"For Father Markus..." sabi ni Hannah.
For Father Markus. Ulit ng lahat.
At naglakad silang lahat tungo sa entrance ng belfry tower.
#
"Sir bishop, sino ulit hinahanap natin?" tanong ng isang security guard.
At least, pinauna nila ang dalawang security guards paakyat ng paikot na staircase ng belfry tower—sila'y mga pawang nasa kanilang early 30s at armado ng .38 at isang shotgun. Sa likuran nila, sa isang hilera, ay sina Bishop Israel, Father Paul, Jules, Hannah, Dr. Pontificano, Mayor at Father Deng.
"Isa sa mga pari ng simbahan," sabi ni Bishop Israel sa mga sikyo, mindful na hindi muna sabihin sa kanila ang tutoo. "And remember, don't shoot, understand?"
Tumango ang dalawang sikyo at nagpatuloy sila sa pagakyat. Mataas ang belfry tower at nang tumingin pababa si Father Deng sa bukas na stairwell ay napalunok at nalula. Mataas ang lalagpakan at tiyak na patay ang mahuhulog dito.
"Des es bad juju..." sabi ng Aprikano.
Napahinto sila sa paglalalakd nang sila'y magulat at muntik pang kalabitin ng mga sikyo ang mga baril nila nang biglang may lumipad pababa na ibon—isang maya. At ito'y lumagpak sa paanan ni Father Deng. Nang kanyang pulutin ito'y nakita niyang patay na ito. Nanlalaking mga matang ipinakita ito ng Aprikano sa iba.
Maya-maya'y nagbagkasan pa ang ibang mga ibon galing sa itaas. Ang iba'y lumagpak sa kanilang dinaraanan, ang iba'y pababa sa butas ng stairwell. Lahat ng ibon ay pawang nalagutan ng mga hininga.
Nagkatinginan silang lahat. Walang duda na nasa itaas nga si Father Markus.
At nang makarating nga sila sa itaas ay nakita nila ang pari na nakatayo sa may bintana ng tower at nakamasid sa labas. Nakatalikod sa kanila, siya'y naiilawan ng buwan at may mahinang outline ng liwanag ang kanyang katauhan.
"Markus..." tawag ni Bishop Israel.
Hindi sumagot ang pari. Sa likuran, ang iba'y sagad ang nerbiyos.
"Father..." tawag naman ni Father Paul.
Nang marinig ang boses ng paring taga-Daigdigan ay saka nag-react si Father Markus.
"Brother Paul..."
"A-ako nga," sabi ni Father Paul.
Sumide-view si Father Markus at nakita nila na parang may-inaamoy ito. Parang may na-sense.
"May nagbago sa iyo," sabi niya.
"Na-ordain na ako, father," sabi ni Father Paul.
Ngumiti si Father Markus.
"Ah...tatlong pari..." sabi niya.
At siya'y humarap sa kanila at natungyahan ang kanyang kagila-gilalas na hitsura. Nang makita siya ng dalawang security guards ay nanlaking mga mata nila, at agad nilang tinutok ang mga baril.
"Don't shoot!" sigaw ni Bishop Israel.
Nguni't, sa takot ng isang security guard ay pinutok niyang kanyang .38 na baril. Muntik na si Father Markus, ang bala'y lumipad sa may uluhan niya at tumama sa pader.
BINABASA MO ANG
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo
HorrorSa ikatlong libro ng serye, mahaharap ang JHS--ang grupo ng paranormal experts na kinabibilangan ng isang exorcist, psychic at parapsychologist sa isang kaso ng demonic possession na hindi nila kailanman inaasahang mangyayari. Ito ang epic na konkl...
Chapter 30: The Bells
Magsimula sa umpisa