"Dyan ka na lang uupo, Pol?!" - tanong ni Pat
"Oo sana" sagot ko sabay ngiti
Dito naman lagi ako naupo sa pagkakatanda ko kaya hindi ko alam kung bakit niya pa ako tinatanong napaka weird.
"Hoy Pol! Ba't ka nandyan?!" matawa tawang sigaw ni Geraldine
Siya yung seatmate ko sa isang subject na alphabetically arrange, may kakulitan din siya pero mas brainy pa sakin tho wala ata ako brain.
"Oo nga" - sigaw ni Joven
Tawang tawa si Joven sa pangyayari, pero mas concern pa ata ako sa mangyayari sa kanya parang makakalas sa tawa niya e
"Bakit?" - mangiti ngiting sambit ni Jessa
Hindi ko alam pero habang tumatagal papalapit siya sa bangkuang inuupuan ko, tatanungin niya kaya ako? o may something fishy nanaman na magaganap?
"Dyan nakaupo si Jessa" bulong ni Lawrence
Alam mo yung tayong walang tunog at yapak ng mga pusa? Feeling ko ganun na ganun yung nagawa ko papalabas ng upuang yun
"Okay magsipag upo na magsisimula na tayo ... oy ikaw san ka galing?" - sambit ni mam
Nginitian ko siya habang dahan dahang bumabalik sa dapat na upuan ko, medyo naiinis kasi yung mga katabi ko mga ngising tagumpay e
"Maaga tayong magdidismiss ngayon kasi medyo masama ang panahon" - sambit niya
"Halaaaaaaa" - reaksyon ng mga plastik kong kaklase
Bibo niyo ah
Yung tipong mag 4 pm palang pero yung dilim ng kalangitan pang 4 am? oy ano? tsaka konti nalang malapit ng mag rotate samin yung resitation di pa naman ako nag aral.
"Dr. Mr. Gom-..."
*Tunog ng kidlat*
Feeling ko may nag hahalusinate na sa loob ng room nung narinig yung kidlat e, ang ooa masyado kala mo di mahal ng taong mahal nila e.
"Pag sinuswerte ka nga naman" - sambit ko
Basang basa akong nakasabit sa jeep sobrang sarap maligo este hirap sumakay pero dahil lalaki naman ako kaya nakakasabit kahit paano.
"Nay, tuwalya nga paabot!" - sigaw ko
"Asan ba yung payong mo?" - tanong niya
Marami kaming magkakapatid sa bahay kaya hindi maiiwasan yung favoritism kaya mas kinakamusta niya pa si kapatid na payong
"Pinahiram ko!" sagot ko habang ngumingisi
Pinahiram ko muna yung payong ko kay Renzhime kasi medyo ambon lang nung bago kami maghiwalay, hindi ko naman inaasahan na babagsak siya pagkababa ko ng jeep papunta samin.
"Hay Nako!, Tignan mo kung may nabasa sa bag mo" - sambit niya
Himalang hindi gaanong basa yung loob siguro dahil niyakap ko to habang tinatakbo yung ulan kaya konti lang yung nabasa, mga iilang xerox at yung sulat na para kay Jessa.
"Wala namang nabasa gaano?" -tanong niya pa
"Wala naman, Nay" -sagot ko
Nagawan panng paraan yung mga handouts ko at gilid ng notebooks ko pero hindi na masasalba pa yung mga letra sa liham na ginawa ko, kalat kalat na yung tinta kaya hindi na yun mababasa kahit matuyo.
"Kaya ko naman gumawa ng bago nito" bulong ko
Tatoo
*Hindi alam kung saan magsisimula
marapat nga bang idaan sa isang tula
Susubukan nga bang hamakin ang lahat
Peklat na di magagamot at nanunumbat
direkta sa puso at sadyang tinatak*
Mukhang malabo atang mapaganda ko pa ang mga tulang ginagawa ko, parang wala na kasi doon yung pinaka punto parang salita na pinipilit ko lang pagsama samahin, ano nanga kaya ang kulang dito?
"Ginagawa mo jan?!" - tanong ng kuya ko
"Assignment sa Sociology!" - sagot ko
Hindi ko alam kung kapanipaniwala pa yujg pag poker face pero isa lang ang tiyak ko AYOKO NA GUMAWA SA BAHAY bahala kayo diyan sa school lang talaga dapat, creepy
BINABASA MO ANG
Bakit ba ikaw?
RomanceThis is my first and eventually my last story , so I will try all I've got . All the characters are still living ,not so sure though, they were close to me . I hope you enjoy and have faith.
BBI-7
Magsimula sa umpisa