"Miss, alam naming gwapo kami kaya wag masyadong matulala, okay?" Naka-ngising turan nung lalakeng mukhang tanga.

Ba't ba parami ng parami ang mga assuming sa mundo?

"Pwede ba? Tigilan mo yang pananaginip ng dilat ah? That's bad for the health ya know" Naka-ngising wika ko bago siya inirapan.

Sa di malamang dahilan ay tumawa ang mga katabi niya.

Mga baliw amp!

"HAHAHA nerd ka ba talaga?" Natatawang tanong nung lalakeng nagsalita kanina. Bale medyo mas matangkad lang siya ng konti kesa sa lalakeng unang nagsalita kanina.

"Bakit? Pano mo nasabi?" Mga tao talaga ngayon, tanong ng tanong. Di ba nila alam na sobrang effort ang mag isip ng isasagot?

Wala na talagang pag asa ang mga tao.

"Woah!"

Napasinghap ako pati na rin yung dalawang tukmol.

Sino ba naman ang hindi?! Leshe!

Nakatutok lang naman sa leeg ko ang talim ng katana ni Ungas dahilan upang matigilan ako.

"Oi chill lang, Ungas. Ibaba mo yan at baka mabawasan ang magagandang babae sa mundo"

"What's your name, b-tch?" Malamig na tanong ng lalakeng ito na plano pa atang patayin ang magandang tulad ko ngunit imbes na matakot ay nginisihan ko lang siya.

Nabihag siguro siya sa angking kagandahan ko. Di ko siya masisisi. Maganda nga naman ako.

"Ayieeee! Krass mo 'ko 'no? Ikaw ah" Sabi ko na may matamis na ngiti saka pilit inaabot ang tagiliran niya para sundutin sana siya.

Napatigil ako ng mas nilapit niya ang katana sa leeg ko at nakatanggap pa ng matalim na tingin mula sa kanya.

I pouted my lips while looking at him.

Ramdam kong nagsitayuan ang balahibo ko sa batok ng magsalita siya.

Ang KJ ni Ungas ah!

"Answer me or you'll lose your head" Di mababakasan ng kahit anong emosyon ang mga mata niya habang nagsasalita.

Mukhang seryoso ata si Ungas sa pinagsasabi niya.

Ba't ba kasi may mga taong ipinanganak na KJ?

Alam kong maganda ako kaya tigilan mo ako't baka masayang ang genes ko ng wala sa oras.

Ewan ko ba pero feeling ko tapos na ang maliligaya at mapayapang buhay ko pag nagkita ulit kami ni Ungas.

Yung feeling na dapat ready na ang Death Wish mo pag nandyan na siya.

Di bale, maganda pa naman ako at wala pang wrinkles for now.

"Naku, Ungas! Relax lang ang puso mo. Breath in, breath out ganern" Panghihinahon ko sa kanya pero, leshe, mukhang mas lumamig ata ang paligid.

Saglit na tinapunan ko ng tingin ang mga kasamahan niya na nasa likuran niya.

Wow naman! Ngayon lang ako nakakita ng mga unggoy na tumatawa in person.

"Want me to kill you?" He smirked at mas diniinan pa ang katana na nakatutok sa leeg ko.

Ramdam ko naman ang unti unting pag agos ng dugo mula sa sariwang sugat ng aking leeg.

Deouvenir Series 1:The Throne(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon