Chapter XXXXII. The Evil King

Start from the beginning
                                    

At wala pa ngang isang minuto nang magpatay-sindi na ang ilaw sa center stage, hudyat na mag-uumpisa na ang hinihintay ng lahat.

Nasa isang teatro kami ngayon at nakaupo sa ikalawang palapag, pababa kaming nakatingin sa Master of Ceremonies na may makulay na suot na maskara.

Kung hindi sanay ang dadalo sa mga ganitong gathering, siguradong matatakot ang kung sino sa mga itsura ng mga taong nandito ngayon. Lahat ay nakamaskara at magagara ang kasuotan, ang iba pa nga ay parang balat ng hayop ang suot o tao.

 Lahat ay nakamaskara at magagara ang kasuotan, ang iba pa nga ay parang balat ng hayop ang suot o tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ito ang totoong itsura ng mga mayayamang tinitingala ng karamihan. Nagpapataasan ng antas ng mga kagamitan at kasuotang hindi makikita o mabibili sa kung saan. Mas rare, mas maganda.

Sa totoo lang, hindi na sila mukhang tao.

Nagsimula na ang palabas, inilabas na ng MC ang unang present.

Isang pares ng mata na ang iris ay kulay ginto.

Napakaganda.

Nagbigay muna ang MC ng maiksing deskripsyon para sa nasabing present at matapos no'n ay kaagad na nagpalitan ng numero o presyo ang bawat nandito para lamang makuha ang pares ng gintong mga mata.

Nakakatuwa kung paanong mabaliw ang lahat para lamang makuha ang isang walang kakwenta-kwentang bagay. Kung paanong maglustay sila ng pera para lamang sa isang disenyo sa kanilang mga tahanan.

Ito ang gathering na sinasalihan namin. Black Market o Underground Auction kung tawagin pa ng gobyerno.

Pero natahimik ang lahat nang magsalita ang isang babae, "One hundred million." direkta niyang sambit.

Inulit ng MC ang sinabi niyang presyo at no'ng wala ng kumontra ay napunta nga sa kaniya ang present.

Isang daang milyon para lamang sa isang pares ng mata?

Pambihira talaga ang takbo ng utak ng mga tao.

Dahil sa perang inilabas niya ay kaagad na pinagbulong-bulungan siya.

"Ngayon ko lang nakita ang isang 'yan."

"Kaninong angkan 'yan?"

"Baka representative lang o baka Runner."

Tulad nila ay nakuha rin niya ang atensyon ko hindi dahil sa yaman na taglay niya kung 'di dahil alam kong kaedaran ko lang siya.

Hindi siya nakamaskara bagkus ay binago niya ang itsura niya sa pamamagitan ng mga palamuti sa mukha at makulay na kolorete.

Nagmukha tuloy siyang isang life-size na manika, napakaganda.

Nagmukha tuloy siyang isang life-size na manika, napakaganda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hail Academy: High School of HellWhere stories live. Discover now