimula ang pagbabago nya nang..

*flashback*

"Girl!! Ano ba?! Bakit kaba nagmamadali?" Girl?

"Ano ba bakla?! Diba ilang beses ko nang sinabi sayo na wag mo akong tawaging Girl?! Ikaw nakakailan kana sa akin! Try mo pa ulit akong tawaging girl, hindi na talaga ako magdadalawang isip na tawagin ka sa totoo mong pangalan." Nakakainis naman kasi itong si Stephanie eh, girl ng girl. Eh alam naman nyang lalaki ako sa puso.

"edi kung ayaw mo ng girl? Pwedeng sis nalang?" Sis?

"Gusto mong masapak?!" Ang kulit talaga ni bakla.

"Hahaha.. ikaw talaga Vic, ang pikon mo! Anyways? Bakit ka ba nagmamadali? Atat much na makauwi? Ano? Inlove ka na ba sa asawa mo?" 

"Inlove ka dyan! Nagmamadali ako baka kasi iwanan ako nun! Hindi yun marunong maghintay lalong-lalo na't sa kagaya ko!" Hindi naman talaga yung makapag-antay eh! Akala nya boss ko siya! Simula ng magpakasal kami ay ginawa na nya akong katulong!

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagpapaapi.

Ilang beses na rin akong nagpaadvice sa mga kakilala kong misis.

Ang sabi naman nila sa akin.

Dahil daw misis na ako ay kailangan ko daw pagsilbihan si Mister.

Dapat ko daw alagaan ang asawa ko.

Bakit? Ano ba siya? Baby?

Nakakainis!

Lahat ng payo nila sinunod ko.

Pero ang dahilan talaga kung bakit ko siya kailangan pagsilbihan ay dahil lagi nyang hawak ang remote control.

Kapag nasa kanya ang remote. Hindi na ako makakapanood ng mga gusto kong panoorin.

Kaya ko siya pinagsisilbihan.

"Sus! Takot kalang na pagalitan ng Arken na yun! Haha." Saad naman ni Louie.

"Oh? Nandito ka pala? Akala ko umalis kana. Ni hindi kaman lang umiimik dyan. What's your problem boy?" Saad naman nitong si Steph kay Louie.

"Which Whom am I Married?"(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon