"Hayy nako!" Tumayo ako at nag tungo sa banyo pero bago ako pumasok tumigin muna ako sakanya. "Mag Mumumog lang ako saka mag hihilamos hintayin mo ako dyan."

"Yes ate hahaha! Oa." Sumaludo pa sya sakin, inirapan ko lang sya at nagtuloy na sa pagpasok sa banyo.

Hayyy! Hinintay pa talaga ako!

---

"Ikaw uky sana kanina ka pa kumain. Ginigigil mo ako." Sermon ko sakanya habang nagluluto ng kakainin naming dalawa. Tumingin ako sakanya at nakitang nakanguso ito habang nagpapa-awa sakin. "Tigilan mo kakanguso mo dyan ah! Kagabi pa sumasakit ulo ko sayo." Lalo namang humaba ang nguso nya. Pinapatuloy ko nalang ang pagluluto para matapos na din agad ako.

Bacon,hotdog at itlog lang ang niluto ko para mabilis, may kanin na baka nag saing na si kuya bago umalis.

Pinagsalin ko ng kanin si uky sa plato at nilagyan ng ulam.

"Risa, kaya ko naman yan wag mo'kong ibaby masyado."

"Tigilan mo nga ako uky, kumain ka na."

"Ang sama ng ugali mo sakin." Nakangusong ungot nya sakin.

"Kumain ka na, susubuan pa kita dyan,sige ka."

"Oo na kakain na." Nagsimula na sya kumain. Nag lagay na din ako ng kanin at ulam sa plato ko at sinabayan syang kumain.

"Risa may tanong ako."

"Ano yun?"

"Ang laki ng bahay nyo tapos wala kayong katulong?"

"Kase gusto ng magulang namin na matuto kami."

"Ganun, parang kami rin. Hindi nanguha sila papa ng katulong para daw matuto kami mag-laba, mag-luto saka maglinis ng bahay, nung una mahirap kase bata pa kami ni kuya nung iwan kami nila papa para mag trabaho pero nung natuto na kami ayos na hahaha!"

"Ako pag lilinis ng bahay at pag lalaba lang ang kaya ko, yung pagluluto medyo tagilid ako pero nakakain naman ang luto ko."

"Gusto mo turuan kita?" Nakangiting tanong sakin ni uky.

"Sige ba." Nakangiting ding sagot ko sakanya.

Marunong naman ako magluto pero hindi masarap hahahaha! Buko sa hotdog, bacon at itlog syempre, expert ako dyan.

"Tuturuan kita pag may time na ako, pag marami na tayong time, pag hindi na tayo busy pareho para walang abala. Okay?"

"Okay!" Sigaw na sagot ko sakanya. Natawa naman sya sa ginawa ko at natawa na din ako.

Habang kumakain ay nag-uusap kaming dalawa, Nalaman kong takot sya sa palaka at sa matataas na lugar, gusto nya yung mga pagkaing matamis. Mahilig sya sa aso. Kaya para syang aso, amoy nang amoy sakin.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa matapos kaming kumain. Hanggang sa nag huhugas na kami ng pinagkainan namin nag kwekwento parin sya, kwento sya ng kwento ako naman nakikinig lang dahil hindi ako makasingin sa dami ng kwento nya. Nangi-ngiti nalang nga ako dahil sa ginagawa nya.

Gusto kong batukan si uky dahil kakakain lang namin pero heto sya nilalantakan na agad yung ice cream.

"Hindi ka ba nabusog?" Tanong ko sakanya.

"Hindi." Nakangusong sagot nya sakin.

"Dyusko po."

"Bakit?"

"Wala, kumain ka na nga lang dyan. Pagkatapos mo dyan pumunta ka dun sa sala manonood lang ako doon."

"Sige." Sagot nya sakin sabay subo nung ice cream. Nakita nyang nakatitig ako sakanya. "Gusto mo?" Alok nya sakin habang nakangisi, umiling ako. "Ayaw mo? Gusto mo gawin ko yung ginawa mo sakin noon?" Nakangising sabi nya sakin.

She's My Girl [GxG Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon