May inilabas syang maliit na gadget sa likod nya
At naaninagan kong isa itong pang koryente!. Napa atras kami ng makita ito!.
Itinutok nya ito sa akin at tumalsik sa akin ang
Dulo nito kasabay ng malakas na boltaheng dumaloy sa katawan ko!.

"Ahhhhhh!!!!!!!.... "

Humalakhak ito ng humalakhak!.
Matapos sa akin ay isinunod nya ang
Kasama ko!.

Naramdaman ko nalang na itinatali nya kami.. Naka taas ang kamay namin na may gapos at
Naka konekta sa taas.. Pati ang paa namin may tali rin.. Kaya mukang malabo kaming maka takas..

Eto naba ang katapusan namin?
Hindi manlang namin nakasama ang
Pamilya namin sa huling araw ng buhay namin".

Binuhat nya kami isa isa at ibinitin patiwarik! Naka sampay kami sa isang malaking hook at halos mag sugat na ang balat namin sa pag kakakuskos ng balat sa tali!..

"Hmm!!!!" Sigaw! Yan lang ang tanging maririnig samin! Mga iyak na sa noo namin pumapatak! Hindi ko na ata kaya ang presyon ng katawan ko. nakita ko si ryza na tahimik na umiiyak at parang tinanggap na ang kakahinatnan namin.. Gamit ang hook ay hinigit nila kami palabas ng selyadong kwarto at tumambad samin ang malalaking tulyasi na kasya ang isang tao! Pero ang mas nag pakaba ng dib dib namin ay ng makita ang laman nito!

KUMUKULONG MANTIKA!!!

Punong puno ito ng kumukulong mantika! Anong gagawin nila!!? Ayokong mamatay sa ganyang paraan!!..

"Hmm!! Hmmmmn!!!!" Ikinampay kampay ko ang katawan ko pero mas nag pasakit lang ito ng mga paa ko!.

"Wait lang haley, wag kang atat! Eto na nga eh, nilalapit ko na kayo para mabilis na lang ang pag lubog nyo sa mga mantikang ito! Hahahaha" nakakatakot pakinggan ang tawa nito! Para syang baliw!! Pero ano pa nga ba!? Tatanggapin ko nalang na hanggang dito nalang talaga!

tinanggal nito ang mga busal namin!

"Gusto kong marinig ang mga huling habilin nyo, hahaha!"

"Uhh!! Please! Tama naa! Patawad kung may nagawa man kami sayo! Please! Tama na please! " pag mamaka awa ko dito...

"Sa tingin nyo ganon lang kadali iyon? Niloko nyo ako! Pinag laruan! Pinag tawanan! Tapos ngayon hihingi kayo sakin ng tawad!? Sinabihan ko din kayo dati na tama na! Pero ikaw! Hindi ka naawa!ikaw at si clarence!! Kayong dalawa ang nag sabi na patayin ako! Ihinulog nyo ako sa bangin!! Mga wala kayong awa!!! Ano nakikilala mo na ba ako?"

No! Hindi ako pwedeng mag kamali!!
S-si andeng?? Yung babaeng nakilala namin past year! Yung ba-baeng- pinagka isahan namin dahil- s-a akin!!

Flashback!!**

"Hi!" Magiliw naming bati sa batang bagong kilala namin.. Maganda sya at mukhang mahinhin..

"Hello." Balik nito at ngumiti sa amin. Sa una palang hindi na talaga maganda ang balak namin sa kanya..

"Tara sama ka samin, laro tayo." Aya ko sa kanya..at malugod naman itong sumama sa amin..

Ilang linggo din kaming mag kakasama at halos araw araw ay iba iba ang pinupuntahan namin..

Naging malapit sila ni charizz! Ang pinaka bestfriend ko sa lahat! At ayoko nang inaagawan ako! Kaya pinasya kong i set up si andeng!
Dinala namin sya sa isang tulay. Kunwari'y mamamasyal, kahit ang mga kaibigan ko ay walang kaalam alam sa gagawin ko..

Habang nag pi-picture picture kami ay nag kunwari akong sinaktan nya ako!

"Aray! Ano ba andeng? Bakit ka nananabunot!!?" Arte ko, at nag iyak iyakan!. Kaya masamang tumingin sa kanya ang mga kaibigan ko.

"Huh? Wala naman akong ginagawa sayo!" Tanggi ni andeng pero hindi sya pinakinggan ng mga kaibigan ko!

"Hoy! Ikaw andeng! Kabago-bago mo samin bully kana kaagad!? Ang angas mo naman!" Itinulak sya ni ryza, napa atras ito sa barandila ng tulay.

"Tama na yan guys!" Pigil ni charizz..

"Anong tama na!!? Papayag ka na ganyon ganyanin nya lang ako!? My gosh! Ganun na ba kayo ka lapit ha!?"
Puna ko dito..at hindi na ito umimik! Lumayo na lamang ito habang pinag sasabunutan ng iba kong kaibigan si andeng!

"Tama naaa!! Tama naa please!!wala akong ginawang masamaa!!" Sigaw nito pero hindi sila nakinig.. Itinulak nila ng tinulak si andeng at ako naman ay tahimik na naka ngiti sa tabi.. Pero naka isip ako ng mas magandang gawin!

"Tinanggap ka namin ng malugod tapos gaganitohin mo kami!? Hmmn, ano kaya kung ihulog na natin sya?" Tanong ko sa mga kasama ko.
Nagulat sila at humarap sakin..

"Ano? Ayoko! Baka kung anong mangyari sa kanya.." Sabi ni ryza, sinang-ayunan naman ito ni lovely..

"Sige! Wag nyong gawin! Mag sama sama kayo!" Sigaw ko at tuluyang lumakad paalis.. Pero di pa ako nakaka layo ng marinig kong may sumigaw!.

"Ahhhhh!!! " kasunod nu'on ay ang pag lagaslas ng tubig.. Napa silip ako sa ilalim ng tulay.. Hindi pa sya naangat! Anong nangyari sa kanya?? Teka!? Paki ko ba? Dapat lang sa kanya yan!.

"Haley! Ayan na.. Wag ka nang umalis.." Sabi ni lovely.

"Tara na!" Lahat kami ay umalis na sa tulay at iniwan doon si andeng! Halos hindi matanggal sa labi ko ang ngiti na wala na ang asungot! Hmp!

END OF FLASHBACK!

Namalayan ko nalang ang sarili kong umiiyak! Sobrang sama ko!! Nakokonsensya ako sa ginawa ko!

"Sorry haley! Pero hindi kita mapapa tawad! Mag ka matayan man tayo!!" Mariing sabi nito sabay hawak sa lever ng makina at pinihit ito..

Umangat kami at tumapat sa ibabaw ng mga tulyasi! Ayoko pang mamatay!! Pero mukang araw ko na!!

"Sorry clarence! Sorry nadamay kayo!" Naiiyak kong sabi.. Hindi ito kumikibo at tahimik lang na umiiyak!

Pinindot ni andeng ang buton at dahan dahan kaming bumaba. Nang bitawan nya ito ay tumigil sa pag baba ang tale namin..

Hooohh! Naamoy kona ang mantika! At ang bigat na ng ulo ko!! Umakyat na ata lahat ng dugo ko!!. Hoohh!

"Good bye friends!" Sabi nya samin at muling pinindot nito ang buton!

"Hmn! Huhuhu!!" Narinig ko ang pag hagulgol ni clarence at pag patak ng mga luha nito sa mantika na nag patalapsik sa mantika.

"Andeng!! Please!!" Mabilis na bumaba ang tali na nag gagapos sa amin kaya napa sigaw nalang ako!

"Ahhhhhhhh!!"

(Poookkk!!!)🔫

"Ahh!" Napa mulat ako ng maka rinig ng malakas na putok! Si andeng! Naka taob!

"Taas ang kamay! " sigaw ng mga pulis at dali daling lumapit sa kanya at dinakip si andeng!

"Uh! Aray! Ang sakit!!" Sigaw nito ..

Matapos nuon ay dinala na si andeng sa ospital! Ipinagamot, tyaka dinala sa prisinto! Nasa tamang edad na sya para makulong.. Kinausap muna namin sya bago kami umuwi.

Humingi kaming tatlo ng tawad at matapos nuon ay umuwi na nga kami agad..

Sobrang lungkot, na umuwi sa bahay na kulang kami.. Dahil sa akin ang lahat ng ito! Nakaka awang nadamay pa sila dahil sa akin!. Hayyst!

Sa huli ay pinatawad na rin kami ni
Andeng at tahimik na kaming namuhay malayo sa kanya..

The end!!.

Aswang...(SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon