XXIX. Liwanag at Dilim

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ngayong wala na ang mag asawang Sanchez, nais kong isunod ang magaling niyang kapatid," nakangising sabi ng Don habang sinisindihan ang tabako nito.

Umalingawngaw naman sa silid-tanggapan ang tawa ni Doña Letisya sa sinabi ng kanyang pinsan. "balita ko'y nakatakdang ikasal ang unico hijo ni Don Antonio sa dalagita ng mga Salazar? bakit hindi mo gawing, ang anak mong si Timoteo ang ilagay sa pwesto ng Bagwis na yon?" suhestyon ng doña. Bago nito hinigop ang tsaa na nasa tasa nitong ginto.

Hindi sumagot ang alcalde, napapangiti na lang ito sa naisip ng kanyang pinsan.

"nakuha na natin ang yaman ng mga Sanchez," pagpapatuloy ng doña bago nito nilapag ang kanyang hawak na tasa. "bakit hindi mo isunod ang yaman ng mga Salazar?"

Tiningnan ng Don si Letisya at hindi pinansin ang sinabi ng donya, "nararamdaman ko na ang pagbagsak ng mga Candelaria."

Tinaasan ito ng kilay ng doña, "at ano naman ang balak mo sa mga Candelaria?"

Inalis ng don ang tingin niya sa donya, humithit muna ito ng hawak niyang tabako at pinakawalan sa bibig niya ang usok, "ang poot na nadarama ay gawing sandata, poot din ang gagawing pain upang madakip ang isang mabangis na hayop. Kailangan natin maunahan si Antonio."

Tinitigan nito ang hawak niyang tabako bago binaling ang tingin sa doña, "pamilya laban sa pamilya. Poot laban sa kamatayan,"makahulugang sabi ng don.

Napailing na lang ang ginang sa sinabi ng pinsan niya, magsasalita sana ito pero nabulabog sila nang yabag ng paparating na si Andeng. Pagagalitan sana ito ni Letisya pero napahinto siya nang maupo ito sa pagitan nila ni Don Bernardo.

"nais kong isama niyo ang babaeng manlalakbay," nakangiting sabi ni Andeng. "narinig ko ang plano niyo sa pamilya ni Bagwis. At wala akong paki alam sa lalaking yon, ang nais ko lang, mahal na tiyo. Mabura ang babaeng 'yon."

Balak nang sigawan ng Donya ang dalaga pero sinenyasan ito ng don na manahimik. Wala namang nagawa ang ginang kundi tapunan ng masamang tingin ang alaga niya.

Nginitian naman ng Don si Andeng."yon lamang ba ang nais ng aking pamangkin?"

Nakangiti tumango ang ito, napatango rin ang Don, "masusunod."

Lumapad ang ngiti ng dalaga sa sagot ng kanyang tiyo. Magpapasalamat pa sana siya pero sinenyasan na siya ni Doña Letisya na umalis.

Tumango lang ang don nang umalis si Andeng at umakyat sa ikalawang palapag.

Tumikhim si Donya Letisya nang mawala na sa paningin nila si Andneg at tumaas ang kilay, "anong binabalak mo sa mga Salazar?" pag uulit niya.

Umiling ang Don, "Huwag natin maliitin ang mga Salazar, hindi sila madaling ma paikot," sagot ng don at dahan-dahang nilapag ang hawak na tabako sa katabi niyang maliit na mesa.

"Maliban na lang, kung daga na mismo ang papasok sa lungga ng ahas."

Habang nagaganap ang pag uusap ng dalawang magpinsan, nanatili namang nakatayo sa labas ng pinto si Timoteo. Nilagpasan siya kanina ni Andeng nang nauna itong pumasok sa loob. Gustong-gusto niyang sugurin si Andeng nang marinig niyang nais ng dalaga na idamay si Denise. Pinigilan niya lang ang sarilj dahil baka malaman ng kanyang ama at tiyahin na nakikinig siya.

"kailangan ko makausap si Bagwis," wala sa sariling bulong nito bago tumalikod sa pinto ng bahay nila at mabagal na naglakad paalis.

"ayaw ko na po, ina," iling nang iling si Ligaya sa harap ni Doña Consuela na namumula na ang mukha.

"bawiin mo ang sinabi mo, Ligaya." Madiin na sabi ng ginang sa kanyang anak.

Tumulo ang luha ni Ligaya habang nakayuko, "h-hindi ina, ayaw ko nang makasal kay B-Bagwis— "napatalon sa gulat si Ligaya nang hampasin ng ginang ang mesa na namamagitan sa kanila.

Tanaw (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon