KINABUKASAN ay nagising siya sa tawag nito. Pabalik itong Baguio at nasa expressway na dahil may itinawag ang assistant na problema. Nagdaan na ito sa ospital at dinalaw ang bata bago umalis.
Nang sumunod na gabi'y tinanggap niya ang long distance ni Rafael. Kapapasok lang niya ng bahay.
"Hi..." bati nito nang sagutin niya ang telepono. "Anong oras ka dumating? Kanina pa ako tumatawag?"
Napangiti siya. Tossed her highheels. "Raf, tinalo mo pa ang isang asawang nagmo-monitor sa pag-uwi ko."
"Ganoon ba si Melvin?" he asked moodily.
Nawala ang ngiti niya. "Bakit ka tumawag?"
"I am missing you..."
Hindi niya maiwasang hindi matawa nang malakas. "Raf, kahapon ka lang nandito."
"Yes. Pero alam mo bang hindi ko gustong umalis. You actually throw me out..." akusa nito. Her heart raced bagaman alam niyang wala namang bago sa paraan ng pakikipag-usap sa kanya ni Rafael. Tulad din noong araw.
"Alam mo bang nahihirapan ako sa ginagawa ko?" wika nito makalipas ang ilang sandaling patlang sa linya.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Nahihirapan saan?"
"Maintaining my distance with you, Kate. Kagabi, inawat ko lang ang sarili kong ikulong ka sa aking mga bisig."
Hindi mapigil ni Katrina ang mapasinghap nang malakas.
"A-alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?" she asked breathlessly.
Tumikhim ang binata sa kabilang linya. "I haven't forgotten that night, Kat. What happened haunted me..."
Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Nanginginig ang kamay niya.
"Kat, are you still there?"
"Yeah," bulong niya at sinabayan ng paghinga nang malalim. "You know I'm vulnerable right now, Raf. Don't take advantage of it, please," gumagaralgal ang tinig niya.
"Hindi ko alam na iyon ang ginagawa ko, Kate," he sighed. "Pero gusto kong malaman mong sa loob ng mga nakalipas na taon ay hindi ka nawaglit sa isip ko. I'm sure it wasn't guilt dahil sa nangyari sa atin..."
"Raf, please, ayokong pag-usapan. Wala pang isang buwan mula nang—"
"He's dead, Kate," agap nito. "And don't pretend that you mourned for him because you are not. Maybe I am getting too fast for you but this is it. This is what I feel."
Hindi niya tiyak kung ano ang dapat na maramdaman. Nanatili siyang hindi kumikibo.
"Why exactly did you give yourself to me that night, Kate?" muling tanong ni Rafael sa tonong naniniyak ng kasagutan.
"Don't make me say it, Raf, please..." nakikiusap ang nanginginig niyang tinig.
"All right," he conceded. "Goodnight..."
Matagal nang naibaba ni Rafael ang telepono nito'y nanatiling hawak niya ang receiver. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Ano ang sinasabi nito? Bakit nila pinag-uusapan ang nakaraan?
Inihilig niya ang ulo sasandalan at pumikit.
BINABASA MO ANG
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same)
RomanceMula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate...