Chapter 12: Selos?

Magsimula sa umpisa
                                    


Xyler the King of Handsome:Tsk😑 Isa ka pa tyron mga g*go talaga eh.


Gwapong Matthew:Ewan ko sainyo haha! Tado ka ren xyler😑😂


~END OF CONVO~

Pero parang natauhan ako sa mga pinagsasabi nila. Ano ba kasi tong puso na to! Hindi kami, pero gusto ko AKIN lang siya fvck hayst! I'm so confused about my feelings to her.


Melody P.O.V's

Ready na ko para pumasok sa school. Sana naman walang kamalasan maganap ngayon araw na to hehe.

"Nak? Bilisan mo may lalaking naghihintay sayo dito sa labas!" excite na excite nasabi ni Mama habang nandon siya sa harapan ng bahay. Hala sino kaya yung nilalang na yon?.

"Opo Ma eto na po" sabi ko sabay sinuot yung bag ko at kinuha ang headphone ko. Laking gulat ko ng makita ko si..... Topak?.

"Ano ka ba anak? Bat di mo sinabi sakin na may boyfriend ka na pala?" nakangiting tanong ni Mama. Ano raw boyfriend?! Saan naman nanggaling yan salita na yan!.

"Ma... hindi po...nakakahiya naman kay Jethro" nahihiya kong sabi at napakamot na lang sa batok ko.

"Future Boyfriend po... Ah oo nga po Tita" nakangiti niyang sabi. Ano daw? hindi ko narinig yung una niyang sabi eh?.

"Ah ganon ba iho? Tawagin mo na lang akong Tita Manilyn. Balik ka dito lagi ah welcome ka dito samin" nakangiting sabi ni Mama mukhang magiging close to si Mama at Jethro.

"Opo Tita sige po papasok na po kami ni Melody" nakangiting sabi ni Topak. Agad niya naman akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya at sumakay na rin siya bali magkatabi kami ngayon. Inistart niya na ang kotse niya at nagmaneho na.

Sinuot ko na lang headphone ko hindi ko to pin-play ng music. Sana magreply si Mr.S don sa note iniwan ko.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya pero nakatuon parin ang atensyon niya sa daan.

"Ah eh naalala ko lang yung lalaking misteryoso si Mr.S" sabi ko.

"Sino yung si Mr.S?" tanong niya.

"Hindi ko nga rin alam, wala nga akong idea kung sino ba talaga siya?" sabi ko.

Nandito na kami ngayon sa school. Agad niya naman pinark ang kotse niya. Hayst ang hirap pagmaraming libro tas malaki pa, estudyante feels nga naman.

"Halika topak punta muna tayo don sa locker ko" sabi ko sakanya.

"Pero wait lang..." sabi niya sabay hawak niya sa braso ko.

"Amina muna yan mga libro mo, ako muna ang magdadala para hindi ka na mahirapan" nakangiti niyang sabi sakin sabay kuha niya nung gamit ko. Enebe nekekeleg nemen teng neleleng ne te. Hoy! Napra-praning na naman ako gosshhh.

"Ayieee thank you Topak" sabi ko sakanya at ngumiti ako sakanya ng malapad. Ang gentelman talaga ni Topak eh noh.

Sakto naman pagbukas ko ng locker ko sumalubong sakin ang note ni Mr.S na nakadikit sa loob ng locker ko.

Basta malalaman mo rin kung sino ako.....

-Mr.S

"Ano yan Boss?" usisa ni Topak.

I'm Inlove with that Bully (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon