Part 8: Can You Be My Friend?

Start from the beginning
                                    

" Hindi ok yan eh.  Gusto mo bumalik tayo sa clinic para ipagamot uli? " aniya.



" No I'm fine.  " tanggi ko. " Bakit ka ba concern sa akin? "

" Hindi naman ako magiging concern sayo kung wala kang sugat.  And I'm sure nasasaktan ka ngayon sa sugat mo dahil ngayon mo lang yan na fifeel sa tanang buhay mo.  " aniya. 






Nagkakamali ka,  matagal ko nang dinanas ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing pinapalo ako ni Baboy at kinukulong sa stockroom. Ang akala nang lahat dito ay isa akong Reyna sa paningin nila,  pero hindi nila alam kung ano ang dinanas ko at kung bakit ako nagkaka-ganito.  Nililigtas ko lang yung sarili ko sa mga taong nang-aapi sa akin,  cause no one cares of me,  specially my parents,  they didn't care about their daughter.

" Yah,  yah whatever.  " sabi ko nalang,  baka sa'n pa mapadpad ang usapan. 

" Are you sure na okay ka lang talaga? " tanong pa ulit neto. 

Tinignan ko siya nang masama.  " Ang kulit mo po.  "

" Ok,  wag ka namang magalit sakin.  " he laughed softly. 

Hindi ko alam kung bakit siya lapit ng lapit sa akin.  Sa totoo lang wala naman talagang lumalapit sa akin,  lalo na kapag Nerd. Dahil natatakot sila sa akin.  Malalaki man o mababae takot silang lumalapit sa akin. At etong si Nerdo?  Kahit anong sungit ko,  andito parin siya,  sunod nang sunod sa akin. 

" Hindi naman ako galit sayo.  Nakukulitan lang ako sa pag-sunod sunod mo sa akin.  " sabi ko sabay higop nang kape ko.

" Gusto lang naman kitang lapitan kaya kita sinusundan. " nakangiti niyang sagot. 


" Ayun,  umamin din na sinusundan  mo talaga ako." tumawa ako nang mahina.  Nabisto ko kasi siya,  kung kanina sinabi niyang hindi niya ako sinusundan ngayon naman ay umamin rin. " Di seryoso, bakit mo ba talaga ako sinusundan? May gusto ka sa akin noh? "



Biglang namula ang Pisngi niya at umiwas nang tingin.  Hala!  Kinilig ba eto? Lol! 


" Hindi Ah? " tanggi niya pero hindi parin tumitingin sa akin.

" Oh?  Bakit ka namumula?  Siguro may gusto ka sa akin noh? Kaya mo ako sunusundan? " tukso ko pa,  sabay siko nang mahina. 


" Hindi nga!  Ang kulit mo.  Well gusto lang naman kitang maging kaibigan.  K-kung ok lang sayo? " nahihiya niyang sabi. 

" Why me?  I mean bakit ako pa?  Madami namang iba jan, na I'm sure gustong makipag-kaibigan sayo.  "





" Gusto ko lang,  hindi ba pwede? "





" Well,  I need more valid Reasons. Sa tingin mo ba na magiging kaibigan kita kung ganyan ang itsura mo? " tinignan ko siya na nakataas ang dalawa kung kilay. 


" So..  What.. Do you mean? Is there something wrong with my looks? " taka niyang tanong. 





Oo,  malaki po!  Para ka nang manong. Lol!




"Ahmm.  " tinignan ko siya nang maigi,  pati ang pananamit niya.  " Not bad. " iling ko. 







" Ganyan siguro kayong mayayaman noh?  Pumipili talaga nang kaibigan.  " sabay iwas nang tingin. 


" Ofcourse!  Kahit naman siguro hindi mayaman pumipili rin nang kaibigan.  Kagaya mo,  pumili ka nang kaibigan which is ako? " ngisi ko. 



" Syempre naman noh.  Alam ko kasi sa loob mo na hindi ka talaga masungit at Bad Girl.  Kaya mo ginagawa ang bagay na yan kasi may pinagtatagu-an ka nang feelings. But I'm sure,  deep inside mabuti kang tao.  " he smiled. 






" So,  ganon ang paniniwala mo? " tumingin ako sa malayo at napangisi.  " Hindi mo ako kilala,  kaya wag mong sabihin na mabuti akong tao.  Hindi mo alam ang pagkatao ko,  Kaya kung ako sayo wag mo na akong lapitan.  "





" Paano pag gusto talaga kitang lapitan?  May magagawa ka ba? " hamon niya. 



" Meron,  baka hindi mo pa nga magustuhan ang gagawin ko sayo.  " tumayo ako at tinignan siya. " By the way thank you for saving me to that girl named Jessy,  and also your concern. " i tapped his shoulder.




Naglakad na ako palayo sa kanya nang bigla siyang magsalita. 







" Wait! " napalingon ako sa kanya.  " Sa tingin mo yung ginawa kung pagtulong sayo ay walang kapalit yun?  Miss!  Hindi na libre sa panahon ngayon! " sigaw niya. 

Nagtagpo ang mga kilay ko nang sinabi niya iyon sa akin.  So may kapalit pala ang pagtulong niya sa akin?  At ano naman?




" At ano namang kapalit? You want money?  I'll give you money!  How much ba?! " sagot ko. 



" I dont want your money!  I want you! " napalunok ako sa sinabi niya. " I want you to be my Friend! Can i be your Friend?! " sigaw niya ulit. 






Akala ko kung ano na ang mga pinag-sasabi niya.  Akala ko he wants me.  Yun pala maging kaibigan lang pala.  Ang tigas rin nang ulo neto e noh?  Sinabi nang ayoko siyang maging kaibigan.



" Sorry! I DON'T WANT TO! " pabalik kung sigaw sa kanya sabay talikod. 









Sana naman ay wag na siyang makulit.  Nakakaawa rin pala ang Taong yun!  Hays!













To be continued....




leave a comment or vote.  Thankyou

THE CAMPUS RICH GIRLWhere stories live. Discover now