"I don't have all the time in this world to hate you."
Niyakap ko sya nang hindi parin tumitigil sa pag iyak. Hindi ko na talaga alam kung among meron sa taong to at hindi nya kayang magalit.
"I'm searching for him. Hindi ko sya mahanap pero hindi ako susuko"
"Thank you Drew. Sana lang magpakita na sya, sana maabutan pa nya ako."
"Don't say that. Of course he will."
Muli ko syang pinasadahan ng tingin. Malaki na ang tyan nya at hindi na maitatangging buntis nga sya,
"Inaalagaan mo ba ng mabuti ang sarili mo? Kamusta ka?"
"Oo naman. Parating may nuggets sa bahay." Bungisngis nya sa akin. Napatulala ako sa mukha nya, sya parin yung unang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang mga mata nya, bagamat dinaanan ng madaming luha ay maganda parin. Kung tumawa at ngumiti sya, parang hindi sya dumaan sa napakaraming pagsubok.
"Huy! Okay ka lang?"
"Yeah. Okay lang. May gusto kang kainin? Tara ipagluluto kita."
"Hmm" inilagay nya ang kamay sa baba nya at tumingala na para bang nagiisip.
"I want Adobong Tilapia! Oh my God I want that please Drew! Pleasee"
"Adobong tilapia? Meron ba nun?"
"Basta lutuin mo nalang pleaseeee?" She gave me a puppy eyes that no one can resist.
"Okay. I'll try my best. Tara na baba na tayo."
"Mauna kana. Medyo pagod pako sa pag akyat, magpapahinga lang ako saglit."
"Okay. Ihahatid ko nalang dito yung pagkain mo, para hindi kana bumaba."
JUSTINE'S POV
Pagkatapos niyon a tumalikod na sya at bumaba. Ako naman dito ay naglalaway sa lulutuin nyang pagkain. Maisip ko pa lamang ang amoy noon ay talaga namang nanunubig ang bagang ko.
Hindi ko alam na alam na nya ang lahat, walang nabanggit sa akin ang pamilya ko kaya't nagulat ako. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi rin sya nag insist na bisitahin ako sa bahay. Simula noong nalaman kong buntis ako ay itinigil ko ang maintenance ko. Makakasama sa baby ko ang mga gamot ko kaya kailangan ko mag sakripisyo para mabuhay sya. Ramdam na ramdam ko ang unti unting panghihina ng katawan ko ngunit kailangan kong lumaban.
Umupo ako sa kama nya at sumandal sa headboard. Dalawang buwan ko na syang gustong kausapin ngunit ngayon ko lang nagawa, pagkatapos nong mga nangyari ay pinagbawalan muna ako ng doktor ko na makita sya dahil baka ma trigger ang trauma ko at may mangyaring hindi maganda. Dumeretso ako sa bahay namin desisyon narin ng mga kuya kong galit na galit noon. Hindi ako nasunod kagaya ng dati, iba ang pinaghalong galit at lungkot na nakita ko sa mga mukha nila kaya't nagpaubaya akong sila ang masunod. Mabuti nga ngayon ay pinayagan nila akong bumisita dito dahil sabi ko, kaya ko na. Lumalaki na ang baby ko kaya ginagawa ko ang best ko para maging healthy sya at normal. So far wala namang mali sa kanya, regular ang check up ko kaya monitored ko kung ano nang kondisyon nya.
Habang nakapikit ay lumangitngit ang pintuan tanda nang may pumasok, akala ko ay si Andrew pero nagulat ako nang makita si ate Andrea sa pintuan. Agad akong kinabahan sa posible nyang gawin, tanda ko pa ang lahat at natatakot akong baka madamay ang baby ko.
"A-ate"
Tuloy tuloy sya sa pagpasok at umupo sa kamang kinauupuan ko.
"A-ate sorry, bumisita lang n-naman ako. A-aalis din ako m-maya maya"
Chapter 20
Magsimula sa umpisa