“Nagkamali akong tinakwil kita, sunod-sunod ang problema noon sa kumpanya at hindi nakakayanan ng kuya mong maresolba ang kinalulugi natin, tapos nabalitaan ko pang nag shift ka sa fine arts at naabutan ko yun anak, halo-halo na ang pakiramdam ko noon. Sa araw na yun, papakiusapan na sana kitang tulungan ako pero ayaw ng kuya mo at sa hindi ko malamang dahilan ay dinala nya ako sa school nyo nung araw na yun at ganun na ang naabutan ko. I’m deadly frustrated at that time anak, pasensya na” natawa lamang sya ng mapakla sa narinig nya at hinarap ito.
“Pasensya? I almost lost at that time! Nung tinakwil nyo ako? At pinutol ang mga koneksyon at pera? Hindi ko alam kung papaano nako noon mabubuhay. Kung papano ako makakatapos sa intership ko. Mabuti na lang at may nakilala akong mga mabubuting tao!” sigaw nya dito, sasabihin nya ngayon lahat ng hinanakit nya sa taong kausap nya ang lahat ng gusto nyang sabihin.
“Pero kung hindi kita pinabayaan noon ay hindi mo mahahanap ang sarili mo at wala ka sana ngayong napatunayan sa sarili mong kaya mong maging maunlad gamit ang kakayahan at pagsunod sa gusto mo. Kung tinanggap kita at pinilit sa mga bagay na gusto ko lang anak, sa tingin mo ba magiging masaya ka? Na minahal lang kita dahil sinusunod mo ang gusto ko at iiwan mo ang pangarap mo?” paliwanag nito sa kanya.
“Tama si Daddy, Dave. Nagkataon lang rin na may interest ako sa kumpanya. Nagkataon gusting gusto ko ang buhay na gusto rin ni Daddy para sa akin. Magkaiba tayo ng gusto David. Hindi ako nagsusunod sunuran lang kay Daddy, dahil gusto ko ang ginagawa ko. And I’m so jealous back then dahil kahit anong gawin ko, ikaw parin ang paborito nila. That’s why I set you up. I know how to distract you base on your behavior, nahahalata na kita noon, at para mapasa akin ang atensyon nila Mom and Dad, nagawa ko ang bagay na yon. Dahil sa selos sayo, sa parents natin, at kay Mandy noon. Pinagsisisihan ko na lahat David. Patawarin mo na si Daddy. Tandaan mo, wag kang magdadalawang isip mahalin ang mga taong nasa paligid mo bago mahuli ang lahat, because you will regret it, big time”
Malungkot na lumapit ito sa kanya at tinapik sya sa balikat, pagkatapos ay nilagay lamang nito ang mga kamay sa bulsa at naglakad papalayo. Nagtaka naman syang humarap sa Daddy nila dahil sa inakto ng kuya nya.
“Broken hearted yan. Iniwan ng asawa eh, kaya bilib ako sayo dahil maitatali mo na ang babaeng mahal mo sayo anak” natatawang sagot sa kanya ng ama.
“Iniwan sya ni Suri? Hindi ba dapat magsaya ang isang yon dahil hindi naman nya mahal si Suri. Si Mandy ang mahal nya” tamad na sagot nya sa ama.
“No. He loves his wife, but its too late”. Napatingin sya sa ama and one thing he realize na baka maging ganoon rin sila ng Daddy, at ayaw nyang mangyari yun. “and I don’t want us to be like them in other way around anak, mapapatawad mo pa ba ako?” tumango sya sa ama at niyakap naman sya nito.
***
“Is it true? Su left you?” tanong nya kay Justin. Sinundan nya ito matapos nilang magkaayos mag ama. Tumingala lang ang kausap at napa buntong hininga.
“Yeah. And she even faked her death” he greeted his teeth while talking. Kitang kita nya ang pag igting ng panga nito habang ang mga mata ay parang iiyak na anumang segundo.
“Nagpanggap syang may sakit ng ilang buwan and even dead, ako namang si tanga naniwala na ang ibinurol ng tatlong araw at nai-cremate ay sya talaga. Fuck! Bullshit!” napasuntok ito sa hangin at nanlumong napaupo sa sahig. He can see that his brother is in his worst right now, and broken.
“Paano mo nalaman ang lahat?”
Tumawa ito ng mapakla at nagsalita. “Mandy saw her at California. With different style. Mula sa pananamit, kulay ng buhok at kilos, noong una ay hindi ako naniwala but there’s a part of me saying I should do an intensive investigation, and danggg! Its true. Sinundan at pinuntahan ko sya sa pinagtataguan nya, pero nakahalata yata at nakapag tago na naman. And until now, wala akong magawa para mahanap sya ulit” nagulat sya ng may pumatak na luha sa kanang mata ng kuya nya.
“See how broken I am right now? Para akong pinipira-piraso sa ginawa nyang panloloko sa akin. Nagpanggap syang patay para lang makawala sa akin!” huminga ito ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita.
“I know its my fault, its really my goddamn fault kung bakit nya ginustong mamatay na lang sa utak ko. Mahal ko sya, mahal na mahal ko sya pero putang ina lang dahil huling huli na ang lahat! Iniwan na nya ako”
“May magagawa ka pa kuya. Bawiin mo sya, sa laki na ng napundar mo at yaman mo, alam kong magagawa mong mabawi ulit si Su. Mahal na mahal ka nya, Suri’s my friend kaya kilalang kilala ko sya. Ikaw ang kahinaan nya kuya” pag aalo nya sa kapatid.
“Hindi naman sya totoong patay eh. May pagkakataon ka pa, siguro this time, dapat mo syang paghirapan dahil alam na alam kong pinahirapan mo sya nung mga panahong kasama mo pa sya at nagpapaka-tanga makuha lang ang pagmamahal mo” sya naman ang tumalikod dito at tinapik ang balikat nito.
“Kilos na kuya, hangga’t nagsisimula ka pa lang nyang pagtaguan. Alam na alam kong mahahanap mo rin sya” at iniwan na si Justin para mapag isa ito lalo at kailangan nitong mag isip.
YOU ARE READING
You Complete Me
RomanceHow would you feel if you are in between? Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Nalilito sa mismong pagkatao? Yung pakiramdam na hindi ka kumpleto dahil sa nararamdamang pagkalito sa sarili? At ang masakit pa... Yung kaisa isang taong...