Chapter 56: Lance's POV

Magsimula sa umpisa
                                    

"President ikaw ang mag-asikaso sa event na gaganapin." Panimula ng teacher namin.







Event?






"At ikaw naman Secretary, ikaw ang assistant ng president. In short magtulungan kayong dalawa." Dagdag pa nito.





"Ano po bang event ang magaganap?" Tanong ko.





"Remember, project in Mapeh? Mag-kakaroon daw ng parang live concert, yung mapipili na pinakamaganda  na MV sila ang kakanta live." Paliwanag niya pa.





"Kami lang pong dalawa?" Tanong ni Jenny.






"Oo. Pero kung gusto niyo, isama niyo mga barkada niyo. The ten of you... kayo ang mag-aayos ng event. The two of you will be their leader." Saad pa niya.





"Sige po. Pero, kailan po ba?" Tanong ko.





"Hmmm... let's say next month. Tsaka nga pala kayong dalawa. Wala daw kayong music video na pinasa. Kayong dalawa lang Ang wala. Punta kayo sa room ng sir niyo at kakausapin daw kayo. Sa Library." Sabi ng adviser teacher namin. Nagpaalam naman kami agad.






"Bababa ulit tayo? Tsk. Pagod na ako." Pagmamaktol niya.




Pansin ko madali siyang mapagod. Pag pataas ng hagdan nakakailang hakbang palang siya nagrereklamo na siya na pagod na daw siya.





Oo nga pala may hika siya.







Tsk tsk.





"Piggy back ride?" Alok ko.






"Hayst. Wag na. Ok na ako. Kaya ko pa. Tara na." Tanggi niya ulit sa akin at nauna nang naglakad.





Napangiti naman ako dahil sa inasta niya.




Nahihiya siya? Hahaha. Cute.





"Saglit." Sigaw ko at hinabol siya.




Nang nakababa na kami sa hagdan pumunta na kami agad sa library.




Hingal na hingal siya.




"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.




Tumango lang siya at napahawak siya sa tuhod niya. Hinaplos haplos ko likod niya hanggang sa maging okay na siya.





"Okay na ako. Loob na tayo." Sabi niya.





Nang makaloob na kami sa library hinanap agad namin sir namin sa Mapeh.




Binati namin si sir.





"Sir gusto niyo daw po kaming kausapin?" Tanong ko.





"Kayo ba yung walang MV?" Tanong ng sir namin. Tumango naman kaming dalawa.





"So anong balak niyo? Hindi kayo gagawa ng MV? Bakit nga ba wala kayong MV?" Seryosong tanong sa amin.




"Sir kasi po... nakulangan po sa time." Palusot ni jennifer. Napairap naman ako.




Kulang sa time? Eh ang ginawa lang naman niya ay makipagdate.




"Kulang sa time? Mga kaklase niyo nga nakagawa, tapos kayo Hindi niyo kaya? Meron naman kayong kasama na dalawa pang kagrupo niyo." Sermon sa amin.




When Poor Girls Meet Rich BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon