Chapter 40-5. Big BAG Theory!

Magsimula sa umpisa
                                    

Pakiramdam ko mas lalo akong namula sa tanong niya and answering his question was like going naked in front of him. Mag-best friend nga tlaga si Japo at Sef. Pareho silang SIMPLENG CHISMOSO!! Kaso lang… parang masyado ata akong nacarried away sa killer eyes ni Sef that I unconsciously whispered sa napaka hinang boses, “Naiinlove pa lang.”

“Huh? What was that?”

“Ah… eh…” Oh dios por santo santisima!! Parang bigla akong nanlata. Nasabi ko ba yun ng malakas?? Anashutang animales!! WHAT THE FCK WAS THAT ELLIE?? Anong kahibangan yan!! Na-naiinlove pa lang?? Where did that come from?? Parang kahit ako… nagulat sa sarili ko!! Humanda ka Ellie… magkakaharap tayo mamaya!! “Sabi ko… sila naiinlove sakin, hindi ako.” Good. Haha. Excellent!!

Well, technically… may pagka… totoo naman ang sinabi kong yun ee. Haha. Mali lang yung SILA na word. Kasi, I was referring to only ONE guy na na meet ko nung highschool pa ko. Matagal ng nangyari yun, pero yun na ata ang pinaka malapit sa lovelife na nagkaroon ako. Hahaha. Hndi ko alam kung tamang lovelife yung term… Basta, kayo na lang ang humusga!!

Actually, parang… friend… ah hindi, hindi, pinsan ata ni Pepita yun… basta, kilala yun ni Pepita… kasi siya nagpakilala sakin dun sa lalaking yun. Nerd kasi, makapal ang glasses, may braces… mabait naman, sweet at matalino, syempre kasi nerd nga. May nerd bang bobo Ellie? Aah, basta… to make the story short, high school pa lang, tamad na ko sa pag-aaral. Kaya naman, lagi kong hinihiraman ng notes ang nerd na yun… Oo na, sige na… ako na ang USER!! Haha. Pero kasi, nung minsang nanghihiram ako sakanya… sinabi niya sakin, ‘Ellie, m-m-may g-gusto s-sana a-akong itanong s-sayo.’ Ako naman si gaga, sumagot naman ng ‘S-sige l-lang.’ Atchaka sinabi ko din na basta wag tungkol sa lessons namin nung araw na yun yung tanong. He nodded and out came the words na sobrang ikinainis ko. Hindi ko alam, basta kumulo ang dugo ko nung sinabi niyang, ‘Pep-pwede bang mm-a-manligaw?’ Simpleng tanong, simpleng sagot lang din ang binigay ko sakanya. ‘Kung ayaw mong magpahiram ng notes, edi wag!! Hindi yung kung anu-ano tinatanong mo!! PAKYU KA!!’ Actually, hindi lang natapos sa pakyu yun, pinaulanan ko pa siya ng samu’t saring MURA. Yung malulutong. Yung tipong babaunin mo pa sa bahay kasi sobrang crispy. Hahaha. Naabutan nga kami ni Max nun ee, he was the one who pulled me away from that nerd. Nung mga oras na yun, hindi ko alam kung bakit, pero galit na galit ako. Kamuntik ko pa nga siyang pauwiin ng duguan. Pakiramdam ko kasi, he was making fun of me. Matino kong hiniram yung notes niya tapos ganun yung ibabalik niyang tanong. Gosh. Konting respeto naman diba?

Okay, ako na. Sige na, ako na ang WALANG PUSO’T DAMDAMIN. So, ano, sweet ng lovelife ko nuh? Segundo lang nabuo, segundo lang din natapos. Hahaha.

“Teka, bakit parang linya ko yun?” Sef then asked, smirking. “Sayo? May naiinlove?” He sounded like it was the most impossible thing in the world. Grabe naman ‘tong lalaking toh, maka-react o!! Sana sinampal na lang niya ko!! Hmp. I glared at him, in my mind tinutubuan na siya ng sungay at buntot.

“Oo, hindi lang ikaw sa mundong ito ang may TANGA-HANGA!!”

Instead of arguing back, Sef gave a laugh. Ayan nanaman… siya lang talaga tong tawa ng tawa sa kahit anong sinasabi ko. Sabihan ko kaya siya ng I love you, tawanan pa din kaya niya ko? Haha. MALAMANG!! But what came out from my lips were far from I love you, cause a crazy idea suddenly came over me. “Sef, pano kaya kung tumalon ako ng hubo’t hubad jan sa lawa?”

Grabe, FOR THE WIN ang naging reaction ni Sef. His eyes widened, at napansin kong pumapanik ang dugo mula sa leeg niya up to his cheeks. He was suddenly all flustered. Hahahaha. Oh e di hindi siya makatawa?? Ahahahaha.“Are you crazy? Hindi ka nga marunong lumangoy ee!”

I rocked into bits of laughter na halos maiyak na ko. Kita mo toh, so, kung marunong pala akong lumangoy he would simply let me jump in there naked? “Hahahaha. E di sasagapin mo ko!!”

“Ano ka? Hindi kita sasagipin!!” He then raised a brow at me. “Sandali, you’re changing the topic. Hindi mo pa din sinagot yung tanong ko ee.”Bigla na siyang humiga sa tabi ko, he folded his left arm para gawin niyang unan. Shocks. I felt terribly conscious. Naamoy ko kaagad ang pabango ni Sef. Dios ko talaga tong lalaking ito. Kung maligo ng pabango!! Haha.

Teka, ee bakit ba gustong-gusto niyang malaman?? Hmm… ee sinagot ko naman na… di ko kasalanan kung binge siya. Pero… siya kaya? Ano nga kaya talaga nangyari sa kanila ni Lianne? Bakit sila nag-break? I bit my lower lip, curiosity suddenly taking over me. Kaso, hindi ko alam kung papano itatanong without actually sounding too interested about them and without actually letting him know na alam ko yung tungkol sa kanila ni Lianne. Baka mapa-layas pa ng wala sa oras si Yaya Kusing kapag nalaman niyang chinismis siya nito sakin.

“Ee bakit ka ba tanong ng tanong?” I asked irritably. “Bakit ikaw ba? Siguro hindi ka pa naiinlove ano?”Good question!! That should trigger it…

“Well…” He then stared up the sky, his eyes looking serious and distant like he was seeing something – or maybe, someone – na hindi ko nakikita sa mga ulap. Nagre-reminisce siguro siya. Ang galing mo Ellie… your question triggered a memory of Lianne. Haha. Bravo!! Kaso lang, na-glue yung mata ko kay Sef. “Once.”I felt the pain in his voice. At parang gusto kong magsisi at nagtanong pa ko. “J-just once.”

Yung itsura ni Sef… it was the same look he had nung pasko na narinig kong kausap niya si Lianne.“Once?” I repeated. Hindi ba pwedeng twice? Ako na lang yung pangalawa. “E…A-anong nangyari?”

“It just didn’t work out.” He let out a deep sigh. Grabe… hindi ako makapaniwala… si Sef ba tlaga to?? Parang… gustong-gusto kong makilala si Lianne. Ano bang ginawa niya para magkaganito si Sef? “Sigurado, if you meet her… magkakasundo kayo.”

Hindi din.

Hindi siguro.

“She’s a great cook. Tapos ikaw naman, a great eater. Haha.” He laughed… but his eyes tell otherwise… obvious at confirmed, mahal pa din talaga niya si Lianne. 

O, ayan Ellie. Alam mo na, wala ka talagang pag-asa sa gagung yan. Teka nga… So? Edi wala. Hindi ko naman kelangan malaman yun. Ayan kasi napapala, chismosa ka kasi!! Animales ka!!

“But it was all over.” He then said, propping up his head in one hand so he was facing down on me. Nagbalik na ulit yung ngiti niya, yung mapangasar niyang ngiti. “Your turn.”

Napalunok ako. Dios ko naman diba? Tamang gumanyan?? “Huh?” Okay, nakaka pang SLOW ng braincells si Sef.

“Seriously? Hindi ka pa naiinlove?”

Ang kulet. Kailangan talaga pa-ulit ulit?? “Hindi pa nga.” I answered him with a frown. “Wala akong panahon sa ganyan!!”

He just stared at me parang ina-absorb niyang maigi yung sagot ko. “Kahit na…”Seryoso yung muka niya, seryoso yung mga mata niya… napalunok ako. Kahit na ano? Bilis… antagal… ituloy mo na!!

Kaso bigla namang tumahol si Chow-Chow. Pumaikot-ikot ito. And when Sef and I were still frozen staring at one another, bigla ng pumanik si Chow-Chow sa duyan so as to get our full attention.

“Okay, okay.” Sef told the dog in defeat. “Come on. Get down boy!”

“Bakit ano yun?”

“Gutom na yan.” Sef said, already standing up. “I’ll just go get him inside.” Gusto ko sanang umapila. T-teka lang… may sasabihin ka pa diba?? Tuloy mo muna Sef!! Simulan mo ulit, dali… Ka-hit na… “Di toh titigil, kukuha ko muna ng pagkain, Ellie.”

“Mabuti pa nga.” Naman… pa-bitin pa oh!! RRrr…

To be continued.

----------------------------------------

Pahabol ni Eleonor Malicsi Dimaculangan –> Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam ng binibitin… sisihin ang AUTHOR!! SUNUGIN!! 

HAHAHAHA.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon