Napadilat ulit siya at tumingin sakin. Napaiwas ako ng tingin anuba queen!! -.-

Naglakad ako palabas ng kwarto, at napaupo sa sofa. Malilate na ako, pero teka wala pang pagkain.

Lumabas ulit ako sa condo at naglakad papunta sa information desk.

"Where's joy?" tanong ko syempre kunwari kagalang galang.

"Yes ma'am!" Biglang sigaw ng isang babae na nasa likuran ko.

Napaharap ako at napakamot sa batok.

"Pahingi ulit ng sopas at gatas magsama ka ng gamot para sa lagnat" sambit ko ngumiti siya ng malapad at napatango.

Nang makaalis siya umupo ako saglit at hinintay siya.hindi nagtagal nakarating na siya.

"Eto po" nakangiting sambit niya at inabot sakin ang bowl at cup na may gata at isang pack ng medicine. Napangiti ako at tumango.

"Salamat" sambit ko aalis na ako sana ng nagsalita ulit siya.

"Eto ma'am queen, gamitin niyo po sundin niyo mga instructions kong pano gumawa para matuto po kayo " nakangiting sambit niya sabay bigay sakin ng isang libro na hindi kakapalan. Tumango nalang ako at ngumiti.

"Salamat ulit"

"Walang anuman po " nakangiting sambit niya, ang ganda niyang dilag. Naglakad ako papasok sa condo at inilapag sa center table ang libro at pumasok sa kwarto nakita kong nakahiga padin siya pero nakadilat na bahagya siyang sumilip at tumingin sakin.

"S-san ka galing? " tanong niya at umupo lumapit naman ako at inilagay sa side table ang pagkain at inalalayan siya.

"Kumain kana ha? Eto pala gamot pagkatapos mong kumain " sambit ko at pinakita sakanya. Tumayo ako at kumuha ng tubig inilagay ko din sa side table. Nakatingin lang siya sakin kaya naawkwardan ako

"Wag mo kong titigan"

"I'm not" umirap nalang ako at tumayo.

"Sandali. N-nasa labas na s-si manong eddie siya ang maghahatid at s-sundo sayo" biglang sambit niya napangiti ako habang nakatalikod.

Naglakad ako palabas. Hays buti naman di ko kasi alam kong pano pumunta sa school. Naglakad ako palabas at saktong nakita ko si manong Eddie.

Nang makarating sa school, halos wala ng estudyante. Late na ako galing!

Nagmadali akong naglakad halos tumakbo na nga e. 

*BLAAAAAAAAAG*

Bigla akong napaupo ng may bumangga sakin nuba!

"Aray! " reklamo ko at napatayo. Tumambad sakin ang napakagwapong lalaki. Sino to? Pogi naman niya pero mas pogi si ash ahhhh! Erase erase napailing ako sa naisip ko.

"Uh miss are you okay?" tanong niya at tumingin sakin bigla niyang inilabas ang panyo niya at hinila ang braso ko at pinunasan. Hala? Nagasgasan? Hindi ko napansin.

"Sorry miss " pagpapaumanhin niya at binitawan ako. Tinignan ko siya ang gwapo ng awra niya pero mukhang babaero.

"Miss? bakit ganyan ka makatingin? Type mo ko no? " biglang sambit niya na ikinalaki ng mata ko huwaw. Ang hangin pare

"Tol, drugs pa more " sakastikong sambit ko at nilagpasan siya. Lokong to

Rinig ko ang pagtawa niya.

"Hahahahaha I like your attitude, di manlang tinamaan sa charm ko " sambit niya na rinig ko.

"Mukha ka kasing aircon" bulong ko pero nilakasan ko at naglakad paalis.

My Extraordinary GirlfriendWhere stories live. Discover now