“Max, mommy called and told me that we are scheduled to meet the wedding planner tomorrow at 10AM.” Napatigil sa ere ang kutsara na dapat isusubo ko ng marinig kong sinabi ito ni Carly kay Max.

“Carlygirl, are our gowns finished? I think mine needs adjustments cause I think I gained weight, it might not fit me anymore on your wedding day. Mahirap na.” Ani Yan.

“I don’t think so. Not yet, I guess. Wala pa namang sinasabi yung designer regarding that, you can just go to their shop.” Sagot naman ni Carly. Nakikinig lamang ako. Si Kath at Krizzy naman ay panay ang tingin sa akin. Oo na! Naririnig ko naman at masakit nga pero bakit sa tuwing titingin pa sa akin yung dalawa ay para bang mas nagsisink in sa akin ang pinag-uusapan nila at parang may pinapamukha sa akin. Hindi sila  nakakatulong, alam ba nila yun? Siguro hindi kaya inirapan ko sila pareho.

“Biancs, you have to attend Max and Carly’s wedding ha? You have to be there!” biglang sabi ni Des. Oh my goodness! Napunta ata sa ilong ko yung kanin! I need water! Nagmamadali akong uminom ng tubig, muntik ko pang mabitawan sa kakamadali ko kaya naman ay inalalayan pa ako ni Krizzy. Natatawa pa siya sa naging reaction ko.

Sa dinami-dami ng pagkakataon na sasabihin niya iyon sa akin ay kung kailan kakasubo ko lang. Juice ko naman, winner sa timing! Ang sakit talaga sa ilong. Ouch. Huhu. Dalawang kanin ata tapos magkabilang butas ng ilong. Mga ilang minuto na ang nakalipas ay masakit pa din. Kailangan ko na ata magpatingin sa doctor!

Oo na! Echos lang. Umaarte nalang akong nasasamid pa din at sumasakit ang ilong para patagalin ang pagsagot ko sa imbitasyon niya. Kung makaimbita to si Des akala mo kasal niya eh.

“H-huh? Ah kailan ba yung k-kasal?” Kunwari pa din nahihirapan ako magsalita dahil sa pagkasamid ko pero ang totoo ay nahihirapan ako itanong dahil ayoko naman talagang malaman. Masokista ko naman na! Ako na!

“2 months from now. March 27, to be exact. Oo nga, Bianca. You have to be there ah? Kung hindi magtatampo ako sayo.” Si Carly ang sumagot.

“At hindi mo gugustuhing magtampo ang buntis.” Dagdag naman ni Greg.

“Ano pre? Mahirap ba suyuin? Outside the kulambo ba parati?” pang-aasar ni Hans dito kaya naman ay inulan ng asar si Greg galing sa mga lalake.

“Hoy Max, akala mo kung makapang-asar ka eh pareho lang naman tayo ng dinadanas. Malalamig na gabi pre, alam mo yan! Tsaka mga bobo kayo, mararanasan niyo din ang dinadanas namin ni Max. Maghintay lang kayo.” Sabi nito ng natatawa habang dinadamay si Max kaya dalawa na silang inuulan ng asar. Nakakatawa sana kung ibang tao ang tinutukoy dito eh. Sino ba ang hindi matatawa kapag may nalalamang ganyan kaawa-awa ang sitwasyon ng isang lalake lalo na kapag naglilihi yung babae, di ba? Pero ang tinutukoy ay si Max na hindi pinapatabi ni Carly sa pagtulog! Ibig bang sabihin live-in na sila? Eh sa malamang dahil hindi papayag si Max na pabayaan si Carly. Haay. Ang swerte niya naman. Sana ako nalang yung nasa sitwasyon niya.

“Guys stop that! Hindi na kayo nahiya.” Natigil naman ang mga lalake sa pag-aasaran pero tumatawa pa din sila. “Basta Bianca, umattend ka ng wedding namin ah? Seryoso, magtatampo talaga ako sayo.” Ani Carly ulit.

“Uh, wouldn’t it be weird for exes to attend their ex’s wedding?” Eeeeenk! Bakit ito ang naisagot ko? Nakakahiya! Alam naman ng lahat except lang pala kay Carly na kunwari lang yung dati eh. Seryoso pa ako nung itinanong ko. Boplaks grabe! Dudugtungan ko na sana ng ‘joke’ yung sinabi ko at handa ko nang bawiin. Magsasalita na sana ako nang muli na naman akong napatigil sa sinabi ni Carly.

“I know everything now Bianca. Max already told me what you’ve done for him. For us. I know that you agreed to be his pretend girlfriend just to make me jealous. Thank you and I hope he didn’t give you a hard time before.” Nakangiting sabi nito sa akin at ramdam ko ang sincerity sa pasasalamat niya but too bad I can’t appreciate the gratitude. I’m just way too numb. It feels like sinampal ako ng sampung elepante sa mga sinabi niya. It’s like she’s thanking me for inflicting pain to myself. She’s basically thanking me for my stupidity and for being a coward. What a blow that was kaya naman ay hindi agad ako nakapagreact sa sinabi niya but I know I’m smiling. I’m smiling through the numbness I feel inside.

All throughout lunch ay masyado akong naging masayahin, I would crack a joke and everyone will start laughing but mine will always be the loudest and longest. Why? It’s my defense mechanism – pouring my heart out by laughing instead of crying.

Thank you for the likes, comments and especially reads! Please know that all of those are acknowledged and much appreciated. To show my appreciation, let me mention some people who have shown support for this story: 

sweetjd_79

Lyncabilan

MsRomanticPrincess

lynn0929

jornick

VergieAndal

miyaka09

Cyberhugs and super thank you to all of you! ;)

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon