"Manliligaw ako eh," natatawa nyang sabi.

Alright, on that tone of voice, alam kong inaasar nya lang ako. Natawa lang tuloy din ako.

"Baliw, pero seriously, okey na ako, ingat ka na lang. Ba-bye."

Tumatawa lang sya kinuha yung isang helmet at sinuot sa akin. Talagang sya  pang nagayos.

"Halika na, bawal tumanggi."

Hinatid nya nga ako nun sa boarding house. Hindi naman kalayuan yun sa Uni, isang sakay lang talaga. Hindi naman sya ngstay, hinatid lang talaga ako, tapos umalis na din pagkathank you. Alam nyo yun, parang nagbaba lang ng pusa sa kanto. Pero ang weird, since then, lagi nya na ako hinahatid.   Laging naabutan nya ako sa sakayan. At palagi, bawal tumanggi sa paghatid.  Hindi naman nya ako kinakausap sa school, pero magkatext naman kami tuwing gabi. Those things went on for months, walang mintis.

Naging habit ko na tuloy na iiexpect syang dadating basta nasa sakayan na ako. At sa gabi, hintaying ang text nya. Ang weird lang kasi wala syang sinasabi. Like nanliligaw o kung ano. Pero sa pahatid hatid nyang yun, ramdam ko unti unti ako nahuhulog sa kanya. Ang saya saya lagi ng feeling ko pag hinahatid nya na ako. Nung una ilang pa ako humawak sa kanya pag nakasakay sa motor, pero kinalaunan, kinikilig na ako. Sa school lang kami hindi naguusap pero grabeh kaming magbiruan pag pauwi na. Minsan, nag jojoyride pa kami bago umuwi.  

February 1st.

Ibig sabihin malapit na ang Valentines. Atsure ako, nainlove na ako kay Hiro. Gusto ko magkausap kami ng maayos. Gusto ko magkaroon ng tamang label yung kung ano mang relationshio namin. If ever meron. 

Excited na akong naghihintay sa kanya sa sakayan pero walang Hiro na dumating. I waited for anoher hour, nakita ko pa kasi sya sa klase eh, so alam ko pumasok sya. No sign of Hiro. No text as well.

Another hour again.

Wala pa din. Mukhang tanga na akong naghihintay sa shed. Yung ilang nakaround trip na pero andun pa din ako sa shed. 7:30pm na. Lulugo lugo akong umuwi.

That night wala ding text. Nakatulugan ko na ang paghihintay pero hangang paggising ko, wala pa din. Kinakabahan ako, baka may nangyari sa kanya kaya inagahan ko ang pasok ko.

And guess what.

A laughing Hiro ang naabutan ko sa room. Pero hindi nya ako pinapansin. Tinatry ko hulihin yung tingin nya, pero umiiwas yata.

Napapaisip tuloy ako. Galit ba sya. May ginawa ba akong mali? I really have no idea. 

"Hiro", tawag ko sa kanya. Hindi ko na talaga matiis, kelangan ko syang kausapin.

Nilingon nya ako. Hindi agad ako nagsalita pero alam ko sa tingin ko pa lang, maiintindihan nya ang gusto kong sabihin.

I am not sure if he smiled, or namalik mata lang ako kasi pagkurap ko, stone-faced lang sya.

I Fell (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon