Nang nag gabi ay nag ayos na ako para sa pagtulog dahil bukas ko gagawin ang trabaho. Maybe I will go to Matthew's company and check the furnitures. Pero bago pa ako makatulog biglang tumunog cellphone ko. Unregistered number.

"Hello?" Sagot ko. Wala akong narinig na tugon tanging paghinga lang ng nasa kabilang linya ang naririnig ko.
"Hello?" Tanong ko ulit.
" 7 sharp to the Aguas Company. My driver will fetch you up. Dont be late." Nanigas ako sa boses na narinig ko. Hindi ako nakapagsalita hanggang sa narinig ko ang pagbaba nya sa tawag.

I can't be wrong! The caller is Matthew! Hinding hindi ako pwedeng magkamali! Kinabisado ko ang lahat sa kanya!

Rinig na rinig ko ang pagtambol ng puso ko. Hindi ko inaasahan ang tawag na yun. Kinaumagahan ay kinakabahan na ako simula sa paggising ko. Hindi ako mapakali. Pero nang maalala ko na bawal akong malate ay kumaripas ako ng galaw. Hindi ko alam kung bakit meron akong pakiramdam na dapat kong sundin ang mga utos nya. Para bang ako ang may kasalanan, iniwanan ko sya ng walang pasabi kaya dapat kong gawin lahat ng utos nya o gustuhin.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan. I'm wearing a red sleveless dress. Pansin ko kasi na mainit na dito sa Pilipinas. Humahapit sa katawan ko ang aking suot. Sa loob ng limang taon alam kong may pagbabago sa aking katawan. Hindi katulad ng dati mas tumangkad ako ngayon pero I'm not sure kung mauungasan ko sa tangkad si Matthew dahil alam ko kung gaano yun katangkad. Kumurba din ang aking katawan. Hindi ito yung mga katawan na pang model pero kaya namang ipagmalaki kahit papaano. Naglagay ako ng kwintas at hikaw. Nilugay ko ang aking kulot na buhok sa dulo. And I wear also my black heels.

With my confidence and my poise I walk towards the elevator and press the ground floor. I look at my wrist watch and it's already 6:30. And suddenly I felt so nervous. It's just a half hour and we will meet again! Kinuha ko sa aking bag na nakalagay sa aking braso ang aking sunglasses. Pagkabukas ng elevator ay syang pag suot ko din nito. Tahimik akong naglakad patungong entrance. At katulad kahapon marami ang nagmamasid sa akin.

Nang makalabas ay luminga linga ako sa paligid at tumigil sa harapan ko ang magarang van. Lumabas ang lalaki na sumundo sa akin kahapon and he's one of the driver of Matthew.
Pinagbuksan nya ako ng pintuan at pumasok na ako doon. Hindi ko tinanggal ang nakalagay na sunglass sa mata ko. I prefer like this. The moment I saw the huge and tall company of the Aguas I felt nervous and scared. The owner of this building is the only man that I ever love.

Pinagbuksan ako ng driver kaya naman lumabas na ako ng van. When I step outside the wind suddenly blew my hair kaya naman inayos ko muna ito bago ako naglakad ng maayos. Everyone is watching me when I step inside this building. I admit it. Mas malaki pa ito sa hotel ko doon sa Russia. Damn! He's a successful businessman!

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor na tanda ko kung nasaan ang office nya. Nang bumukas ito bumungad agad ang secretarya nya. Binaba ko ang aking sunglass at lumapit dito.

"I am Damiella Kulikov. I have an appointment to Mr. Matthew Aguas." Sabi ko sa seryosong boses. Kumunot ang noo ng babae.
"Ma'am sorry po. Pero wala pong nakalagay na Damiella Kulikov dito." Sabi nung sekretarya. What the hell?!

"What?!" Pabulong kong tanong.

"Ang nakalista lang kasi ma'am dito ay si Messeah Jade Benosa at wala na pong iba." Pagkarinig ko pa lang sa tunay kong pangalan ay dinagundong ang dibdib ko. That's my name!

"I am Messeah Jade Benosa." Sabi ko. Kumunot ang noo ng babae. Hindi sya naniniwala. Buti na lang dala ko ang Id ko na may tunay kong pangalan. Pinakita ko sa kanya ang Id ko.
"W-What is this?" Nangingilig ang boses nya.
"Don't you see? It's my Id" i sarcastically said. Nang nakita nya ang pangalan ko doon ay aligaga nya akong pinapasok sa conference room.

Wrath Of The Past (UNEDITED)Where stories live. Discover now