"Sige pero ipapahatid kita kay Manong" sagot niya.

"Salamat, babawi na lang ako ng trabaho bukas" nakangiting saad ko.

"Wag sa trabaho, sa akin"

"Huh?" Tanong ko.

"Date tayo ulit bukas? G ka?" Nilapit niya ang upuan niya sa akin at inikot ang chair ko para magkaharap kami.

"Paano kung busy ka bukas? Dadagdag pa ba ako?" Umiling iling lang siya.

"Jaki, kahit gaano ako kabusy kapag ikaw na ang pinag-uusapan kaya kong i-cancel lahat. Isantabi lahat magkaoras lang ako sayo" kinilig naman ako sa sinabi niya.

"Nagkakasama naman tayo dito sa office diba?"

"Pero iba pa rin kapag tayong dalawa lang. So date tayo bukas?" Tanong na naman niya.

"Paano si Jelo?"

"Pabantayan muna natin kay Nanay Caring tapos sa inyo ako uuwi bukas para makita ko ang anak ko. Okay na ba 'yon?" Nakangiti akong tumango.

"Sige na nga, date tayo bukas" abot tenga ang ngiti niya sa pagpayag ko.

"KKB ah" saad niya. "Hahaha joke lang"

"Baliw okay lang. Para naman hindi ikaw yung laging nanlilibre"

"Jaki, ako ang lalake dito?"

"Paki-ulit nga, pakiulit" nang-aasar na sabi ko.

"Sabi ko ako ang lalake dito" pag-uulit naman niya.

"So lalake ka na talaga? Straight na?" Pang-aasar ko.

"Naman eh. Seryoso kasi" naiinis na sabi niya na ikinatawa ko lang.

"Kasi naman sabi mo lalake ka na" pinigil ko ang pagtawa ko habang siya naiinis na sakin.

"Ayaw mo ba? Gusto mo ba bumalik ako sa dati?"

"Hahaha wag ka mainis at isa pa Vice, hindi mo kailangan magbago. Mahal kita kahit ano ka pa" hinaplos ko ang pisngi niya at napangiti siya

"Kaya love na love kita Jaki eh, alam na alam mo kung kailan ka babanat ng pagkasweet mo. I love you"

"Naman! Syempre sasabayan kita. I love you too Viceral"

"Date tayo bukas ah. Akin ang oras mo tomorrow" pag-uulit pa niya.

"Saan ba tayo mag-dedate?" Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko bago sumagot.

"Ewan ko" nahampas ko siya ng mahina sa braso.

"Aya ka ng aya wala ka naman palang plano"

"Saan ba gusto mo? Ako kasi basta kasama kita masaya na ako" hirit pa niya.

"Asus! Pinaandaran pa ako pero sige ako bahala kung saan tayo bukas" at kumindat pa sa kanya.

"Siguraduhin mo na mag-eenjoy tayong dalawa ah"

"Sus! Magkasama lang tayo nag-eenjoy na ako" pagbalik ko ng hirit niya kanina.

"Gaya gaya ng banat. Walang originality. Tsss daig" pang-aasar niya.

"Wala man akong originality atleast may gwapo at makulit na boyfriend" at kinurot ko ang magkabilang pisngi niya.

"Ouch!" Arte niya pero binawi ko na lang sa pagkiss sa pisngi niya.

"Okay na?"

"Gusto ko dito" sabay turo sa labi niya. "Nakatoothbrush na ako, wala ng mantika lips ko. Lipstick lang hahaha"

"Naman eh, wag ka na maglipstick. Mas kabog pa lips mo sakin eh" reklamo ko.

"Nalalagyan lang naman ng lipstick ang labi ko kapag kinikiss mo ako" hinila niya ako palapit sa kanya at nakipagnose to nose siya.

Love Him FirstWhere stories live. Discover now