Tumawa naman siya sa akin.

"You think I'm rich?" tinuro niya yung sarili niya, "Chris, it's only a golf course. Para sa lahat yan.. hindi lang sa may kaya."

Sino namang makakapaniwala? Dadalhin lang din niya ako sa golf course pa! Wala akong alam dun! Help! Anyone?

Sinayad ko pa yung paa ko sa semento para hindi niya ko mahila. Pero ganun talaga, mapilit siya eh.

Kinakabahan talaga ako hanggang sa makapasok kami doon sa loob. Nakatingin nga yung babae sa amin eh. Panay nakaputi sila. Tapos doon sa loob, aircon nga eh. May mga bolang kulay puti, at mga whatever na pamalo.

"Miss, magkano yung set ng game?"

Sasabihin na sana nung babae kaya lang tumingin si Ash sa akin. Then nag-lean siya doon sa glass at binulong nung babae sa kanya.

Aba.. may pabulung-bulong pang nalalaman?

Nilabas ni Ash yung wallet niya at nung ilalabas na niya yung pera niya, inabangan ko talaga kung magkano yung ibababayad niya.

Huminto naman siya at nakatingin sa akin. Inikot niya yung daliri niya para mag-turn ako. GInawa ko naman. Alam ko na kung bakit niya ginawa yun. Ayaw niyang malaman ko kung gaano kamahal yung ibabayad niya. Dahil kanina pa lang sinasabi ko na mahal dito, nagpilit eh! At tinanong pa ko kung tingin ko daw mayaman siya... aba anong gusto niyang isagot ko? Hindi? Ikaw ba naman doctors ang parents mo di ka pa yumaman.

Pagharap ko, nanlaki na lang yung mata ko.

"There's no way!" sabi ko at napaatras ako.

"Nabili ko na. Wala nang atrasan."

Binili niya yung outfit na kaparehas doon sa nakasabit sa taas. Yun yata yung sinusuot nung mga babae kapag naggo-golf. Puting shirt.. puting short.. 

Eh kung white lady lang din pala ang hanap niya.. sinabi niya sana sa akin kanina pa.

"Magkano 'to?"

"Just wear it." inaabot niya sa akin.

"Magkano 'to?" pinilit ko talaga siya.

"If I tell you, will you wear it?"

"Maybe."

Mukhang nakukulitan na siya sa akin. Ok ok..

"Alright.. susuotin ko. Magkano muna ito?"

"P750." tapos tinulak niya ko. "Ladies Room!" tinuro niya yung pintuan.

Ayoko talaga isuot yung puti na yun. Bwisit! Ito lang P750 na? Para sa puting tela na ito? Eh baka nga makabili ako sa palengke ng ganito rin ang itsura P50 lang. Grabe talaga magsayang ng pera ang tao.

Paglabas ko doon sa Ladies Room, wala nang tao doon sa front desk at yung babae eh may kausap sa phone. Nasaan na ba si Ash?

Tumayo lang talaga ako doon. Nakatingin ako sa loob. Lalabas ako ng ganito yung istura ko? Sa Golf Course? Anong malay ko diyan? Hindi ko pa yan nasubukan. Inaayos ko yung medyas ko kaya tinaas ko lang yung paa ko. Nakatayo ako ng one-foot lang.

"Scared?"

Sa sobrang takot ko siguro, natumba tuloy ako. May bench pala sa likuran ko at hindi ko napansin na doon nakaupo si Ash. Nakaputi na rin siya. Infainess bagay sa kanya. Pero siya, puting Shirt, puting pants... and puting cap. Ako kasi, shirt, short at visor. Puti rin lahat.

"Yeah.. I'm scared.. sa 'yo!" naayos ko na yung medyas ko, "White ba ang universal color ng golf? Kasi bakit white na white tayo parehas?"

"Hindi naman. You can wear anything. Pero syempre, gusto kita makitang magsuot niyan. Pwedeng any color, I just picked white. Neat.. simple and clean."

Sinimangutan ko nga.

"Very funny.. gusto mo ko makita magsuot nito? Sana talaga sinabi mo. Daming kong puting damit." sarcastic yung pagkakasabi ko.

Nagsimula na kaming maglakad nun. Ako naman ang medyo nangunguna at may hawak na akong sariling bola ko at yung pamalo na malay ko kung anong tawag doon. May mga numbers naman pala eh. Asus! Kayang-kaya ito. Titirahin yung bola.. tapos isho-shoot. Yakang-yaka naman pala. Basta nandiyan si Ash at sasabihin lang niya yun gagawin ko eh hindi na ako magmukhang ewan.

"Ash?" hahawak sana ako sa gilid ko kaya lang hangin nahawakan ko. "ASH!!!"

Nasaan na yung tao na yun? Bakit biglang nawala. Naku, multo nga talaga yun.

May lumapit naman na matandang lalaki sa akin.

"Hi hija good afternoon." sabi niya tapos may inabot siya sa akin na papel... nagtaka pa nga ako eh... "Galing yan kay Ash..."

Hello Chris,
I know it's weird... at medyo naguguluhan ka. Don't give me that look! (teka, paano niya nalaman na sisimangot ako? papel 'to 'di ba?) Sinabi ko sa iyo na wala akong plano sa date at wala akong idea. Well, I lied. I did plan this. Everything. Bakit golf course? I don't know. Did I mention my dad's a member of this organization? Kaya kilala na nila ako. What can I say.. nandito na ako sa resto... umiinom. What you have to do is to play golf.  Each time na makakatapos ka, bibigyan ka nila ng papel. May 18 na papel.. and may letter bawat isa. Kapag natapos mo, it'll say kung nasaan ako. So.. you have to finish it.

Good luck!

P.S. Sabi ko tuturuan kita, totoo yun. But this time, do it yourself first. I have better plans after that.

"Nasaan siya? Paglalaruin niya ako?"

Hindi naman sinabi sa akin nung matanda. Ano ba naman yan! Papahirapan pa ako.

Pinapunta nila ako doon sa may nakalagay na number 1. Pinalapag yung bola at tirahin ko daw.

Yun ang pinakamadali sa lahat sabi nung matanda. Pero kahit na pinakamadali yun, naka-anim na tira yata ako bago ko na-shoot. Grabe talaga.. anong alam ko dito.

Inabot niya sa akin yung unang papel.

Chris, Your First letter is..

T - he first I saw you, I can't stop but admire you.

Note: Sorry Chris. I'm not good at poetry. 'You' lang ang naisip kong rhyme. But hey.. that's true! 

Papahirapan ako ng lalaking 'to!!! Grrrr!!!! Ok Chris...

17 more to go...

R-13 (COMPLETED - 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon