'Miss na miss na kita Zach'

Pero ayoko ng balikan ang mga bagay at taong nagpahirap sakin dalawang taon na ang nakalilipas. Ayoko na.

"Let's eat mga anak" Tito Hernan said.

Agad naman kaming tumalima. Tinignan ko ang katabi kong busy sa pagtingin kay Zach na kausap ang best friend nyang si Luke Gonzales.

"Uhm so Ally kailan ka bumalik?" Tanong ni Tita Daine sa kalagitnaan ng pagkain namin

"Bumalik? Hindi naman po ako umalis" nakakunot noo kong sambit

"What? Diba pumunta kang Canada two years ago?" Tuluyan na akong naguluhan.

"Tita hindi po ak--"

"CAN YOU PLEASE STOP PRETENDING ALLY?! TELL US THE TRUTH! THE FVCKIN' REAL TRUTH!" galit na sambit ni Zach. Sa tagal naming magkasama noon ngayon 'nya lang ako sinigawan at sa harap pa nila Tita, Tito at maging ang kaibigan 'niya.


I tried my best not to cry in front of him, in front of them but I'm fvckin' failed.

Tinraydor ako ng sarili ko. Yung sarili ko na akala ko kakampi ko.

" So all this time Zach it's all my fault? really huh? I thought you know me very well but I'm wrong. Ok believe me or not hindi ako umalis. Hindi ako umalis kase ayokong iwan ka that time pero ikaw mismo yung nang iwan. Nalaman ko nalang na umalis ka na nung umuwi ako galing airport dahil hinatid ko sila mama.
Kaya wag mong ipamukha sakin ngayon na ikaw ang mas nasaktan dahil nagkakamali ka!" Umiiyak kong tugon.

"Hindi mo na ako madadala pa sa mga bulok mong kasinungalingan Ally! Mismong si Janice na ang nagsabi sakin na pumunta ka sa Canada kaya napagdesisyunan ko ng kunin ang inooffer sakin ni tito sa America Kaya wag ka ng magsinungaling please lang"

"by the way girl friend ko nga pala. Tumabi siya kay Janice at agad na pinulupot ang kamay sa bewang ng itinuring kong kaibigan."


Umiiyak man dahil sa sakit ay nakuha ko paring magtanong.

"H-how come? K-kailan pa?" nanginginig ang labi kong tanong.


"Isang taon na kami ngayon Ally, kaya nga ako inimbitahan ni Zach kasi ipapakilala 'nya ako kila Tita at Tito" Tuloy tuloy na sabi ni Janice. Wala akong maaninag na pagsisisi sa mga ginawa 'nya base sa boses at maging sa mukha nito.


'Shocks. Ang sakit. Double kill huh?'

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Janice na agad na nagiwas ng tingin. So siya ang nanira sakin kay Zach? Alam kong gusto 'nya si Zach pero sobra naman ata. sobra sobra.


Sa loob ng dalawang taon nangulila ako sa taong mahal ko kaharap ang itinuring kong kaibigan.

Ang plastik 'nya.


Hindi ko tuloy lubos maisip na kinaibigan 'nya ako para lang makuha si Zach. Alam kong may Boyfriend si Jan pero hindi ako makapaniwalang si Zach yon. Si Zach na mahal na mahal ko kaya mas pinili kong manatili sa Pilipinas kahit ang buong pamilya ko ay nasa Canada.


Nanlalabo ang paningin kong umalis sa bahay nila Zach. Patuloy na nagbabalik sa isipan ko ang katotohanang iniwan ako ng taong mahal ko, tintaydor ako ng itinuring kong kaibigan at Isang taon na sila ngayong araw. Ayoko na siyang makita. Magsama sila ng sinungaling na si Janice.


Minsan talaga kahit gaano natin kamahal ang isang tao, mapapa suko nalang tayo kase sobrang sakit na.

I lost myself because i found him.

So this time sarili ko naman. Wala munang iba sarili ko muna. Sapat ng nagmahal ako ng lubos. Sapat na.


Sa buhay ng tao kailangan nating matuto na mag isa. Kahit nakakabagot, kahit nakakabaliw. Because we need to protect ourselves from any things or people who might hurt us.


Even my best friend and the one that i love stabbed me behind my back i will still be grateful because that's heart break thought me how to became brave.


"ALLY!!" narinig ko ang boses ng taong mahal ko kaya nilingon ko ito ngunit kasabay ng paglingon ko ang sakit na naramdaman ko.


Nakahandusay na pala ako sa malamig na kalsada habang ang sariwa kong dugo ay patuloy na umaagos.


Napangiti ako dahil kahit papano ay sinundan 'nya naman pala ako. Nagalala siya.


Napaubo ako na may kasamang dugo. Yakap yakap ako ng taong mahal ko habang patuloy na umiiyak.

Bakit siya umiiyak? Hindi ba ito pabor sa kanya?

Matinding sakit ang naramdaman ko. Bumulwak ang dugo sa bibig ko ngunit nagawa ko paring ibulong ang katagang "I l-lov-ve y-you" At tuluyan ng bumigat ang talukap ng aking mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Sided Love;Where stories live. Discover now