"I meant to surprise you, Gab. When you said that you will go home without me, I found my chance to do this." Bungad niya.
"Do what?"
Lumuhod si Uno matapos ilabas ang maliit na kahon na may singsing. DAAAAMMMMMIIIIIT. Binugbog ko na siya tapos... Waaah. Diretsong tumulo ang mga luha ko habang sinasalubong ang titig niya.
"Gabriella Lacsamana, will you be my girlfriend?"
Tumalikod ako sa kanya habang humihikbi. Ang tanga ko talaga!
"Gab?"
Lumingon ako sa kanya na nakaluhod parin.
"I'm sorry—"
"Gabriella, please say yes. I love you baby."
"I mean... I'm sorry kung paranoid ako. Uno, oo. Yes na Yes."
"Yes?"
Tumango ako. Hinayaan ko si Uno na isuot sa'kin ang singsing. Napanguso ako nang makita ang namumula niyang pisngi. May marka do'n ng kamay ko e.
"Don't cry now, baby Gab. I will never cheat on you. Mahal na mahal kita."Aniya nang hawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Sorry ulit. Ikaw kasi e. Ba't ka pa nagtatanong kay Dos kung paano manligaw? Para kang timang!"
"Wait. My brother told you?"
"No, jerk! Nando'n ako nang mag-usap kayo! Akala ko tuloy, may babae kang nililigawan. Nakakainis ka talaga! Tsk."
Ang mokong, ngumiti lang. Nakakatuwa bang mabugbog dahil sa maling akala? Tsk.
"Sorry. Lagyan natin ng cream 'yang mukha mo—"
"Ssh. We can do that later." Hirit niya saka hinila ako para yakapin. "What did you do to me, Gabriella? You're driving me crazy each damn day."
"Uno." Tawag kong nagpatitig sa kanya sa'kin. Humugot ako ng lakas na loob. "Uno, I love you."
His face glowed when he smiled. Gently, Uno kissed me on the forehead.
"This time for real, Gabriella. No more breakup. No more packing-up. No more leaving out of my door. No more fights."
"Yes. Yes, Uno."
"And please no more harrassment, papangit ang future-husband mo niyan. Ang sakit mong mangbugbog." Tumawa siya kaya tumawa narin ako.
Walang mapagsisidlan ng saya ang puso ko na nasasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Para akong nakalutang sa ulap ngayong alam ko na kung ano at sino kami sa buhay ng isa't isa.
Nilalagyan ko ng cream ang pantal sa mukha ni Uno dala ng pananampal at pangbubugbog ko kanina. Habang nakahawak sa pisngi niya ay napatitig ako sa mga mata niyang ang lalim sisidin.
"Do I still look perfect to you, Gabriella?" Umirap ako sa napaka-hangin niyang tanong.
"Alam mo Uno, napapaisip ako. Bakit kahit nakakainis ka, kahit napaka-epal mo, kahit asungot ka, ang dali-dali mong mahalin?"
"May sagot na ba sa tanong na 'yan?"
Umiling ako. "Wala. Hindi ko naman kailangan ng sagot e. Mahal kita, walang bakit at paano na karugtong. Mahal kita, Uno."
"Gab?"
"Yes po, mahal ko?"
"Kung magpakasal na kaya tayo?" Tanong niyang nagpalaki ng mata ko.
"Kasal agad, Uno?" Napaatras pa ako. Paki niyo kung overacting ako? XD
"Ayokong maunahan e. Sanay kasi akong ako ang nauuna at ako ang nag-iisa," Sagot niya sabay kindat.
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.
17. No More-
Magsimula sa umpisa