Natigilan ako habang nakatitig sa kanya at dun ko lang napansin na nakangiti pala siya. Pa'no niya…

"Nalaman?" Tapos niya. "Aya, hindi mo mareresolba ang isang problema gamit ang isa pang problema."

"Huh. Eh nakakagulat naman po kasi 'di ba na may telekinesis kayo?" Sarcastic yata ang pagkakasabi ko. Sumulyap ulit sakin si Sir pero ang ekspresyon niya ngayon eh 'di mawari kung nagtataka, natatawa, o natatae. Tumingin na ulit siya sa daan.

"Telekinesis." Ulit niya sa sinabi ko pero parang natatawa siya sa idea na yun. "Nakita kita kagabi sa Chapel. Ano naman ang tawag dun?" Pang-aasar niya.

"Stalking." Sagot ko sa tono na parang 'obvious ba?'

"Eh nung tinulungan kita at iniuwi kita sa inyo pagkatapos mong mawalan ng malay? Ano naman yun? Pakialemero?"

"Teka, teka, teka! Ikaw? Ikaw ang tumulong sakin?!"

"Opo…" Dahan-dahan niya itong binigkas na para bang gusto niyang sabihin na baka nakalimutan ko itong gamitin sa kanya. "Ako nga PO ang tumulong sa'yo… PO."

Bigla 'kong nahiya. "Eh... Sorry po, Sir Kris." Tumawa siya pero buti na lang at 'di niya ko matingnan ng matagal dahil na rin sa nagmamaneho siya. "Pero pa'no po nangyari na ikaw, este, kayo po yung tumulong sakin? Taga dun din po ba kayo sa village na tinitirhan namin? Tsaka sabi sakin kanina nila Mama, nandun lang ako sa bahay kagabi hindi naman daw ako umalis, pinagtawanan pa nga nila 'ko eh, 'di daw ako marunong mag-identify kung ano ang totoo sa panaginip. Pakiramdam ko tuloy ang tanga ko. Narinig kong parang pumiyok ang boses ko pagkasabi ng dalawang huling salita.

"Hmmm…" Sabay hinga niya ng malalim. "Ang totoo, narinig kita. Humihingi ka ng tulong sakin at sa Ama natin."

Huh? Ano ba 'to si Sir? Balew balew? "Sir, no offence ah, pero question lang, nagda-drugs ka ba? Para kang adik eh." Natawa ako sa sinabi ko pero si Sir Kris, ngumiti lang at parang malayo ang isip.

"Gusto mo bang malaman kung bakit masaya ang mga taong masasaya?" Malumanay niyang sabi habang ako naman dahan-dahang nawala ang tawa. Pinunasan ko ng kamay ko ang luha na galing sa pagtawa.

"Tingin ko mayaman sila kaya masaya sila. Nasa kanila na lahat, hindi pa ba sila sasaya pag ganun? Pero saglit po, 'di niyo pa sinasagot yung tanong ko."

"Mayaman saan?" Kumunot ang noo niya.

"Sa pera. Sir, sagutin niyo na yung tanong ko."

"Pera?" Wala pa ring sagot.

"Pera, Sir. P-E-R-A, pera. Ulit ulit? Ulit ulit??" Inikot niya ulit ang manibela pakaliwa at kinabig pabalik nang nakaliko na ito. Tumawa siya sa sarili niya pagkarinig sa sinabi ko at saka umiling pagkasulyap sakin.

"Iba kasi ang pananaw ko. May ibang mga dahilan na nakakapagpasaya sa isang tao. At tingin ko…" Huminto bigla ang sasakyan at dun ko lang napansin na nasa harap na kami ng bahay namin. Bakit parang ang bilis ng byahe? Inabot ni Sir Kris ang bag niya na nakalagay sa upuan sa likod. "Saglit lang, may ibibigay ako sa'yo."

Tumango ako kahit 'di ko alam kung nakita niya 'yun o hindi. Pagkabukas ng bag, hinugot niya ang isang kakaibang papel. Kakaiba hindi dahil maraming design, para sakin kakaiba siya kasi parang luma na, 'yung tipong isang maling hawak mo magkakanda punit-punit ito.

"Oh, ito."

Kinuha ko mula sa kamay niya ang lumang papel. Tiningnan ko maigi, may nakasulat na numero mula 1 hanggang 10, pababa ito na parang nilagyan ng isang guro para sa estudyante niyang mag-eexam.

"Ano pong gagawin ko dito?" Tumingin ako kay Sir Kris pero may hinahanap pa rin siya sa bag niya.

"Isulat mo d'yan 'yung mga bagay na tingin mong pinakaimportanteng natutunan mo tungkol sa buhay. Mga aral na pwede mong magamit at maipamahagi sa iba. Punuin mo 'yan at pag napuno mo na, malalaman mo na kung ano ang dahilan ng mga taong masaya kung bakit sila masaya. At…" Sinara niya ang bag niya at sabay tingin sakin. "Sasagutin ko na ang lahat ng tanong mo. Lahat."

Si Jesus Christ Pala Ang Professor KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon