Nagselos? Aba'y dapat lang. Tama ba kasing makipaghiwalay kay Jin.
"Sige mauna na kami ah." Sabi ko sabay hila kay Jin.
"YRA!" Narinig kong tawag sakin ni David.
Bumaba siya sa sasakyan at tumakbo papunta samin.
"May kailangan ka pa ba?" Halatang inis na sabi ko sa kanya.
"Sumama ka sakin." Maotoridad na sabi nito. Hinila niya pero may humawak din sa kabilang kamay ko.
Si Jin.
"J-Jin.." Sambit ko sa pangalan niya.
"Bastusan ba pare? Nakita mong ako ang kasama niya diba?" Matapang na sabi ni Jin.
"David please. Bitawan mo na ako." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Nararamdaman ko na kasi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Hindi kita ibibigay sa kanya Yra." Madiin na sabi ni David habang nakatingin kay Jin.
"Do you think na ibibigay ko lang siya sayo ng ganun-ganun lang? Tss." Nakangising sabi ni Jin.
Oh my gosh! Ano bang pinagsasabi ni Jin?!
"J-Jin.." Narinig kong tawag ni Leah.
"P-Pwede ba tayong mag-usap?" Dugtong niya.
Nakalapit na pala ito ng hindi namin namamalayan.
Napabitaw si Jin sa kamay ko sa sobrang pagkabigla.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot sa bigla niyang pagbitaw ng kamay ko. Pababayaan niya ako kay David?
Of course! Si Leah ang pipiliin niya. At alam kong eto ang hinihintay ni Jin.
Pero bakit ganito? Parang gusto kong mainis sa ginawa ni Jin.
"Jin.." Tawag ko sa kanya. Tumingin lang ito sa akin at humarap kay Leah.
"Let's go Yra." Rinig kong sabi ni David.
Wala akong magawa kundi magpatinaod kay David. Hindi ko alam pero hinihiling ko na sana ako ang pinili ni Jin. Na sana ay hindi siya pumayag dito.
"David." Tawag ni Jin kay David na ikinaharap niya.
"What?!" Iritableng sagot niya.
"May nakalimutan ako sayo." Sabi niya sabay lapit samin.
"Ano na naman ba?" -David.
"Siya." Sabay turo sakin at hinablot ako. Nasubsob ako sa may dibdib niya kaya naman para itong nakayakap sakin.
"Saka na tayo mag-usap Leah. Kailangan na namin umalis ni Yra." Sabay kaladkad sakin ni Jin.
Nakaramdam ako ng saya sa ginawa. Akala ko si Leah... Pero bakit ako?
"B-Bakit hindi ka sumama kay Leah?' Tanong ko.
"Ayoko naman na pabayaan kita sa David na yun no." Sabi niya tsaka pumara ng taxi at sumakay na.
"Eh paano si Leah? Kasama niya rin naman si David." Tanong ko ulit.
"Ayoko din naman na kasama niya yung David na yun. Sino ba naman may gusto na ang taong mahal nila eh may kasamang iba. Wala naman diba? Wala lang talaga akong choice ngayon." Paliwanag niya.
"Walang choice? Sana pinabayaan mo na lang ako kay David at kinausap mo na lang si Leah diba? Cha--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.
"Bakit ba David ka ng David?! Gusto mo talagang makasama yung gagong yun no?!" Inis na sabi niya.
"Hindi no!" Pagtanggi ko.
"Edi tumahimik ka na lang jan!" Masungit na sabi niya.
"Sungit." Bulong ko. Pero hindi ko pa rin mapigilan hindi mapangiti dahil sa ginawa niya kanina.
Pagdating ko sa room ay agad naman akong nilapitan ni Leah.
"Yra pwede ka bang makausap?" Tanong niya.
"Sure." Sabi ko. Sumama na lang ako sa kanya at nagpunta sa labas ng room.
"Nakipaghiwalay na ako kay Jin." Sabi niya sakin.
"Dahil kay David?" Walang kagatol-gatol na sabi ko.
"Mahal ko na si David." Sabi niya sakin. Mahal agad? Ilang araw pa lang sila magkakilala ah.
"Mahal? Nahihibang kana ba Leah?!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Mahal mo pa ba si Jin?" Tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot.
"Wala na kayo diba? So sa akin na lang siya." Matapang na sabi ko sa kanya. Alam kong pangit na patulan ang ex ng kaibigan mo pero wala na akong choice.
"W-What?" Gulat na gulat na tanong niya.
"Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sayo. Ilang beses ko bang sinabi sayo na may boyfriend ka pero hindi mo ako pinansin. Alam mo bang madaming mapanghusga sa paligid pero tinuloy mo pa rin. Nakikipagkita ka kay David samantalang kayo ni Jin sa palagay mo ba tama yun? Hindi! Sinasabi ko sayo 'to para matauhan ka Leah." Mahabang linataya ko sa kanya.
"Mahal mo si David diba? Okay sige. Pero hindi mo na makukuha sakin si Jin." Matapang na sagot ko at umalis sa harapan niya.
Tinext ko agad si Jin na sunduin ako sa room.
"Sigurado ka na ba?" Nabigla naman ako sa biglang pagsulpot ni PJ sa tabi ko.
"Letse! Pwede bang wag kang manggulat." Sabi ko sa kanya. Aatakihin ako dito.
"Nakita ko kayong magkayakap ni Jin sa apartment ni Precious narinig ko din ang pag-uusap niyo ni Leah kanina." Sabi niya. Napakatsismoso talaga ng lalaking 'to.
"Kinocomfort ko lang Jin nun kaya niyakap ko siya at yung kanina gusto ko lang matauhan si Leah. Alam ko naman na si Jin pa rin ang mahal niya, naguguluhan lang siya ngayon dahil yun kay David. Letse talaga yung lalaking yun!" Nakakainis talaga si David!
"Siguraduhin mo lang na sa gagawin mong desisyon ay pare-parehas kayong magiging masaya baka kasi sila masaya na at ikaw naiwang luhaan." Sabi niya umalis na sa tabihan ko.
Nakatingin lang ako kay PJ ng puno ng pagtataka.
Ano daw?
Gusto ko lang matapos na 'to. Kapag naging okay na sina Jin at Leah ay okay na ang lahat ganun lang naman ang gusto kong mangyari simula pa lang.
Minsan talaga napakaweird ni PJ.
VOTE AND COMMENT.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang
Teen FictionAng gusto ko lang naman ay ang tulungan siya. Tulungan na magkabalikan sila. Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana... Pinigilan kong magkagusto sa kanya pero sadyang makulit ang puso ko at nagkagusto ako sa boyfriend ng kaibigan ko. --Yra She was...