Falling for you?

Magsimula sa umpisa
                                    

May business trip kasi sila Dad, eh kailangan ko daw sumama kasi ako daw, ang maghahandle ng company pagka graduate ko.” Sabi niya.

Ilang araw kayo dun?” tanong ko ulit.

Almost 1 month daw.” Nakasimangot niyang sabi. 

Aww, ang tagal naman. Di bale babalik ka naman diba?” ngiti kong sabi.

Oo naman! Ako pa! Ayoko ngang makita yung bestfriend ko na mag-isa nalang palagi!” sabay tawa namin.

Mamimiss kita bestfriend!” - Maki

Ako din!” mamimiss tlga kita! Gsto kita eh! TT_TT

Tawanan lang kami ng tawanan dun hangang sa mapansin namin na 5 na pala ng hapon.

Cha, hapon na pala. Mag-iimpake pa ako ng gamit ko. Tara na?

Ah, cge tara na.!” Sabay hila ko kay Maki.

Eto ako ngayon nag-iisa, naglalakbay sa gitna ng dilim, lagi nalang ako nadarapa. Teka nga! Napapakanta na ako eh. Almost 1 week na simula nung umalis si Maki. 

Lagi na naman akong mag-isa dito sa ilalim ng puno habang kumakain. Malapit na pala yung Math Quiz Bee. 

Oo, namove yung schedule kasi naging busy daw yung mga administrator nung event. Kaya eto ako naglalakad papunta sa study room namin ni Daniel.

Napaaga ata yung punta ko, wala pa kasi si Sir Chu. Hayaan ko na nga, dito nalang muna ako, hihintayin ko nalang sila. 

Biglang may pumasok sa pinto.

Psh, si Daniel lang pala! Dedma mo lang Cha, wag mong pansinin. 

Naglakad papunta sa table si Daniel, ako naman may nakitang bote ng tubig sa may pintuan, ang galing naman nung nagtapon nun dito.

Pinulot ko tas tinapon ko sa basurahan.

Kaso nagulat ako nung biglang bumagsak sa sahig si Daniel.

Hay nako! Kung plano mo na naman pagtripan ako, tumigil ka na!” sigaw ko sakanya.

Hindi siya sumasagot, nilapitan ko siya, nanginginig si Daniel! 

Ang l-l-lamig!” Sigaw ni Daniel habang nangangatog.

Kinapa ko yung noo niya, inaapoy siya ng lagnat! Ano ba naman tong lalaking to! May lagnat na pumasok parin! 

Daniel, teka lang ahh. Tatawag lang ako ng tulong sa labas.” 

Aalis na sana ako kaso hinila niya ako bigla. Napayakap ako sakanya. 

Biglang bumilis tibok ng puso ko. H-hindi! Kinakabahan lang ako, Oo tama kinakabahan lang ako! 

D-dito ka muna. W-wag mo akong i-iwan K-kath.” Sabi niya habang nauutal.

D-daniel hindi ako si Kath. Bitawan mo na ako.” Sabi ko.

K-kath alam kong ikaw yan, wag mo na ulit akong iwan. Please?” 

Pagmamakaawa niya, sino ba si Kath?

Nakayakap sakin si Daniel, hinayaan ko na lang muna. Di ko namalayan nakatulog na pala ako. 

Hmmm, ang sarap matulog. Ang bango ng unan ko.

Huy, *poke* *poke*!”

Ano ba, natutulog pa ako!” padabog kong sabi.

Ako'y Sayo at Ika'y Akin (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon