Chapter 2: New Classmate

Start from the beginning
                                    

Nanlaki ang mata ko sinabi ni kuya, di naman sa ayaw ko pero nabigla lang talaga ako kasi nga matagal na rin ako sa School na yun kahit na maraming Demunyo ang nang aaral doon.

"Seryoso kuya?"

"Oo." Maigsi nyang sagot.

Tumahimik nalang ako, at seryoso namang nag drive si kuya medyo malapit narin kami makarating sa School ko.

"Ang bigat mo!" Reklamo nya, agad naman akong nainis.

"Kuya naman eh, nang aasar kananaman." Ani ko.

"Magpapayat ka na Baby Piggy." saad nya, di ko nalang siya sinagot dahil wala talaga akong plano sa buhay ko na magpapayat, kahit naman siguro na magpapayat ako manghuhusga parin sila sakin.

Hays!

Maya maya pa nakarating narin kami sa School, agad nyang pinark sa tabi ang kotse nya.

"Di na ako baba, bye baby piggy!" Masaya nyang sabi.

Sinuklian ko nalang siya ng ngiti, maya maya pa bumaba narin ako.

Pagkababa ko umalis narin si kuya, sandali ko munang tinignan ang relo ko, Medyo maaga pa.

Naglakad na ako patungo sa Gate, habang naglalakad ako di ko parin maiwasang di tignan ang pailigid ko, pagkatingin ko di na ako nabigla sa mga reactions nila tuwing dadaan ako.

Pinili kung di nalang yun pansinin.

Nagpatuloy nalang ulit ako sa aking paglalakad patungo sa Room ko, medyo malayo ang Building ko kaya naman medyo malalaking hakbang na ang isinasagawa ko.

Maya maya pa, nagulat nalang ako nang may biglang bumangga sa akin na sobrang tangkad na lalaki!

Nahulog lahat ng dala kung aklat!

"Stupid." Ani nya, hinarap ko naman agad siya.

Nagulat ako nang makita ko ang mukha ng lalaking bumangga sa akin dahil sobrang gwapo nya! Sobra! pero teka bago ko lang siya nakita dito?

Siguro transferee.

"Ano pang ginagawa mo dyan?! Damputin mo na ang gamit mo!" Sigaw nya sa mismong mukha ko.

Ang bango nya kasama na ang hininga nya, nakakaakit.

Sinampal ko ang sarili ko. Umayos ka Monica!

"Ano kamo?! Ikaw kaya ang bumangga sa akin tapos ngayon ako pa ang padadampotin mo sa mismong gamit ko?! Ikaw nga dapat ang dumampot nyan!" Sigaw ko, tumingin naman agad ako sa paligid ko, laking swerte ko lang dahil walang tao.

"Ang daming sinasabi, damputin mo nalang!" Ani nya, nainjs naman ako sa sinabi nya.

Napaka ungentleman naman ng lalaki nato.

"Tsee!" Ani ko, wala na akong nagawa kundi damputin ang gamit ko.

Pagkatapos kung dampotin nagulat nalang ako nang bigla syang ngumisi.

"B-bakit?" Kabadong sabi ko, parang iba kasi ang tingin nya lalo't nang ngumisi pa siya.

"Nice undies." Ani nya.

Agad naman akong nagulat.

Ano?! Nakita nya?! Wtf?! Nakakahiyaaa!!

"Manyakis!" Sigaw ko.

Ngumiti naman siya sakin bago magsalita."Di ko na kasalanan na yumuko ka nang patalikod sa mismong harap ko."

"Kahit na!" Sigaw ko nanaman.

Ms. Piggy to Ms. Sexy (slow update)Where stories live. Discover now