"Bakit hindi niyo muna ginamot ang mga sarili niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Masyadong delikado, Sche. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa iyo," sagot sa akin ni Hakure. May sasabihin pa sana siya pero tinakpan na ni Lynch ang bibig niya at bumulong nang 'huwag ka na magsalita, baka bigla kang mahimatay diyan'. Kailangan kong sumeryoso pero natawa ako sa kaloob-looban ko.

Sinecure muna ang buong mansion bago nagsipuntahan sa kaniya-kaniyang kuwarto. Pinauna na nga nila kaming makaakyat, eh. Share raw kami ni Walter sa kuwarto niya. Himala nga at hindi man lang umangal si Lynch. Atsaka nahahalata ko na kaming dalawa talaga ang pinaglalapit nila.

Nasa banyo kami ngayon ni Walter. Tinulungan ko siyang tanggalin ang jacket niya. Nahirapan pa nga siya, eh. Sunod naman na tinanggal ko ay ang hoodie niya, sunod ay ang sando niya. Nakita ko na naman ang matipuno niyang katawan.

Tumayo siya. Tinanggal niya muna ang belt niya. Nakaboxer naman daw siya. Nakapikit ako habang tinutulungan ko siyang ibaba ang pants niya. Bakit ba kasi niya naisipanng magsuot ng skinny jeans kung mapapaaway naman sila.

Ang sabi niya, tulungan ko raw siyang mag maligo. Inalalayan ko siyang makapunta sa shower room. Iika-ika silang lahat. Hindi ko alam kung paano nakaakyat ang iba dahil nasa second floor ang mga kuwarto nila.

Mabuti na lang at may nahanap akong tabo at balde galing sa cabinet kanina.

Tumayo ako sa marble na naghahati sa shower room atsaka sa toilet. Mas matangkad kasi siya sa akin kaya malamang ay hindi ko maaabot ang ulo niya.

Ang ni-request niya kasi sa akin ay talagang ligo ang gawin ko sa kaniya.

Kumuha ako ng tubig gamit ang tabo sa katabi kong lababo. May lababo naman kaya hindi na ako gagamit ng balde.

Napaaray siya nang buhusan ko nang dahan-dahan ang ulo niya ng tubig.

"Ikaw kasi, ganiyan na nga ang kalagayan mo tapos gusto mo pang maligo." Panenermon ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin.

Shinampuhan ko lang ang ulo niya. Saglit lang dahil baka bigla siyang mag collapse rito. Puro pasa kasi ang katawan. Mabuti na lang at puro daplis lang ng kutsilyo ang mayroon siya. Ganito na ba ang malala na sinasabi ni Lynch kanina?

Sunod naman ay sinabunan ko nang dahan-dahan ang katawan niya. Medyo nahihiya nga ako, eh, ikaw ba naman magpaligo sa taong ito.

Nang matapos ko na siyang paliguan ay pinagsuot ko muna siya ng bath robe.

"Saglit lang, bababa lang ako. I-lock mo ang pintuan ng banyo mo, saglit lang ako, kukuha ako ng ice," pamamaalam ko atsaka lumabas na ng banyo niya. Medyo na-memorize ko naman ang baba nila kaya alam ko na kung paano makapunta sa kusina.

Nilagay ko ang kanang kamay ko sa bulsa ng palda ko atsaka hinawakan nang mahigpit ang ordinaryong dagger na nakita ko sa bahay. Ang mga gamit kasi na binigay ni daddy ay minabuti ko munang itago simula nang masaksak si Walter ng dagger na bigay ni daddy. Ramdam na ramdam ko kasi na may lason ito.

Kahit madilim ay minabuti ko na hindi ako gumawa nang kahit na anong ingay.

Pagkarating ko sa baba ay tumingin muna ako sa paligid ko bago ko buksan ang pintuan papasok ng kusina. Nang masigurado ko na walang tao ay pumasok na ako rito.

Kumuha ako ng ice bag sa bulsa ng refrigerator at ilang ice saka nilagay ko sa loob ng ice bag.

Pagkatapos kong kumuha ay lumabas na rin ako ng kusina.

Habang naglalakad ako paakyat sa hagdanan ay nakarinig ako nang iilang kalampag sa mga kuwarto.

"Walter," mahinang sabi ko nang makatapat na ako sa pintuan ng banyo niya.

Epiphyllum OxypetalumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon