Kaya bumangon na ito at kumuha ng towel diretso ng banyo. Bago niya maisara, nagsalita ako.
BEA: "Gusto mo sabay na lang tayo maligo?! The banyo is a good place for loving-loving too." 😂😂😂
JIA: "Marunong ako maligo mag-isa. Di ko kailangan ng kasama."
BEA: "It is cold inside boo kailangan mo ng kayakap. And isa pa para ikaw na lang maghubad ng damit ko. Ayaw mo ba?"
Pero ibinalibag niya ang pinto at hindi na ako sinagot. Well, more of ang sagot niya ay ang pagbalibag ng pinto.
Dahil wala ako magawa, kinuha ko ang phone at naglaro na lang muna. Nakarami na ako ng nilaro, hindi parin tapos si Jia na maligo.
BEA: "Ang tagal naman ng babaeng yun. Baka natulog pa ito sa CR." (usal ko sa sarili)
Kaya umalis muna ako sa bed at kinatok na siya sa CR.
BEA: "Boo, kapag matagal ka pa diyan, papasukin na kita sa loob at ako na mismo magpapaligo sayo. Natutulog ka pa ata eh."
JIA: "Tapos na po ako maligo, nagtotoothbrush na lang ako. Napaka impatient mo."
Angil niya sa akin.
BEA: "Mabagal ka lang talaga. Gusto mo lang ata na paliguan kita eh."
JIA: "Eto na lalabas na. Sandali lang."
Kaya bumalik na ako sa bed. Dahil sawa na sa laro nag open ako ng messenger. Sakto naman na may lumabas na chat heads.
Pagkabukas ko ng isa, sunod-sunod na agad ang messages. And when I take a look, it was from my friend, her name is Kianna. Ang dami niyang messages.
Since the accident hindi na kami nagkausap. Hindi ko na rin siya natext or namessage man lang.
KIANNA: "Mzta na? Bakit hindi kita nakikita sa inyo?"
KIANNA: "Ilang araw ka nang wala ah. Bakit hindi ka man lang nagpaparamdam?!"
KIANNA: "Tinatawagan kita pero out of the coverage lagi. Nasaan ka na ba?"
KIANNA: "Namiss na kita, paramdam ka naman."
KIANNA: "Grabe ka, sa dami ng messages ko, don't tell me wala kang nababasa."
KIANNA: "Bey naman, galit ka ba sakin? Bakit hindi mo pinapansin mga messages ko? Kahit seen, wala talaga?"
KIANNA: "Bey, saan ka na ba talaga. Sobrang namiss na kita."
Awww... Di ko na binasa pa yung iba, ang dami kasi. Pero, hindi ko rin naman siya pwede replayan at sabihin kung nasaan ako. Dahil nga nagtatago pa kami ni Jia.
Kaya, hindi ko na lang sinagot alin man sa mga tanong niya. Para hindi na rin magtanong ng mga detalye.
JIA: "Too serious. Sino ba yang katext mo or ka chat ba?"
Wika ni Jia pagkalabas ng banyo.
BEA: "Wala."
JIA: "Narinig ko na yang wala. The last time, I remembered na sinabi mong wala, babae mo ang ka-chat mo."
BEA: "Hsssst. Magbihis ka na nga lang."
Pag-iiba ko sa usapan kasi baka magalit na naman kapag babae ang nag chat.
JIA: "Patingin ng phone?"
Nagkamot ako ng kilay. Paano ko sasabihin at lulusutan. Eh babae na naman makikita niyang pangalan.
BEA: "Ngayon na?"
JIA: "Oo. Akin na."
Kaya no choice, inabot ko ito sa kanya. Binuksan niya ang phone at nagsimulang nagbasa. Then, kumunot ang noo at tiningnan ako. Malamang nabasa na niya yung name.
YOU ARE READING
THE VOLLEYBOSS (JIBEA)
FanfictionThe ever arrogant, super masungit and always demanding boss finally met her match, the ever confident and super persistent employee who never backed down and bowed down to anyone.
PART 54 - PLACE
Start from the beginning