Chapter 60 Tactless Genius

Start from the beginning
                                    

"Dean Raymundo will be watching and he's one of the panelists, he asked to use the auditorium." paliwanag ni Dad habang tinutunton namin ang daan papunta roon.

'Maganda sana kung kasama din namin si Fhilea!' anang utak ko na alam kong impossible dahil may klase siya ng ganitong oras.

Maya maya pa ay narating namin ang Auditorium at hindi nga ako nagkamali na nandito rin si Clifford. Namataan ko siyang nakaupo sa hilera ng grupo ng kuya niya sa bandang kanan. Tatawagin ko sana ito ng sakto naman itong napatingin sa akin kaya agad ko itong kinawayan.

Sinenyasan ko ito na sa tabi ko na lamang maupo isang row ang layo mula sa unahan malapit kala Dad.

"You didn't tell me you'll be here di sana sinamahan na kita kanina. Dipa pala maguumpisa to!" angal nito ng makaupo sa tabi ko. Habol ang tingin kong tiningnan si Dad na naupo naman sa gitna ng hilera ng mga panelists.

"Dad invited me." simpleng sagot ko na hindi man lang ito nilingon.

Sa harap ng stage ay may dalawang stand na kinapapatungan ng mikropono. Dito na marahil pupwesto ang dalawang magdedebate mamaya-maya lamang. Sa may kanan namin banda ang mga panelists at mukhang may hinihintay pa ang mga ito. May bakante pang upuan sa may kanan ni Dad at sigurado akong si Dean Raymundo na lamang ang hinihintay.

Nilibot ko ang paningin at pansin na medyo marami na ang mga estudyante ang naririto para manuod.

This happens to be an open debate. Lahat open magtanong. Lahat pwedeng manuod as long na gusto mo. It actually happens every year for all graduating students. Dad normally invites me to watch this, nangyari lamang na ngayon lang ako nanunuod dahil may makakasama ako.

"What's her score?" tanong ng nasa gilid ko. Agad akong napalingon dito at ngumiti. Sa ganun pa lang na reaksyon ko ay mukhang alam na nito ang sagot dahil napangisi na lamang din ito.

"I told you." tanging sagot lamang nito sa tonong nagmamalaki. Pinagtalunan kasi namin ang pagbibigay ng notes kay Fhilea. Pinagpipilitan niya na hindi naman daw ito kakailanganin ni Fhilea dahil kasing level naman daw ni Einstein ang brain cells nito. Hindi rin naman kasi tinanggihan ng babae ang notes kaya binigay ko na.

Ilang sandali pa ay dumating na ang Director na siya ring Dean ng school na si Hector Raymundo. Isa sa matalik na kaibigan ni Dad at isa din sa mga ninong ko. This old man is tyrant. Meticulous and detailed. Now I'm starting to feel bad for the students na pakikinggan niya.

Mang oscar will still be the host of the activity. It's a good thing na magaling itong magsalita kaya ginagawa nadin siyang speaker ng lahat ng activity sa school. Tahimik naming pinanuod ni Clifford ang lahat ng nangyayari sa unahan.

Pinakilala ang dalawang estudyante na mag de-debate sa gitna. A political science graduating student and one mastering BS education. Hindi ko alam kung tama bang pagtapatin sila pero dumadagdag ito sa kuryusidad ko.

Maya maya pa ay ina-nounce na maguumpisa na ang debate. Tungkol sa pagpapatupad ng Martial Law ang unang paksa. Bawat estudyante ay may tatlong minuto para ibigay ang kanilang mga opinyon na matatapos lamang sa desisyon ng mga panelist kung iibahin ang susunod na paksa.

I don't know why but I don't really understand what they're saying. Yung tipong naririnig ko sila pero hindi ko iniintindi lahat ng sinasabi ng mga ito.

"This is boring!" ungot ni Clifford habang nanunuod sa mga nagsasalita sa unahan. Natawa ako sa naging reklamo niya kaya sinang-ayunan ko na lamang ito.

"It is. Do you really need to watch this?" takang tanong ko sa kaniya.

"Unfortunately. This is graded." singit na sagot ng kaniyang kuya na hindi namin namalayan na nasa likuran na namin nakaupo.

LOVELY MESSWhere stories live. Discover now