Taming Wind Chapter 2

Magsimula sa umpisa
                                    

Humarap sa kanya ang dalagang nakahawak sa doorknob. "Of course. After all, kung magiging miyembro ako ng team mo..."

"Didn't you understand me? I said, no already," aniya.

"Oh. At akala mo, I already gave up?"

"Hindi pabago-bago ang isip ko, Ms. Buena," sabi niya.

"I know. Pero, Mr. de la Cuesta, hindi rin ako madaling sumuko. I guess I would just need to find a better way to convince you, hindi ba?"

Isinarado nito ang pintuan bago pa siya nakapagsalita.

He figured, isa lang itong spoiled brat na nakaisip na exciting para rito ang isang bagay kaya ginusto iyon. Magsasawa rin ito.

Mali na naman siya.


Nasa company party siya sa isang five star hotel sa Makati nang mapansin niyang papalapit sa kanya ang isang napakagandang babae. Naka-figure hugging ito na damit na nagpapakita ng isang mahugis na katawan at pagkahaba-habang pares ng mahugis ding mga binti. Lalo pang pinaganda ang legs nito ng napakataas na stiletto sandals na suot. Noong una ay inakala niyang isa lang ito sa mga bisita ng daddy niya pero nang makalapit ito ay ngumiti ito sa kanya.

"Hi, Adam," sabi nito.

Nakilala niya agad kung sino ito sa kabila ng sobrang laki ng ipinagbago ng hitsura. Umupo ito sa tabi niya at bahagyang nag-lean forward para bigyan siya ng view ng perpektong cleavage nito. "I did my research. Maybe I would never be as sexy as the girl in Boracay or as beautiful as the half-Egyptian princess pero gusto ko lang ipakita sa iyo na hindi naman siguro ako pangit para hindi makapasa sa profile na sinasabi mo."

No. Hindi pangit ang babae sa harapan niya. In fact, the man in him was responding to her in ways na hindi niya naramdaman sa dalawang babaeng nire-recruit niya at nabanggit nito. He tried to ignore that response sa pamamagitan ng lalong pagseseryoso.

"Research? You mean you stalked me again."

Hindi man lang ito nagpakita ng discomfort sa akusasyon niya. "Maybe," sa halip ay tugon nito.

"Camille, beauty is just one part of it, okay?"

"Bakit ba ayaw mo sa akin? Dahil hindi ako pinabayaan ng mga magulang ko o dahil hindi ako lumaking outcast sa school na pinasukan ko?" Tanong nito na nagpatunay na marami nga itong nalalaman sa ginagawa niyang recruitment.

"Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo and you know that. But if you are interested na malaman kung ano talaga ang iniisip ko, my answer is still, no."

Tumayo siya para iwan na ito. Tumayo din ito at humawak sa braso niya. Maybe because nang umupo pa lang ito sa harapan niya ay iniisip na niya kung anong pakiramdam ng hawakan ito. Nabigla pa siya sa pakiramdam ng hawak nito.

"Why don't you want me?" Tanong nito.

Her lips looked moist and her eyes were smoky under the lights. Her touch burnt against his suit and he could smell her perfume. Masyadong malapit ang katawan nito sa kanya.

Mali si Camille. He wanted her alright. Pero hindi para sa ELEMENTS ang nararamdaman niyang pagkagusto rito nang sandaling iyon.

A part of his brain told him na dagdag rason pa iyon kung bakit hindi niya ito puwedeng i-consider.

He closed his eyes and when he opened them again, his gaze at her was cool and calculated. "Camille, I am looking for women who are not only extraordinarily beautiful. I need them to be extremely intelligent and skillful as well. Ang girls ng ELEMENTS ay kinakailangang gifted physically and intellectually. Ang hinahanap kong miyembro ng team na ito ay mga babaeng may kanya-kanyang specific skills na maari kong pagsimulan when I begin training them. I can't work with daddy's little sweetheart na naghahanap lang ng excitement dahil naibigay na sa kanya ang lahat at sawa na siya sa mga iyon. At lalong hindi sa isang spoiled brat na hindi marunong makinig sa salitang hindi puwede."

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon