Cleo Pov
Lahat ng madadaanang studyante ko ay nagsisi alisan sa dadaanan ko.
"Tabi walang haharang harang sa dadaanan ko! "-utos ko at agad naman silang sumunod lahat sa utos ko.
Galit ako!
Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay inis at galit sa nararamdaman ko sa puso ko!
Bakit kasi nararamdaman ko pa ito sa kanya?! Kainis.
At bakit ako magsisisi sa sinabi at ginawa ko sakanya?
" Cley "
Alam ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko si Lee at Haze.
Pero hindi ko sila pinansin at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko patungong parking lot ng kotse ko.
Agad kong pinaandar ang makina ng luxury car ko at pinaharorot ko ito agad ng matulin.
Bahala na kung saan ako dalhin ng luxury na to nyeta!
Last year kasi nasira ko yung Lamborghini kong sasakyan! After that pinatanggal ni mom ang pangalan ko sa car shop namin para hindi ako makakuha! Tsk.
Overtake akong nagmamaneho pero wala akong paki alam.
Ang goals ko lang ngayon ay makapunta agad ako sa angel's bar! Kailangan ko ng alak!
Ilang minuto lang rin ang nakalipas ng marating ko ito. Ipinark ko ang sasakyan ko sa gilid at saka na ako lumabas.
"Ma'am 18 above kana po ba? "-harang sa akin ng isa sa bouncer na kalbo.
Tinaasan ko siya ng kaliwag kilay ko. " Mahal mo pa ba ang trabaho mo huh? "-tanong ko dito.
" Ma'am Martinez pag pasensyahan mo na po si ben bago lang po siya sa trabaho niya ngayong gabi"-sabat ni pao na kadadating lang isa sa mga bouncers..
"Sorry po ma'am "-paumanhin ng humarang sa akin na kalbo.
"Pero sa susunod hindi ko na palalagpasin pa ang pangyayaring ito! "-agad naman silang tumango sa sinabi ko.
Nagpatuloy na ako sa pagpasok sa bar at dumiretso ako agad sa bar counter..
Umupo ako sa round chair at saka umorder sa bartender. " Bigyan mo ako ng isang bote ng vodka bilis! "-madiin na utos ko dito.
" Yes ma'am "
Kumukulo pa rin ang dugo ko. Bwesit na yan!
Ngayong gabi magpapakalunod ako sa alak! Punyetang yan.
Maya maya pa ay iniabot na sa akin ng bartender ang isang bote ng vodka at agad ko itong nilagok.
...
Heurt Pov
Hert>>>tamang pagbigkas po ng pangalan niya hindi po heyurt..
Kakapasok ko palang ng bar at tumambad sa akin ang halo halong amoy ng alak at sigarilyo. At mga lasing na sumasagi sagi sa akin. Psh.
Nasan ba yung pasaway na babaeng yun?
Inilibot ko ang paningin ko..
Hinabol ko si Cleo gamit ang motor ko.
Alam kong galit siya sa ginawa ko pero hindi niya rin naman ako masisisi. Kailangan ko lang gawin yun.
Maya maya pa ay nahanap ko na rin ito.
Napailing akong lumapit sa kanya.
"Hoy babae"-saka ko ito hinawakan sa balikat. Pupungay pungay ang mata nitong tumingin sa akin.
Nangunot ang noo ko dahil sa dalawang bote ng vodka at tequila.
Pasaway talaga..
"Anong ginagawa mo sakin? At sino ka? "-sabay tanggal nito sa kamay ko na nakahawak sa balikat nito.
" Tara na ihahatid na kita "-sambit ko pero hindi ako nito pinansin sa halip umorder pa ng isang basong tequila.
"Bakit mo ba ako pinapakialaman ha? Sino ka ba para gawin sakin yun? "-may kinuha ito sa loob ng pants na suot niya. Isang box ng sigarilyo at kumuha siya ng isa.
"Hmm teka wala akong lighter. Meron ka ba jan? "-baling nito sa akin.
(-___-)
" Bartender peram nga ng pang sindi jan meron ka ba? "
Umiling ako sa bartender senyales na huwag niyang pahiramin si cleo.
"Wala po ma'am"
"Ano? Pano yan anong gusto mong gawin ko dito sa sigarilyo na to kainin ko? "-reklamo ni cleo sa kanya.
" Umuwi na tayo "-hinila ko
ko ito sa braso." Sino ka ba? Pwede bang wag mo akong paki alaman! Hindi mo ba alam na ayaw na ayaw kong pinakiki alaman ako ha?! "-bulyaw nito sa akin.
Nahilo ako sa amoy niya dahil nag halo ang amoy ng alak na umaalingasaw sakanya. Tsk.
" Bartender nakabayad na ba ito? "-turo ko kay cleo. Umiling ang bartender.
Order ng order di pa pala naka bayad. Tsk.
"Pst"-sitsit ko sa bartender at inilapag ko ang pera sa ibabaw ng table.
" Teka hindi pa ako tapos! "-bawi ni cleo sa braso niya.
Malakas pa pala ang pasaway na to pero hindi siya nakakakilala. Tsk.
(-__-)
Kailangan ko munang patulugin ito dahil hindi ito makikinig sa akin.
Saktong pagtalikod nito sa akin ay binatukan ko ito pero hindi natumba!
" Bakit mo-----"-natigil na ito sa pag angal pa dahil sinuntok ko ito.
Yun tulog.
Pasaway talaga kahit kelan.. Tsk.
RAINBOWFADED
BINABASA MO ANG
Fall For Her(GirlXGirl)
Teen FictionWARNING!!! ⚠ THIS STORY IS GIRLXGIRL SITUATION... PLEASE DON'T CONTINUE TO READ THIS WHEN YOU JUST JUDGE THIS BOOK!! THAT'S ALL THANK YOU!! STARTED:AUGUST 1,2018 FINISHED:??