CHAPTER 21 JUST SAY YES

Magsimula sa umpisa
                                    

So s-si Trish yung—tumawag?

“Hindi ko siya napasalamatan kasi umalis na siya kasi may pupuntahan pa daw sila nun. Kaya ayun. Sabi ko sa sarili ko I’ll just thank him today.”

Eh ano yung sinabi ni Blade na may binili silang tatlo? So hindi yun totoo?

Dalawang periods walang ‘Kiel’ na nagpakita. Dalawang periods din lumilipad yung isip ko. Hindi ako makapagconcentrate.

Naiinis ako. Bakit ba kasi niya kailangang itago na nakipagkita siya kay Trish nun? Tapos dinawit niya pa si Blade? Na pinagtakpan siya? Tapos si Trish yung ‘mystery caller’ kahapon?

NAKAKAINIS!

-

Recess namin ngayon at kasama ko yung tatlong babae kasama sina Lexer at Xypher.

“Ay grabe. Sinabi din yan samin nung prof namin. Hindi nga ako makapaniwalang badass din pala sila noon eh. Hahahahahahha!”

Hindi ako actually nakikinig—or nakikinig ako sa usapan nila pero hindi ko iniintindi. Masyadong occupied yung isip ko sa mga nangyari at nalaman ko kanina.

Wala si Blade at si Kiel sa hindi malamang dahilan. Although alam kong alam nung dalawang lalaki kung nasan yung mga kasama nila sa kalokohan, hindi nila sinasabi.

“Uy, Yna!” Naagaw ni Jorj atensyon ko. “Baka naman mapanis na ‘yang pagkain sa harapan mo sa kakatitig mo. Ano? Nabusog ka na ba sa kakatingin?”

“Ewan.” Sabi ko at umirap.

Hindi na muna nila ako ginagalaw.

Hello?! Hindi niyo man lang ba tatanungin kung bakit ako nagkakaganito? Kung bakit hindi ako umiimik? Kung bv ba ako o hindi?

Baka naman may hint ka na kung bakit hindi ka nila pinapakialaman. Baka naman alam nila na magkakaganyan ka talaga.

 

Hindi ko alam kung saan ako maniniwala. Sa inis ko o sa konsensya ko. -_-

Pero hint? Meron. Pero ayaw kong umasa. Mukha namang imposible yung iniisip ko, eh. NAPAKAIMPOSIBLE sa sitwasyon ngayon.

“Guys, cr lang ako.” Paalam ko pero mukhang wala namang ni isa sa kanilang nakarinig, bukod kay Lexer na tiningnan lang ako.

-

“Nakita mo ba yung nasa gymnasium?”

 

“Oh em gee. Oo, grabe. Alam mo bang kanina ko pa gustong malaman kung anong mangyayari dun pero hindi pa sila nagsisimula. Kaya nga nagbanyo muna ako, eh.”

 

“Nakita mo ba kung sinong may pakana noon?”

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESTINY'S GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon