" Purihin si Donya Margarita, ang sino mang di susunod sa kanya ay paparusahan ko.." Sabi ni Jenna.

" Good Girl.. "Sabi ni Margarita sabay hipo sa buhok ni Jenna.

" Anong ginawa mo kay Ate Jenna?" Sigaw ni Tyler.

" Wala, dati ko naman talaga syang Laruan, nasira lang nung dumating kayong. kasama nung mga sister kung piste..!" Sabi ni Margarita.

" Inuutusan kita Margarita na Ibalik mo sa dati si Jenna.." sabi ni Theo.

" No No.. uh uh!

Katalina, Dear come to mama..." Sabi ni Margarita at Ginamitan nanaman nya nang kakaibang engkantasyon.

"Ano daw?" Sabi ni Mia.

" Sshhh! Tahimik... " Saway ni Raven. Pagkalipas nang ilang mga minuto ay, di parin na tablan ng Engkantasyon nya si Katalina..

" Papano nangyari ito?" Sabi ni Margarita.

" tila sumasablay kana...?" Sabi ni Katalina.

" Lapastangan...

Jenna parusahan mo ang mga kaaway !" Utos ni Margarita

" Masusunod Donya..." Sabi ni Jenna. Agad naman nyang ibinuklat ang kanyang Libro, Mula sa Libro Lumabas ang mga sinaunag sandata.

"Anong gagawin nya?" Tanong ni Jake. At umikot ikot muna sa ire ang mga Sinaunang sandata. at pagbagsak nito sa lupa, Ay naging isang Malaking Pana.

" Magaling Dear, Paslangin mo na sila.. Hahahahaha!! " Utos ni Margarita sakanya, at Itinutok nya ang palaso nito sa Kalangitan katulad nang naunang ginawa nya.

" Mag-iingat kayo dahil gagawin nanaman nya. " banta ni raven.

" Wala tayung magagawa kundi, protektahan ang isa't isa.. hindi naman natin pwdeng kalabanin si Ate jenna.." Sabi ni Jake.

" Oo nga ano bang magagawa natin upang, maibalik natin sa dati si ate jenna.? Tanong ni Tyler.

" Burning Bow!!" Bigkas muli ni Jenna, at Nagsibagsakan ang mga nag aapoy na palaso sa kinalalagyan nina Katalina.

" Jake, at Theo ang Kalasag...." Sabi Katalina. At pina-angat naman ni Jake ang Lupa at tinakpan silang lahat nag Lupa. habang si Theo naman ay gumawa nang malaking daluyong at sinalubong ang mga nag aapoy na Palaso ni Jenna. Samantala habang nasa loob sila..

" kelangan nating, mabali ang sumpa ni Margarita sakanya." Sabi ni Mia,

" Oo nga di ako makakalaban sakanya..." Sabi ni Katalina.

" May paraan lang, pero kelangan kung malaman kung anong tuno nang kanta ni Margarita. mababaliktad ko ang sumpa.." Sabi ni Theo.

"Kumakanta ka pala Theo?" Tanong ni Mia.

"Oo., magaling yan si kuya kumanta. isa pa Dj yan sa isang sikat na radio station.. Ganda nang boses nyan." Bulalas ni Tyler.

" Sandali parang naalala ko kung anong Tuno nang kanta" sabi ni Raven. At pinarinig nya ito kay theo. Samantala kitang kita ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan ang mga nangyayari sa kuta ni sitan.

" hindi ako nanghihina sa negatibong enerhiya na meron ang lugar na ito. Dahil Ipinanganak akong Purong diwata... Sa tingin ko mananalo ang mga kakampi natin. " Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. habang ang kausap nya ay nasa Kanlaon..

" kung gayun, maraming salamat saiyong pag tulong saamin Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. " Sambit ni Bulan at sa tabi naman nya ay sina, Magayon, Dalikmata at Haliya.

" Mag-iingat ka Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, Dahil maraming nakabantay na Kawal sa paligid nang kuta nya. " Paalala ni Magayon.

" Wag kayong mag aalala, kayang kaya ko sila.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan At nag laho ito sakanyang kinatatayuan.

Habang sina, Katalina ay nakaisip na nang paraan upang maibalik nila si Jenna.

" Ngayon na kuya, gamit ang hangin na gagawin ko maririnig ito ni ate jenna, ang Kanta mo.." Sabi ni tyler at biglang lumakas ang hangin sa paligid.

" protektahan mo silang dalawa.." Sabi ni Katalina. agad namang nilapitan nina Jake at Raven si tyler upang protektahan ito sa mga atake ni Jenna.

Si Raven ay inilabas nya ang kanyang itim na pakpak at itinago si Tyler doon. Habang si Jake naman ay pinagalaw ang mga Puno sa paligid upang mas lumakas pa ang hangin.

" Mga puno, gumawa kayo nang isang napakalakas na hangin.. " Utos ni Jake, At ang mga puno naman ay isa isang gumalaw at gumawa nang hangin.

" Sinabi kung protektahan ang dalawang magkapatid..." Sabi ni Katalina, at lumapit sya kay theo at gumawa nang Sampong Bolang apoy na umiikot ikot sa paligid nila ni theo.

At nang nagsimula na si Theo na kumanta, ay Lumakas din ang hangin na gawa ni tyler at ang mga puno.

" Papano nya nalaman ang kantang yan?" Sabi ni Margarita.

"Hindi ito maari.. paslangin sila...!!" Sigaw ni Margarita at lumabas ang mga maiitim na kawal ngunit nang humakbang sila papalapit. Isang napakalakas na Kidlat ang Tumama sa mga kawal na itim.

" Hindi mo kami, matatalo..." Sabi ni Mia.

" jenna ano ba.. paslangin mo na silaaaa!!!" Sigaw ni Margarita.

" Mma-susunod.. " Pautal utal na sabi ni Jenna ngunit unti-unti nang bumabalik ang dating jenna.

" Kamalasan nga naman... " Sabi ni Margarita.

"Oras na para tumakas.." Sabi ni Margarita. at tiningnan nya si Jenna na unti unti nang nagbabalik sa dati.

Nang Mag tatangkang maglaho si Margarita, may biglang gumapos sa kanya.

" Sabi ko sayo.. wag kang tatatakas..." Sabi ni Mia, habang iginapos nya si Margarita sa kanyang Lubid na kidlat. at sina Charlie at Ian naman ay , ginawang yelo ang kanyang Paa.

" Hindi kana makakatakas pa Donya??" Sabi ni Ian.

" yun ang Akala nyo..." Ngiting sabi Margarita. Nang hinila nya ang kidlat na tali ni Mia, at itinali nya ito kay Mia, Ian at Charlie gamit ang kanyang bilis sa pagalaw.

" kahit ginawa nyong yelo ang aking Paa. May kamay naman ako.. Mga bobo. bwaahhahaha.! " Sabi ni Margarita.

" Pakawalan mo kami Mia.." Sabi ni Ian.

"Sandali..." Sabi ni Mia. Ngunit Di pa na tatanggal ni Mia ang kanyang Lubid na kidlat ay agad silang inatake ni Margarita.

At isa-isa silang pinag sasaksak, nang itim na punyal..

" Ngayon kanino ang huling halakhak Dear?" Sabi ni Margarita.



ABANGAN ANG HULING 5 KABANATA. KAPIT LANG MGA MAHAL SALAMAT SA INYUNG PAGTANGKILIK. 

THE SECRETS OF ADONIS BROTHERS (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon