Chapter 2: Last Day

Magsimula sa umpisa
                                    

"Isa pa!"

"Kyaah, Ang cute ko! One more!"

"Wahihihi, Dito naman!"

"Aish, Ang dami mo ng picture isa palang ang napupuntahan natin. Tara na." -Chiro

So Sungit talaga. 

***

Sadyang minamadali ata ni Chiro ang pags-sightseeing ko eh. Pa'no ba naman, hinila niya ako pasakay nung Boat Tour around Paris. Hindi tuloy ako makapag-picture masyado. "Chiro, ikaw muna ang mag-picture. Nilalamig kamay ko" 

Ine-expect ko na susungitan niya ako pero kinuha niya yung camera. O.O 

Hindi lang yun, hinawakan niya yung yung kamay ko. Awkward.

"Ano k-kase Chiro, Di mo naman kailang--"

"Shh, don't ruin the mood. I-enjoy mo nalang yung tour." Mood? Yung awkward mood? Mas lalo ata akong nilamig sa pangyayari eh. 

***

Pagkababa namin ng boat, naglakad-lakad kami sa parang Market thingy dito sa France. Pero hindi na kami naka-hawak kamay. Kapal nalang ng mukha ko noh. Biglang may mga babaeng humara kay Chiro. Ugh, hanggang dito ba naman may mga haliparot? 

"Kuya, Ang gwapo mo naman! Pwede bang makuha number at address mo para mahanap ka namin sa Pilipinas?" Mga Pinay pala yun. Akalain mo nga naman. 

Bigla nalang akong sumulpot sa tabi ni Chiro at hinawakan yung kamay niya. Pinakita ko sa kanila yung wedding ring at buti naman at nakuha nila yung point kasi bigla nalang silang nagsilayuan. "I didn't know you're that possessive" Bulong sakin ni Chiro. Bakit ba hanggang sa mall eh Bed Voice parin? 

"Shut it, bilisan na nga natin. Pakiramdam ko magkaka-stampede dito dahil sayo e" Hinila ko siya papunta sa Bilisan ng Jewelry. Bibili ako ng Charm para sa Bracelet ko. Every time na pumupunta ako sa ibang bansa, nadadagdagan ito. Right now, ang meron palang ako is USA Statue of Liberty Charm, South Korean Chopsticks Charm, Japan Samurai Sword Charm, Hong Kong Flower Charm at ang newest, Paris Eiffel Tower Charm. 

"Hey Miss, you're the girl from last night, right? The one dancing in the club?" Oh Em, Poreynjer alert! Gwapo alert! Nosebleed Alert! Lahat na Alert! Haha!

"Yeah, Haha. How'd you even recognize me?" Ningitian ko siya.

"How can I even forget such a beauty? I was supposed to talk to you last night but some guy pulled you away. Let me guess, one of your flings?" 

Bago pa ako sumagot, sumulpot naman sa tabi ko si Chiro at hinawakan yung kamay ko. "I'm not one of her flings, I'm her husband. Let's go Hon."

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon