Chapter 1: They Meet by Chance - Part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

 ----

“Riza can you come here please” sabi ng boss namin.

“Yes po sir?”

“Alam mo kasi… Kung pwede sana magpautos ako sayo” bigla ko naman naisip ang sinabi sa akin ni Nicole kagabi. Tinignan ko si Nicole at umiling ito, sign na dapat hindi ako pumayag sa utos ni Sir. Kailangan ko na kasi sanayin sarili ko daw.

“Ah… kasi alam nyo po Sir Edmond. Gusto ko po sana kayong tulungan kaso sobrang busy pa po ako ngayon eh. Masyado po kasing maraming ginagawa. Sorry po talaga” sabi ko. Nakita ko naman na medyo naupset ang mukha ni Sir.

“Tiisin mo ito Riza. Kailangan mong tumanggi. Kaya mo iyan” sabi ko sa isipan ko.

“Ah. Ganoon ba. Nakakalungkot naman kasi para sana sa mga anak ko iyong ipapabili ko.” sabi ni boss kasabay ang pagsimangot ng mukha nito. 

“Umm. Sige po Sir ako nalang po bibili. Pwede naman po ulit ako magovertime” sabi ko. Hindi ko kasi talaga matiis eh.

“Salamat talaga Riza. Maa-asahan ka talaga. Ito ang mga kailangan mong bilhin” sabay bigay sa akin ng listahan.

Tumingin ako kay Nicole at umiling nalang ito at naglakad papunta sa desk nya.

----

HELLO! WELCOME TO CANDY WORLD MAAM

Kasalukuyan akong namimili ng mga candies na pinapabili sa akin ni Sir Edmond.  Ang cute naman sa candy shop na ito. Pink ang kulay ng building at makukulay na candies ang nakikita ko. May tatlong mga babae na naka-costume pa na parang fairies in pink color din.

"Alam mo ba na binigay itong Love-Love candy na ito ng boyfriend ko sa akin nung nanligaw sya sa akin. Napa-oo pa nga ako ng hindi ko alam eh. Pero hindi ko sya gusto ng mga araw pa na iyon" sabi ng isang babae habang hawak-hawak ang isang heart-shape na lollipop sa isang babae na mukhang nagtatrabaho sa candy shop na ito dahil naka costume din sya. 

“Wow. Ang dami naman po ng binili ninyo Maam. Dahil dyan ay may libre po kayo na cherry pink. Famous po ito as Love-Love candy” sabi sa akin ng isang babae na nasa cashier. Ang wcute naman ng name ng candy na ito at cute din ang itsura.

“Salamat”

“Sikat po yang candy na iyan dito. Iyan po kasi ang mga binibigay ng mga tao sa taong nililigawan nila, at nagtatagumpay sila sa pangliligaw” paliwanag ni ateng cashier.

“Ah. Salamat po ulit. Hehe” sabi ko. Kanino ko naman ito ibibigay? Eh wala naman akong liligawan eh. Bahala na, ako nalang kakain nito Hehe.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng shop ay biglang nagring ang phone ko.

1 Message received

From: Nicole

Riza pakidalian na daw sabi ni Sir Edmond. Magbubunutan na daw kasi ng raffle para sa mananalo papuntang Macau. ‘Di ba anniversary ngayon ng company? 20 minutes nalang daw. Hurry roomie!

Naku! Magbubunutan na pala ng raffle after 20 minutes. Kailangan ko nang magmadali.

Tumatakbo ako ngayon habang bitbit-bitbit ko ang basket na laman ay mga candy. Kailanagn ko na kasi magmadali. Sa sobrang bilis ng pagkakatakbo ko ay bumangga ako sa dalawang bata na may dala-dalang dalawang box na may lamang maliliit na bola.

Tumapon ang mga bola sa daan at naapakan ko isa sa mga iyon, dahilan para mawalan ako ng balance. Gumugulong lang ang mga bola sa sahig at pati rin ako.

Maya maya ay may isang lalaki na paparating sa harapan. Bigla naman itong huminto nang makita nya ako. Bumunggo ako sa kanya dahilan para mabitawan ko ang mga binili kong mga candy.

“My ring!” sabi nito

“Mga candies ko!” sabi ko naman.

You're My Destiny (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon