Chapter 14: Double date

Magsimula sa umpisa
                                    

“May movie tickets na binigay si Tita sa akin. Special screening ito ng isang bagong movie. Sabado naman bukas, baka gusto mong manood ng sine?”

“Ha? Tayong dalawa lang?”

“Bakit? Gusto mo bang may kasama tayo?” tanong niya at iiling na sana ako pero agad siyang nagsalita. “Okay, sige. Meron pa naman akong dalawang extra tickets. Ayain din natin yung dalawa. Tara, lipat tayo sa table nila.”

Nabigla ako nang tumayo si Grey dala ang pagkain niya. Naglakad siya patungo sa table na kinaroroonan ni Clara at Troy. Napasunod agad ako sa kanya para sana pigilan siya pero nahuli na ako. Nakalapit na siya sa table at nakaupo na. Wala akong nagawa kundi ang maupo na lang din. Nginitian at binati ako ni Clara habang wala naman pakialam si Troy sa presence ko.

“Hi! Sorry for interrupting. Gusto lang namin na ayain kayo bukas.”

“Bakit? Anong mayro’n bukas?” tanong ni Clara.

“May apat akong movie tickets ng Avengers End Game. Do you want to have a double date with us?”

Lumiwanag ang mukha ni Clara. Halatang tuwang-tuwa siya habang wala naman emosyon si Troy. Walang pakialam. Hindi niya rin ako tinitingnan mula pa nang lumipat kami sa table nila.

“Ano? Are you in?” tanong ni Grey kaya tumingin si Clara kay Troy na tila nakikiusap na pumayag ito.

“Sige.”

Gulat akong napatingin kay Troy dahil sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko o nabingi lang ako sandali? Hindi ko inaasahan na papayag siya.

“Good. Let’s meet tomorrow then. Magkita-kita na lang tayo sa mall bukas,” nakangiting wika ni Grey.

Alas sais ng gabi nang sinundo ako ni Grey sa apartment gamit ang kanyang sasakyan. Nagtaka si Helen kung bakit si Grey ang madalas kong kasamang lumabas imbes na si Troy. Gumawa na lamang ako ng palusot.

Walang alam si Helen na may something na nangyayari sa aming dalawa ni Troy. Ayaw ko muna sabihin sa kanya ang ginawa kong desisyon dahil sigurado akong pagsasabihan niya ako. Baka itulak pa ako nitong bawiin ang ginawa ko.

Pagdating namin ng mall, nandoon na ang dalawa naming makakasama. Nakangiti akong binati ni Clara habang tinanguan lang ako at tipid na nginitian ni Troy. Nalungkot ako dahil dito.

Nakakapanlambot ang trato niya sa akin. Hindi ako sanay. Ang lamig ng pakikitungo niya. Ang sakit. Napaisip ako kagabi na ‘wag na lang ituloy itong double date dahil ang awkward para sa akin pero umasa na si Clara at Grey kaya tinuloy ko na lang.

Pumasok kami sa loob ng sinehan. Magkatabi kami ni Clara, napapagitnaan nina Troy at Grey. Tahimik kaming apat nang magsimula ang pelikula. Hindi ako makapokus sa pinapanood namin. Mayamaya ang sulyap ko sa gawi ni Troy. Tahimik at seryoso siyang nakatutok sa big screen.

“This is so nice!” tuwang-tuwang bulong ni Helen sa akin. “Hindi ko akalain na aayain kami ni Grey. Ang witty nang naisip niyang double date na ito.”

“Mabuti talaga at pumayag kayo.”

“Syempre. Bihira lang ang pagkakataon na ‘to, sasayangin ko pa ba?”

Bumalik ulit sa panonood si Clara. Kahit hindi makapag-focus, pinilit ko ring manood. Sayang naman ang movie ticket kung hindi ako manonood at wala akong maintindihan pagkatapos ng panonood namin.

“Ang lamig,” sabi ni Clara habang yakap ang sarili.

Bahagyang napatingin ako sa kanya. Nakasuot lang siya ng halter tops at skirt na under the knee. Sa lakas ng aircon sa loob ng sinehan at sa kanyang suot, talagang lalamigin siya.

Game Changer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon