"Oy! Hindi ako duwende!!"
asar na sigaw ni Cloud.
"Oo na.. kahit ano pa kayo.. bata o duwende o hindi.. bawal kayo dito.."
wika ng lalaki.
"Alam mo ba? Hindi ako nagdadalawang isip pumatay ng tao.. lalo na kung kinakailangan.."
tugon ni Cloud.
"Hahaha! Nene! Mabuti pa umalis ka na.. hindi ito playground.."
natatawang sabi ng isang lalaki at tumawa din ang kasama nito.
Hindi na nagsalita si Cloud at mabilis na itinutok ang espadang dala sa lalaki.
"T-te-teka delikado yan.."
sabi ng lalaki.
"Mas delikado kung hindi mo kami papapasukin.."
sagot ni Cloud.
Tutulong dapat ang isa pang lalaki ngunit natutukan na agad ni Flakes ng baril ang bantay.
"Ano na? Magtititigan na lang ba tayo? Mabilis mangalay ang kamay ko.."
sabi naman ni Flakes.
Napilitang buksan ng lalaki, na tinutukan ng baril, ang pinto.
Pagpasok nila Cloud at Flakes ay may isa pa silang pinto na dapat pasukin para makapasok mismo sa bar. Pumasok ang dalawang dalaga at pinagtinginan sila ng lahat ng lalaki na nasa loob ng bar na iyon. Nagtungo sila sa front bar at umorder ng inumin.
"Isang milo nga.."
wika ni Cloud.
"Sakin gatas yung sterilized"
sabi naman ni Flakes.
"Ah eh.. pasensya na.. wala kami nun dito.."
sagot naman ng bartender.
"Hahaha!!"
tawa ng isang lalaki na nakaupo malapit sa kanila.
"Mga nene! Hindi ito lugar para sa mga bata.."
wika ng lalaki.
"Hmp! May itatanong ako.. nagpupunta ba dito si Calvin?"
tanong ni Cloud.
Biglang naging seryoso ang mukha ng lalaking nakaupo malapit sa kanila.
"Anong kailangan mo kay Boss Calvin?"
tanong ng lalaki.
"Kailangan ko lang syang makita at makausap.."
sagot naman ni Cloud.
"Pasensya ka na.. hindi basta-basta nakikipag-usap ang boss namin kung kani-kanino.."
tugon ng lalaki.
"Ganun ba? Gusto nyo pa ata yung pinipilit kayo"
wika ni Cloud at lalapit na dapat sya sa lalaki nang biglang may umakbay sa kanya.
"Miss.. alam ko gusto mong makipaglaro.. kaya doon tayo sa taas may kwarto dun.."
sabi ng lasing na lalaking umakbay sa kanya.
"Bakit doon pa?.. pwede naman tayo maglaro dito.."
sagot ni Cloud.
"Hehehe ikaw huh! Maganda yang trip mo.. payag ako diyan.. gusto ko din maexperience yang pinapanood ng mga tao habang naglalaro tayo.."
YOU ARE READING
Cloudberry and the wolf killer
WerewolfDaughter of a great assassin who died from a mission. She became a weapon hunter to find the lost weapon of her mother, who was killed by a werewolf
Mafia
Start from the beginning